CHAPTER XI - 3RD TIME

4 0 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Emerald's POV

Wala na yung sakit ng ulo ko sa pagkauntog ko sa bus kahapon. Inexcuse muna ako ngayon sa SA. Pero nag extend ang pag stay ko ron.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sumilip sa kwarto ni Blade na katabi ko lang. Tulog paba siya? Galit kaya siya?

Bakit naman siya magagalit!? Dapat ako nga!

Pero hindi naman niya sinasadya yun diba? Haay makikipag-bati na nga ako. Ang hirap ng may kagalit tapos nasa iisang bubong lang kayo.

Dumiretso muna ako sa kusina at nag prito ng itlog at nag toast ng tinapay. Nag-sulat ako ng Sorry gamit ang ketsup.

Inilapag ko yun sa tapat ng upuan niya at saka naman ako nagsimulang kumain. Tulog parin siya? Late na ah?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Lumabas ang isang naka-uniform na bakulaw-- for fairness gwapo siya ngayon.

"Morning!" Ngumiti ako sa kanya. Bigla siyang nabilaukan kaya agad akong tumayo at kumuha ng tubig.

Patay Gutom! Buti nga sayo!

Blade's POV

Sinuntok ko ang dibdib ko dahil parang may bumara na kung ano dahil sa biglang pag-ngiti niya.

Ang mataray..

Lampa..

War freak..

Basagulera..

Bitchy..

Boyish..

Babaeng walang ibang ginawa kundi sigawan ako..

Lagi akong pinapahamak..

Laging masama ang tingin..

Malambot ang labi-- wait d kasama yon.

NGINITIAN AKO!? NGUMITI. SIYA. SAKIN. SIYA NGUMITI!? HUH!? Sing gulo niya ang utak ko ngayon -_-

"Eto tubig!" Inabot niya sakin ang baso na ininom ko naman agad. Owshet gugunaw na ba ang mundo? 2012? Lel.

Malakas... Malakas pagkatama sa pinto ng bus.. Nabagok..

"Ayos ka lang ba Blade?"

Tinawag niya ba talaga ako sa pangalan ko? Parang nagsitaasan lahat ng balahibo ko kaya umalis na ako kaagad at tumakbo papunta sa pinto.

Hindi ko man ata nakalahati yung itlog. Teka-- may nakasulat don diba? Sorry ba yung nabasa ko? Ewan.. Imagination kolang siguro..

Emerald's POV

Nanghihinayang akong nakatingin sa itlog na nasa plato niya. Hindi man lang nagalaw yung RRY.. Haay buhay.

Iniligpit ko na yung pinagkainan namin at saka tinext ang 5S. Wala akong magawa.. Wala naman akong klase :/

To: Lucy, Niky, Seby, Seany:

Wala akong magawa... :/

Lucy: Ema? Don't you have classes?

Niky: Are you cutting?

Seby: Wan'na hang out bruh?

Partners In Crime-- Este.. LOVE!? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon