[UNEDITED]
Emanuelle's P.O.V
I'm waiting for Zeline here sa food court. Sabay kasi kaming kumakain ng snacks kapag recess at kapag pareho kami ng vacant time.
Since 15 minutes pa bago siya makapunta dito, I got my phone from my bag to ease my boredom.
One message received...
From: Jackson Santos
Hi, baby. 😘 Good morning! Recess ka na?Yeah, I'm in constant texting with Jackson. It seems na mayroong force na nagpupush sa aking makipagusap sa kaniya. Kapag ka naman wala siyang ginagawa, tatawag siya. I haven't seen his face na naguusap talaga kami pero panay naman ang send niya sa akin ng pictures niya. Ang pogi niya, swear. Ewan ko ba, hindi naman ako nakikipagclose sa mga hindi ko kakilala pero iba siya eh.
To: Jackson Santos
Hinihintay ko pa bestfriend ko. Parating naman na yun.From: Jackson Santos
Si Zeline po? Pero baby baka hungry ka na. Mauna ka na lang kayang kumain?To: Jackson Santos
Yup. Si Zeline nga. Sino pa ba ang bestfriend ko? Lol 😜 Mga 10 minutes na lang naman, andito na yun.And yes, kilala niya na si Zeline. Nabanggit ko na sa kaniya pero hindi kay Zeline kasi alam kong pagagalitan lang ako noon. Maybe after a week or two siguro.
From: Jackson Santos
Ok sige. Basta kumain ka po nang marami babe ah? Ayokong mamayat ka. Hahaha jk lang babe.To: Jackson Santos
Leche ka. Bwisit na to. Huwag mo akong mababy-baby jan.From: Jackson Santos
Joke nga lang kasi yun babe. To naman, di na mabiro. Hahaha xDTo: Jackson Santos
Pakyu mo talagang Jackson ka.From: Jackson Santos
I love you too, mahal. :*To: Jackson Santos
..|..Alam niya kasing nabubuwisit ako kapag tinatawag niya akong mahal eh. Nakakadiri kaya tiyaka alam kong binobola niya lang ako. Luh, ilang linggo pa lang kaming magkakilala tapos mahal niya ako kaagad? Ano iyon, magic?
From: Jackson Santos
Sobrang pikunin talaga neto. Hahaha. Peace na tayo babe plssssss."Gaga! Bakit nakasimangot ka diyan sa cellphone mo?" Oh, dumating na pala ang madam.
"Grabe! Nakakagutom kayang maghintay sa iyo, babe, at dahil diyan lilibrehin mo ako ngayon pati na mamayang lunch. Yehey! Thank you, babe."
"Grabe ka. Na-late lang ako tapos maba-bankrupt na kaagad? Grabe, love. Napaka considerate mo talaga sa isang graduating student na katulad ko. Isa kang alamat." She sarcastically told me. Graduating student na kasi siya sa kurso niyang Photography. Ever since, iyon na talaga ang passion niya. Kaya nga kapag naglalaboy kami, siya ang taga kuha ko ng pictures. Haha.
"Mahal mo naman ako eh kaya okay lang iyan. Tara na, babe. Parami na ng parami ang mga students oh." Sabay hila ko sa kanya papunta sa mga stalls ng foods.
Pagkatapos naming bumili ng mga pagkaing siya lahat ang bumayad eh bumalik na kami sa mesang pinaglagyan namin ng mga gamit namin. Lasagna tiyaka chocolate flavored icecream shake lang pinalibre ko sa kanya. Pasalamat siya, busog na busog ako kaninang breakfast.
BINABASA MO ANG
Dear Mister Paasa
Teen FictionShe fell. Two words with thousands of consequences. Will she realize the lies?