01/ Wrong Notion

9 0 0
                                    

"We all use stereotypes, all the time, without knowing it. We have met the enemy of equality , and the enemy is us."
- Paul,1998
✄ - - - - - - - - - - -

"Che! Manloloko! Tabi nga diyan! Para-parehas lang kayo!"

Buong pait yun sinabi nung babaeng nakasalubong niya, well hindi niya sana pagtatakahan yun since isa siya sa mga nakapanood kung paano na lang ang iyak ng babaeng yun kanina nang nakipaghiwalay ang boyfriend niya sa kaniya e kaso teka lang, bakit pati siya nadamay?

"Hoy Dils! Tara na! tama na yang pagtunganga diyan at nakapost na ang listahan ng nasa top 45."

At yun na nga ang naging hudyat para umalis na sa kinakatayuan niya si Dylan Carl Severo, isang simpleng estudyante ng pamosong eskwelahan ng Hidengard Ashton University, talagang simple lang siya kasi naman gaya ng nakagawian sa mga kwento syempre ang clichéna bida natin e yung mga 'di kapansin-pansin sa lipunan, mga napag-iwanan ng panahon ika-nga, 'di kasi siya pala-ayos, hindi pumuporma gaya ng mga makikita mong nagsskate board o kaya naman nagfifixie diyan sa daan kasi naman siya na ata ang pinaka-perpektong halimbawa ng isang huwarang estudyante kaya naman 'di kataka-takang pangalawang beses na niyang masasali sa Top 45 ng nasabing paaralan kaya nga niyaya na siya ni Geoff Padilla sa harap ng faculty para magpatulong siyang kumuha ng litrato, ang ebidensiyang ipapadala niya sa mommy niya since kampante naman si Geoff na nakasulat ang pangalan nila ng kaibigan.

"Tss. Ang daming tao sa susunod mo na lang kuhanan ng picture yan at may lakad pa kami ng alas-tres ng The Boogers."

Oo, kahit naman simple siya at halos pag-aaral, pagbabasa at pakikinig ng musika ang inaatupag niya ay mayroon pa rin naman siyang barkada bukod sa childhood bestfriend niyang ito.

"Wew. Ano ka ba hassle kaya yun kung babalik pa 'ko mamaya, sige ako na lang makikipagsiksikan dito at maghintay ka na lang sa bench diyan sa tapat."

Kahit nagrereklamo siya, wala naman siyang nagawa kundi maghintay habang sa tapat niya ay makikita ang malaking bulto ng nagkukumpulang mga estudyanteng namamag-asang makapasok sa unang seksyon ika-nga ng iba ay cream of the crop, nang maalala niya ang babaeng nakasalubong niya kani-kanina lamang, 'di talaga maiwasang sumagi sa isipan niya kung bakit mayroong mga taong pinipiling masaktan sa pakikipagsiksikan e mayroon pa namang iba dyan at ang hindi niya rin maintindihan ay kung gaano pa ka-open ang mga taong yun sa paninisi ng iba sa sariling katangahan nila lalo na yung mga nagsstereo-type kagaya na lang ng babae kanina dahil sa maling kaugalian ng mga kababaihan na panlalahat sa mga lalake na inahalintulad sa mga manlolokong boyfriend nila.

Sa ilang minutong paghihintay ni Dylan tuluyan na siyang nilamon ng katahimikan, sa pagmumuni-muni sa nakasanayang buhay sa realidad ng buhay na kailangan mo lang magpatangay dahil sa pagtatapos mo ng pag-aaral, makakakuha ka na ng magandang trabaho, magkakaroon ng pamilya, at maalagaan at mapag-aral ang mga anak ay iyon na yun, hihintayin mo na lang ang oras ng pamamahinga ,ngunit yun ay kung isa ka sa mga maswe-swerteng hindi agad dinadalaw ni kamatayan.

Ito ang konsepto ng buhay na nakatatak kay Severo at ng karamihan sa atin, pero sayang noh? Ang simple kasing isulat, pero 'di ang mabuhay sa aklat ng buhay. Napagtanto niya ang lahat ng mga ito bago pa man napukaw ang atensyon niya ng papalapit na si Breanna e kaso lang....



"Hoy! Halika na nga, 'diba may pupuntahan ka pa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reality (Un)SpokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon