Chapter2: JokerQueen turns To HugotQueen

0 0 0
                                    

Allince POV

Bakit ganun? Hindi naman ako nagpapatawa pero parang clown ako sa mga mata nila? Haist .. Tapos na yung issue na yun .

Nandito kami ngayon sa Canteen. Bumili lang ng tubig .

"Uy break na daw kayo ni Gabby?" Tanong ng tao sa likod ko .

Pag tingin ko sa likod si Raffy pala ang nagsalita . Ngumiti nalang ako at tumango .

"May pagasa daw ba si vincent kapag nanligaw ulit sya?" Tanong nya ulit .

Di ko nasagot ang tanong nya at nginitian nalang sya . Hinila ako nila jemie papuntang C.R .

"Ui .. Ano ba yun? Bat kausap mo yun?" Tanong ni jemie .

"Oo nga ! " sabi ni joana

"Bakit? Masama? " tanong ko .

"Eto lang sasabihin ko ha? Gusto ko para sayo si Jay hindi si vincent . Tapos ang usapan " sabi ni joana.

Haist .. Bakit ba sya nangengeelam pati sa lovelife ko .

"Ikaw ba yung magmamahal ha? Ikaw ba yung liligawan? Ikaw ba yung sasagot ? Ikaw ba may hawak ng puso ko ? Hindi diba? Hindi! Kaya wala kang karapatang pilitin ako kung ayaw ko . " mahaba kong sabi .

"Oo besfriend kita joana .. Pero wala kang karapatan para mamili ng mamahalin ko . Bakit? Pinakealaman ko ba yung desisyon mo ? Yung pagpili mo kay ken? Ha? Hindi diba? Kaya please wag mo kong pakealaman sa gusto ko . " sabi ko .

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon