TWO
Pansamantalang pinasara muna ang laundry shop na pinagtatrabauhan ni Loraine, wala na kasi silang masyadong costumer dahil kinuha na ng kabilang shop ang mga dating suki nila. Kaya ngayon naghahanap nanaman siya ng bagong trabaho na pwedeng pagkaktaan. Hindi kasi sapat ang maliit na sweldo niya sa restaurant para sa tuition ng kapatid niyang si Elaine.
Umuwi siya ng bigo, lagi kasing hinahanap ay mga college graduate lamang ng mga pinag-aaplayan niya ng trabaho. Awang-awa siya sa sarili dahil bata palang siya ay dinadanas na niya ang mga ganitong hirap. Naglalakad na lang siya pauwi dahil naubos na ang baryang pamasahe niya. Habang naglalakad siya taimtim siyang nananalangin na sana ay may mabuting puso na ,magsakay sa kanya.
Ilang saglit lang mukhang dininig na ang panalangin niya dahil may humintong sports car sa may bandang gilid niya.
Thank you po Lord.... sabi niya sa isip niya, pero ng mapabaling siya sa may ari ng sasakyan nadismaya lamang siya sa nakita. Ito yung lalaking nakausap niya nung iasang araw sa Restaurant na pinagtatrabauhan niya. Mabilis niya itong dinedma at binilisan ang kanyang paglalakad.
"Hey! Bakit ka naglalakad kahit tirik na tirik ang araw baka makasama sayo at sa batang dinadala mo. Bka makunan ka niyan sa ginagawa mo."
"mas pangit naman siguro kung gumapang ako eh no? Natural may mga paa ako kaya ako naglalakad. Tss! Diyan kana nga umagang-umaga nakadrugs kana naman." kahit magmikha siyang tanga tumakbo na siya para makalayo sa lalake natatakot na kasi siya sa mga susunod na sasabihin nito sa kanya. Hindi kasi makatotohanan ang lahat ng mga sinasabi nito.
Pagdating ni Loraine sa kanilang bahay napansin niya ang isang tambak ng mga basura kaya minabuti niya na itapon ito sa likod ng kanilang bahay. Hindi sinasadyang makakita siya ng maliit na bagay, kung hindi siya nagkakamali isa itong pregnancy test. Pag tingin niya dito may dalawang pulang linya siyang nakita dito. Ibig sabihin buntis ang may ari ng pregnancy test na hawak niya.
Biglang nagflashback sa kanya ang pangyayari kanina at nung isang arw, yung lalake na laging nagpapaalala sa kanya na mag ingat siya na baka daw makasama sa kalagayan niya at sa batang dinadala niya at baka makunan siya.
"Loraine buti at nadatnan kita sa bhay" pambungad ni Elaine, nagulat pa ito ng makita ang hawak ni Loraine. "Ba-Bakit hawak mo yan?"
"Kaw ba ang may-ari nito Elaine?" sabay tapon ng pregnancy test harapan ng kapatid. "Sumagot ka sayo ba yang pregnancy test na yan?!" hindi na napigilan ni Loraine na tumaas ang tono ng kanyang boses dahil sa galit na nararamdaman sa kanyang kapatid. "Heto na lang ang gusto kong sagutin mo ilang buwan na ang ipinagbubuntis mo?"
"Da-dalawang buwan, pero wala akong balak na buhayin ito, dahil ang batang ito ay bunga lang ng pagkakamali ko." di na napigilan ni Elaine ang kanyang mga luha at unti-unti na itong dumadaloy sa kanyang mga mata. "At wag mo nang itanong kung sino ang ama ng batang dinadala kodahil hindi kita sasagutin." at tumakbo na ito palabas ng kanilang bahay ng hindi man lang niya hnintay na makapagsalita ang kapatid.
Parang nanghina ang mga tuhod ni Loraine sa mga narinig niyang rebelasyon nalaman niya kay Elaine at napaupo na lamang siya sa sahig habang naktingin sa pintong nilabasan ng kanyang kapatid. Wala man lang siyang masumpungan at mapagsabihan sa mga problema niya. Pakiramdam tuloy niya pasan niya ang buong daigdig dahil sa mga problemang binibigay sa kanya ng kanyang kapatid.
-----------------------------------------------
Malalakas na kalabog mula sa pintuan ang narinig ni Loraine, nabulabog tuloy ang kanyang pagtulog, bale magdadalawang oras palang ang tuolg niya dahil halos kakauwi lang din niya galing sa Restaurant na pinagtatrabauhan niya. Bimangon siya para pagbuksan kung sino man ang nambubulabog sa kanila.
"Sandali lang, andyan na!" bago niya diniretso ang pintuan ng bahay sumilip muna siya sa silid ng kanyang kapatid, alastres na ng madaling arw pero hindi parin ito umuuwi. "Saan na kaya siya? Bakit hindi parin siya umuuwi?" puno ng pag-aalala ang dibdib niya.
Narinig nanaman niya ang malalakas na kabog sa pintuan, kaya minadali niya ang kanyang mga hakbang upang malaman kung sino ang nang-iistorbo sa kanila.
"Loraine buksan mo itong pinto."
Elaine...? pagbukas niya ng pintuan tumambad sa kanyang harapan ang duguang kapatid. Punong-puno ng dugo ang kamay at damit nito. May hawak pa itong patalim at tila hindi normal ang itsura nito.
agad yumakap si Elaine kay Loraine "Loraine wala akong kasalanan nadamay lang ako, sabi nila bibigyan daw nila ako ng marijuana kapag pinaslang ko yung matandang lalake..."
"ano? Marijuana? Pinaslang? Hindi kita maintindihan Elaine, anong pinagsasabi mo?
"Loraine ayokong makulong tulungan mo ako, tulungan mo akong magtago. Ayokong makulong."
"Huminahon ka, hindi, hindi, hindi ka makukulong basta ipaliwanag sa akin ang lahat." pinakalma niya ang kapatid, kinuha rin niya ang hawak nitong patalim.
"Basta ipangako mong hindo mo hahayaang makulong ako." baagyang tumango si Loraine,. "Isang buwan na buhat ng sumali ako sa isang fraternity, natuto ako halos sa lahat ng bisyo, sugal, sigarilyo, alak at pati na droga. kanina isinaman nila ako sa raket nila ang manloob ng isang convinient store para may pambili ng droga pero sumabit ang plano natimbog kami ng mga pulis pero nakatakas ako dahil tumakbo akopero nasaksak ko yung matandang lalake na bumibili lamang duon sa convinient store." nanginginig ang buong katawan nito habng sinasabi nito ang lahat ng nangyari. "Kaya Loraine gumawa ka ng paraan para di ako makulong. Ayokong makulong. Ayokong makulong Loraine ayokong makulong." balisa ito at hindi mapakali sa kinatatayuan nito. "Ano tutulungan mo ba ako o hindi?!"
Nagulat si Loraine ng humugot ng isa pang patalim si Elaine, sa kinikilos nito ngayon hindi na ito ang Elaine na kilala niya. Ibang-iba na ito ngayon. Kinabahan siya sa inaasal ng kanyang kapatid para bang may balak din itong patayin siya. "Elaine ibaba mo yan hindi kita matutulungan kung idadaan mo sa ganyan."
Itinapon nito ang patalim na hawak at napaupo sa sahig ibinuos lahat ni Elaine ang dinadala niya sa kanyang dibdib. "Ang malas-malas ko , nawalan na nga ako ng magulang nawala pa sa akin si Mike, Loraine ikaw na lang ang tanging nagmamahal sa akin." humagulgol ito sa pag-iyak. "Ikaw na lang ang inaasahan kong makakatulong sa akin."
Siguradong pagsikat palang ng araw ay dadamputin na ng mga pulis si Elaine,naawa man si LOraine dito pero wala siyang magagawa kung hindi ang ibigay sa awtoridad ang kanyang kapatid dahil ang batas ay batas at nagkasala ito.
"Mahal na mahal kita Elaine pero....."
"Pero ano?!"
"Ang batas ay batas at ikaw ay nagkasala kahit magtago man tayo, magpaklayu-layo mahahanap at mahahanap pa rin tayo ng mga awtoridad."
"So hahayaan mo lang akong mabulok sa kulungan? Anong klase kang kapatid wala kang kwenta!!"
"sa ngayon iyon ang kailangan kong gawin Elaine."
"SAbi ko na nga ba isa karin sa kanila di niyo ko mahal. Pwes kung wala akong maaasahan sayo magpapakamatay na lang ako kasama ng pesteng batang to." wla na sa tamang pag-iisip si Elaine dala ng paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot.
----------------------------------------------
jururu_maeyee

BINABASA MO ANG
UNI (you and i)
RomanceLoraine, "the greatest martyr of all" ang dakilang kakambal ni Elaine na sumalo lahat ng mga nagawang gusot nito at ang inakala nilang pakawala, rebelde at masamang babae. Ivan; "the ultimate sweet and caring hunk" but when he fell in love. ito na...