CHAPTER FOUR

301 8 2
                                    

FOUR

Loraine's Pov

Kung gaano ka-istrikto ang amo mas istrikto pa ang alagad nito.

Tss! Umagang umaga pinariringgan na ako ni Manang Che-che na kesyo may nanloob daw ng bahay. Aist! Dahil lang sa isang lata ng sardinas ay ikinagalit na niya ng husto?

Kung makapagreact kala mo nilimas ko lahat ng mga grocery nila dito sa bahay. Kung di lang tlaga ako gutom kagabi hindi naman ako mangengealam sa gamit nila dito eh haay. -__-

"Kailangan ipalagyan ko na ng padlock ang kabinet ng grocery kasi hindi ligtas. Paano kase kadarating pa lang lumalabas na ang tunay na ugaling kriminal." talaga lang ha? isang lata lang kung makatawag ng kriminal wagas lang.

Talagang hindi pa niya ko tinantanan sa pagpaparinig niya. At tlagang alam pa niya ang kabilangan ng mga stocks nila sa cabinet ah? 

Kung pwede lang talagang mawala nalang akong parang bula dito o kaya lamunin nalang ako ng lupang inaapakan ko  para hindi ko na makita at marinig ang mga pagpaparinig na ginagawa ni Manang Che-che sakin.

Kainis lang parang nahiya tuloy ako sa ginawa ko kagabe. aist!!

"yaya ang aga naman yata ng diskusyon niyo? Ano ba yan parang nahihigh blood ka na naman?" malambing na sabi ni Ivan kay Manang Che-che.

Mukhang kakatapos lang niyang magjogging kasi pawis na pawis ito, lumabas tuloy lalo ang pagka hot niya.

Shit! did I just said na hot siya?? Hindi nga? tss! ou nga sabi ko nga sinabi ko yun eh.

"Yaya paki abot nga po ng tubig" utos ni Ivan kay manang, pero nasa tono pa din niya ang paglalambing sa matanda.

Dahil nasa likod ko lang ang refrigerator ako na ang nagkusang mag-abot ng tubig kay ivan. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya ng iaabot ko na ang tubig sa kanya.

"ikaw ba si Che-che?" singhal na sabi sakin ni Ivan. Shit lang ako na nga ang nagmamagandang loob ako pa pinahiya.

Binabawi ko ng sinabi kong Hot siya. Bakulaw siya, isa siyang malaking bakulaw! grrr!

"Hindi kita utusan kaya ibigay mo yan kay Manang Che-che, sumunod kana rin sa Nipahut doon tayo magbebreakfast." pagkasabi niya lumabas na siya ng kusina.

"Buti nga sayo, papapel pa kasi." kahit pabulong lang sinabi iyon ni Manang che-che hindi parin ito nkaligtas sa pandinig ko. Tsk! nu ba problema nitong matandang to?

 "Pasalamat ka hindi kita sinumbong sa amo ko kung hindi lagot ka sana sa kanya." patuloy pa nito.

"so utang na loob ko pa sayo ang hindi mo pagsumbong sa akin? Isang delata lang naman iyon ah, kung gusto mo papalitan ko na lang iyon kahit doble o triple pa para sa ikakatahimik ng butsi mo." mabait ako pero pag naaagrabyado na ako aba kailangan ding lumaban.

Kahit matanda pa sa akin to kailangan ko paring ipagtanggol ang sarili ko, hinding hindi ko hahayaang apak-apakan lang ako.

"Tama nga ang sabi ni Sir Ivan masama kang babae  wala kang galang sa matatanda. Hindi ka karapatdapat na maging kabiyak ni Sir Mike." 

"Teka sino naman si Mike" naguguluhang tanong ko kay manang che-che

"Boyfriend mo hindi mo kilala. Siya ang nagpyansa sayo para makalaya ka at siya rin ang nagkumbinsi kay Sir Ivan na subaybayan ka habang wala pa siya, mayroon kasi itong inaasikaso mahalagang negosyo sa Hongkong.," paliwanag ni manang che-che

UNI (you and i)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon