Chapter3: Carlo's POV

0 0 0
                                    


Carlo's POV
Hello  . May POV agad ako? Haist iba talaga pag gwapo . Oh ano ? Mahangin ba ? Tsk . Tanggapin nyo nalang ang katotohanan .

"Uy pre andito na tayo!  Ano nanaman iniisip mo puro kagaguhan nanaman siguro noh? " sabi ni vincent

Kagaguhan ba na sabihin ang totoo ? O edi ako na ang g@go . Hahaha !

"Haist .. Wala ! Eto ba yung bahay ni Alince? " tanong ko sa kanya.

"Hindi .. Kila jemie toh ." sagot nya sakin

"Ha? Yung isa sa bff ni alince? Kala ko ba kila alince? " tanong ko uli sa kanya

"Eh .. Natatakot ako sa kuya nya eh .. Kaya pupunta nalang si alince dito" sabi nya .

"Hahaha! Ganyan ba ang manliligaw ? Takot sa kuya ? Kuya palang yun ha! Eh kung sa tatay pa kaya ? Hahaha !" Sabi ko sa kanya .

Lakas ng loob manligaw .. Takot naman pala sa kuya . Hahaha! Nako vincent!

"He ! Manahimik kana nga lang!" Banas na sabi ni vincent .

"Ang ingay nyo ! Malapit na daw si alince!" Sabi ni raff

"Malapit na? Katext mo ba raff? " tanong nung bff ni alince .. Jemie daw yung pangalan.

Bago pala dumating si alince magpapakilala muna ko .

Im Gian Carlo Lopez, Matangkad, pogi , cute , maputi , maangas , mayabang daw sabi nila . Pero kung magmahal ako wagas. One of the tropa of Vincent.

Ano pa ba? Hmm .. Crush ko si ..

"Uy Carlo! Andito na si alince!" Sigaw ni vincent .

Haha .. Panira moment ang tropa.

"Ay oo nga .. Witwit ! Hahaha! " sabi ko

Nakamaikli kasi sya .. Pati  na din yung bestfriend nya na si jemie . Mukhang pinagusapan nung dalawa to ha? Hahaha.

"Ui sorry ha? Natagalan." Sabi ni alince .

"Ayos lang yun! Basta may pa tinapay !" Sabi ni jimmy .

Kahit kailan talaga ni jimmy ! Hahaha ! Tinapay eh.

"Sige ba? Hahaha!" Sabi ni alince .

Yung ang gusto ni vincent kay alince . Sinasakyan nya lahat ng trip naming tropa . Hindi sya Kj.

"Huy ! Ate ! Paramdam kanaman uy .. " sabi ko dun sa jemie .

Actually hindi kami close nito .

"Hehe .. Sige !" Sabi ni jemie .

"Baka mapanisan kayo ng laway nyan ! " sabi ko sa kanya .

Sumama yung tingin nya sakin .. Hahaha! Hay naku .. Sarap pagtripan . Huwag lang maiinlove, mahirap na baka akoy masaktan.

"Tse! " nasabi nalang nya .

"Hey? Baka magkatuluyan kayo nyan! " sigaw ni alince sa amin .

"Duh ! Never! "Sabay naming sabi ni jemie .

"Gaya gaya ka? " sabay nanaman naming sabi .

"Ayune ! Sabay sila!" Sabi ni raff.

"Tse magtigil! " sabay nanaman naming sabi .

Haist .. Kaasar .. Bat va sabay kami lagi magsalita?.

"Sino bibili ng tinapay? " tanong ni jimmy .

Tawa naman kaming lahat. Galing mag timing ni jimmy .

"Ako nalang . " sabi ni vincent.

"Alam mo ba tindahan ng pandesal? " tanong ni alince kay vincent.

"Edi samahan mo! Problema ba yun? " sagot ko .

"Kayo nalang ni jemie , carlo !" Sabi ni raff.

"Oo nga !" Sabi ni alince

"Oo nga nagugutom na ko eh !" Sani ni jimmy

"Hu ! Ayaw !"

Ano ba yan ! Sabay nanaman kami .

"Bat ba gaya gaya ka? " sabi ni jemie

"Ikaw nga tong gaya ng gaya  eh ! Crush mo ko noh?" Tanong ko sa kanya .

"Huwat? Ikaw ba ay naa*bno? Kala mo kay pogi mo ! Tama ka! Akala mo lang yun!" Sabi ni jemie .

Haist .. Ayaw pa nyang aminin eh ..

"Magtigil na nga kayo .. Nakakairita na eh " pakiusap ni alince samin .

"Eh yung kaibigan mo eh .. Mukhang naiinlove na sakin." Sabi ko kay alince.

Natawa naman silang lahat. Uyy mga tropa di ako nagjojowk uyy ..

Bigla nalang may tumama sakin na .. Tsinelas ba yun? Tsinelas nga . Binatukal ako ni jemie.

"Inaano ba kita? " tanong ko kay jemie

"Never akong maiinlove sayo noh!" Sabi nya sakin

"Bat sinabi ko bang maiinlove ka sakin? " taning ko sa kanya.

"Ano yung sinabi mo kanina na mukhang inlove yung kaibigan ni alince sayo? So ako nga yun!" Sagot ni jemie .

Apaka defensive naman nereng babaeng reh!

"Ba ? Ikaw lang ba yung kaibigan ni alince dine? Malay mo si raff yung tinutukoy ko ? Malay mo si jimmy tinutoukoy ko? Hay nako ." sabi ko kay jemie .

Hahaha Grabe sya .

"Magtigil na nga kayot bumili na ng tinapay ! Nagugutom na ko ! Baka di ako makapagpigil at kayo ang makain ko ! " sigaw ni jimmy.

Tawanan lahat kami .


~
Next Chapter XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon