"Nangibang-bansa na si Shin. I warn you, Aris. Don't look for her. Don't you dare follow her." Matigas ang tinig ni Tommy.
"I want to talk to her, 'tol. Please naman." Kulang na lang ay maglumuhod siya rito.
"Wag mo kong tatawaging 'tol. Hindi ka na parte ng pamilya at hindi na kita tinuturing na kaibigan." May diin ang bawat salita nito.
Magsasalita pa sana siyang muli ngunit sinaraduhan na siya nito ng pinto.
Wala sa sariling napasandal siya sa kotse niya. He felt so guilty. He felt so alone. These past few days, a realization struck him. He loves his wife. Hindi pala totoong kaya niyang mabuhay ng wala ito. Isipin niya pa lang na wala ng maamong mukha nito na makakamulatan niya sa kama niya tuwing umaga ay parang wala na siyang ganang gumising. Parang wala na siyang interes na muling tumira sa condo niya.
Naguluhan siya nang biglang dumating si Ranee para ipaglaban ang karapatan sa kanya. Nagkulang kasi siya rito. Hindi niya agad nasabi rito na ikinasal na sila ni Shin. Sa bandang huli ay naghabol si Ranee. Ipinaalala nito sa kanya ang lahat ng pinagsamahan nila. They've known each other since they were kids. Ipinaalala nito sa kanya kung gaano niya ito minahal at halos sambahin. He had to admit, he got confused.
Tinadyakan niya nang tinadyakan ang sasakyan niya. He didn't give a damn kahit masira iyon. Doon niya nailabas ang lahat ng frustration niya. Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Shin habang paulit-ulit itong nagmamakaawa na patayin niya na lang ito. She suffered a lot. At siya ang may kagagawan niyon. Hindi niya alam na ganoong kalalim ang iniukol nitong pagmamahal sa kanya.
"Shin, mahal pala kita!" sigaw niya sa hangin. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao roon. "Shin, mahal kita. Bumalik ka na."
Four years later...
Napapikit si Shin habang nilalanghap ang hangin sa Pilipinas. Kadarating niya lang sa Manila. One month ang kinuha niyang vacation leave. Inipon niya ang bakasyon na iyon. She worked straight weeks para makuha niya ng isang bagsakan ang bakasyon na iyon. She deserved to rest. She enjoyed her trips but these past few months, nakakaramdam siya ng pagkapagod.
Yes, she enjoyed her life. There were endless travels. Natuto din siyang uminom at mag-party. Those things helped her in moving on. Malakas pala siya, kaya niyang malampasan ang pinakamasakit na bahagi ng buhay niya. Sa tingin niya ay naka-move on na siya. Wala na siyang makapang sakit sa dibdib niya. Ang pinanghihinayangan niya na lang ay ang anak niya. Malaki na sana ito ngayon. Meron na sana siyang binabasahan ng bedtime stories ngayon. Ipinilig niya ang ulo at pilit na pinalis ang panghihinayang doon.
She had a maximum of one hundred flying hours each month at entitled sila sa nine days off per month. Every twenty-third ng month lumalabas ang roster nila. Nang malaman niya na may flight siya pa-Manila mula sa roster niya, pinlano niya na rin ang bakasyon niya. Masarap pa ring magbakasyon sa sariling bansa.
She met a lot of people. Every flight, iba-iba ang kasama niyang flight attendants. Wala siyang permanent na flight buddy. She'd been to different high class hotels courtesy of the airline company. Kapag more than ten hours ang flight nila, may sarili silang bunk bed kung saan allowed sila na matulog ng three to four hours. She couldn't ask for more.
How she enjoyed flying! Kaya unusual na bigla na lang nawala ang adrenaline rush niya at ninais niyang makapagbakasyon.
Tomorrow, she would meet her husband. Yes, husband. Not an ex-husband. Sa loob ng apat na taon, walang sinuman sa kanilang dalawa ni Aris ang nangahas na ipa-annul ang kasal nila. Alam niyang madali siyang matutunton nito. He had been in the airline business. May mga koneksyon ito. But he did not bridge the gap. Whatever his reasons were, labas na siya roon.
BINABASA MO ANG
TEARS FROM POLARIS
CasualeShin was a star lover. Batid niyang kahit kailan ay hindi niya maaabot ang mga bituin sa kalangitan pero tanggap niya iyon. But then Polaris entered her life. He was named after the brightest star. True to the meaning of his name, he was the brighte...