Chapter 8- Way to south villa

22 2 0
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alexis Pov~

5:00 am nagsimula na kaming naglakad at ngayon nandito na kami sa Abelante at tatlong syudad pa bago kami makarating sa south villa.

'Fritz are you okay?'- tanong ko sa kapatid ko na kanina pa walang imik simula ng umalis kami sa apartment.

Huminto siya sandali 'okay lang naman ako kuya' saka siya muling naglakad.

'Uy Alex! Laki talaga ng naging impact nung nangyari kay Micah sa kapatid mo' nagulat naman ako sa ginawang pag entrance ni Divi

'Alam mo kasi halos kapatid na ang turing ni Fritz kay Micah, five years old palang si fritz magkaibigan na sila, kaya naman hindi niya matanggap na nawala na si Micah'

Nakita ko sa mata ni Divi ang pagka lungkot kaya naman inakbayan ko siya 'dont worry hindi ko hahayaan na mawala ka sakin proprotektahan kita' ugh!

'Kapal naman ng muka mo!' Ang sakit sinikmuraan ako ni Divi T___T
'Bakit mo naman ginawa sa akin yun divi?'

Hindi niya ako pinansin at naglakad na lamang siya ulit.
tss babaeng yun talaga kahit kelan mapanakit kapag kinikilig.

'Hey bro'

Pucha! Kung may sakit Lang ako sa puso kanina pa ako inatake.

'Oh ken?'

'May something ba kayo ni Divine?'

'May past'

'Kaya pala'

'Anong kaya pala?'

'Ganyan kayong dalawa kasi may past pala'

Nahinto kami ni ken sa paglalakad.

'Alex may hord ng zombie, atras! Humanap narin kayo ng mapag tataguan!' -rebecca

Nag panic yung iba samin. Hinanap ko agad si divine and i grabbed her hand at inaya yung iba na sumunod sakin.

Nakakita kami ng isang fast food chain good thing at may shutter Ito kaya naman pinaatras ko si divine at tinawag si ken para tulungan ako na itaas yung shutter.

Isa-isa ko na silang pinapasok at agad ko itong ibinaba ng masiguro ko na nakapasok na ang lahat pero may kulang..

'Alex im sorry pero hindi ko napigilan si fritz na--

itataas ko na sana ulit ang shutter ng may humawak sa kamay ko 'no alex!! Hindi ka lalabas! Are u nuts? there's a hord of zombies out there tapos lalabas ka ng mag isa?'

Nagalit ako sa sinabi niya 'what the fuck divi!? Gusto mo ba na dito lang ako at hayaan ang kapatid ko na makaen ng mga punyetang zombies na yan!?'

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko 'please alex tingnan moko sa mata.. i know ur sister alex, maybe she had a plan kaya siya nagpaiwan sa labas. Matapang at malakas ang kapatid mo just have a trust on her.. mag tiwala ka.. ok lang si Fritz'

Hindi ko alam kung bakit pero tanging yakap lamang ang naisagot ko sa sinabi niya 'thanks Divi'

Fritzy Pov~

Shit!! Napaka walang kwenta ko naman! Ughh!! Nakagat ako ng zombie sa balikat! Damn that fucking zombie!!

Lumingon ako sa likod ko, kasalukuyan akong nagtatago sa ilalim ng van. I had no choice but to hid myself under this van.

Marami parin zombie ang dumadaan sa street na ito. I wonder why kung bakit?

*20 mins later*

Wala na akong nakikita na mga paa ng zombie kaya naman lumabas na ako..

Fuck! *slash* pinugutan ko ng ulo yung zombie na muntik ng makagat ako sa balikat.

Teka? Bakit ganito? Nanlalabo ang paningin ko?

Sinubukan ko mag lakad papunta sa may eskinita pero ramdam ko na nawawalan na ako ng panimbang at umiikot na ang buong paligid..

(Black Out)

Uggghhhh!! Masakit parin.. teka? May bandage na yung kanang balikat ko, i look around at nandito ako ngayom sa isang bahay? Sino naman ang nagdala dito sa akin?

Sumilip ako sa bintana, malayo na ito sa pinang galingan namin kanina.

Tss.. kuya alex must be worried as fuck now at yari ako dun pag balik ko.

'Buti naman gising ka na, ako nga pala si Winoona'

Humarap ako sa may ari nung boses at nakita ko yung babae na napaka puti ng kutis at ang haba ng buhok.

'Nasan ako? At paano ko ako napunta dito?'

'Nandito ka ngayon sa mansion namin huwag ka mag alala ligtas ka rito'

Ngumiti siya sakin, at yung ngiti niya ay pamilyar sakin. Ganyan yung ngiti na binigay sakin ni Micah bago siya mawala.

'Ok ka lang ba? Kamusta na yung balikat mo?'

'Medyo masakit pa'

'Hayaan mo mamaya mawawala na yan, ganyan talaga epekto ng gamot'

'Oh Winoona, gising ka na pala btw ako nga pala ang ate niya Mira'

'Salamat sa inyo'

'ano pala pangalan mo?'

'Fritz'

Divine Pov

Habang naglalakad kami si Alex tahimik parin. Hindi ako maka lapit sa kanya kasi naman parang mangangaen siya ng tao eh.

Kasabay ko mag lakad si Thelma at Ash, habang si Alex naman nag sosolo.

*deep sigh*

'Aaaaaaaaaaaaah!!' -sigaw ni Rebecca

'Guys! Takbo! Bilisan niyo!' -pahabol na sigaw ni Rebecca

Oh shit! Anong klase ng halimaw yan? Ang bilis niya tumakbo.

Nakita ko si Alex na naglalakad kaya naman hinablot ko ang kamay niya at sabay kaming nag tago.

Tahimik ang buong paligid habang sinusubukan kong kumalma dahil sa sobrang pagod at takot.

'NOOOOOOOOOO ASH!!'

Sumilip ako at nakita ko si Ash na natagpas ang balikat pati ulo.. *nasuka*

Grabe kadiri naman yun ughhh...

'Thelma halika na!!' -si rebecca

'Wala na tayong magagawa patay na siya' -Debbie

Nagulat ako ng lumakad si Alex sa direksyon ng halimaw, binalak ko siyang pigilan ngunit napaka traydor ng aking boses dahil wala manlang lumabas na salita.

'Hoy!! Ako ang harapin mo!'

Humarap yung halimaw kay Alex at hindi ito nag dalawang isip na iwasiwas sa direksyon ni Alex ang matutulis niyang galamay, mabuti na lamang at naiwasan yun ni Alex.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari, paano kung matulad siya kay Ash?

muntik na siyang mahagip ng galamay nito at iyon ang naging sanhi ng pag lagmak ni Alex sa kalsada.

Napa pikit na lamang ako dahil tinutok na nung halimaw yung..

*sunod sunod na pag putok ng baril*

Minulat ko ang aking mata at nakita ko yung halimaw na binabaril nung tatlong lalaki at naging perfect timing iyon para kay Alex, pero imbis na tumakbo siya palayo ay lumapit siya sa halimaw at pinutulan ito ng ulo.

Zombie InvasionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon