SORRY SA MATAGAL NA HINDI PAG UPDATE.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Divine POV
Yung mga nangyari kanina ay sadyang nakakagulat. Napaka lungkot ng atmosphere na bumabalot sa amin ngayon. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kay Alex. Parang gusto ko magalit sa kanya dahil sa ginawa niya kanina!! Hindi ba siya nag iisip? Hindi magugustuhan ni Fritz yun kung may nangyari man na masama sa kanya kanina at mas lalong hindi ko yun magugustuhan.
Alex POV~
Kanina pa ako hindi mapakali, wala paring bakas ni Fritz!
Kanina pa ako pinapa kalma ni Divi at heto siya ngayon hawak hawak ang kamay ko ayaw niya daw ako iwan dahil baka mawala rin ako sa paningin niya.'Alex?'
'Hmm?'
'Wala lang, gusto ko lang sabihin na namiss ko to'
'Ang alin?'
Itinaas niya yung kamay ko na hawak hawak niya.
"Ako rin"
Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.
"Alex sigurado ako na kung nasan man si Fritz ligtas siya, mana kaya yun sayo saka mas lalake pa nga yun sayo eh haha"
"Sana nga Divi ligtas siya"
Naramdaman ko na hinimas niya ulo ko
"Wag ka na mag alala ayos lang si Fritz"
Ken POV~
kamusta na kaya si Fritz? Hindi pa siya nakaka balik Simula ng umalis siya kanina.
Nasa gilid lang ako ng safe house tapos yung iba kinakausap yung tatlong lalaki na nagligtas samin.
Ayaw nila sabihin kung sino sila, nagbigay lang sila ng codename nila. At sinabi pa nila na tawagin daw namin silang The Unknown. Medyo may pagka-wierdo sila lalo na kapag nagkwento na sila tungkol sa mga pinag gagagawa nila before the outbreak.
*deep sigh*
Isang linggo narin yata ang nakalipas after outbreak. Parang Bago parin sakin ang lahat, hindi parin tinatanggap ng utak ko yung mga nangyari.
Nakita ko na lumabas si ate Debbie ng safe house kaya naman dahan dahan ko siyang sinundan,
*gun shot*
Fuck! Si ate Debbie!! Tumakbo na ako at halos mapaluhod ako sa nakita ko, si ate Debbie naka handusay sa kalsada. Tumakbo na ako palapit sa kanya, di ko na mapigilan ang luha ko ng makumpirma ko na patay na siya.
"Ate Debbie Bakit? Bakit ka nagpakamatay? Ate!!"
Habang umiiyak ako ay may napansin ako sa balikat niya, bat may dugo? Eh samantalang sa ulo siya nag baril? Tinignan ko at nakita ko ang dahilan kung Bakit siya nagpakamatay, may kagat siya sa balikat niya meaning infected na siya ng virus.
Isa-isa ng naglapitan sakin yung mga kasama ko pero sinabi ko na hayaan nalang muna nila akong mag isa.
Nakakainis talaga!! Una sila mama at papa, ngayon pati kapatid ko namatay na ng dahil sa lecheng mga zombie na to!! Malamang may tao na pasimuno sa lahat ng nangyayari!! At hinding hindi ko siya mapapatawad!! Papatayin ko siya pag nalaman ko kung sino siya!!
Sa tagal na ng panahon ay mayroon muling namuo na galit mula sa aking puso. Galit na humihingi ng hustisya para sa pagkamatay ng pamilya ko pati narin ang mga inosenteng buhay ng ibang tao.
Buong gabi akong nagmukmok mag isa. At sa aking pag iisip ay biglang sumagi sa isipan ko si Fritz. Yung ngiti niya. Hind ko malilimutan yung ngiti niya na yun. Sobrang ganda talaga niya. Pero alam ko naman na hindi ako ang gusto niya. Saka narinig ko sila ni Thelma nun. Hindi rin naman ako nag tagal nang marinig ko na nag confess si fritz umalis din ako agad dahil nagulat ako at ayoko na malaman nilang narinig ko ang usapan nila.
Hays.. Hindi ko maiwasang mag selos at mag alala sa kanya kahit na nag uumapaw ang galit ko. Siguro nga ang lakas na ng tama ko kay Fritz.
Bumaba ako saglit para silipin sila at nakita ko na halos mahimbing na ang tulog nung iba. Nakita ko si crow na gising pa at nakaupo habang kumakain. Si crow nga pala yung isa sa The Unknown.
"Uy crow bakit gising ka pa?"
"Uy ken! Hindi kasi ako nakakatulog pag gabi kaya eto bumabawi ako sa pagkaen."
"Crow may tanong ako? Bakit lahat kayo nakasuot ng maskara?"
"Pre alam mo kasi ayaw ni Pain na pinag uusapan yan o kaya ay sasabihin namin sa iba"
"Bakit naman?"
"Dahil--
"Dahil masiyadong malungkot ang mga nangyare sa buhay namin before the outbreak, kaya gusto itong ibaon ni pain sa limot"
"Ano ka ba Stan, mayayari tayo nito kay Pain"
Pasimple naman akong nakikinig kay stan.
"Bakit crow? Kailangan natin lahat mag move on. Paano tayo makakapag move on kung ibabaon lang natin sa limot ang lahat? Kailangan muna natin tanggapin yun"
"Pakiusap naman stan tumigil ka na baka mamaya niyan marinig tayo ni Pain malilintikan talaga tayo sa kanya."
Nagulat silang dalawang sa paglitaw ni Pain sa harapan nila.
"Tama si Stan.. Naisip ko narin yun.. Ang tuluyan ng kalimutan ang lahat at nagkamali ako na ibaon lang ito sa limot.."
FLASHBACK
~~~~~~~~~~
Bago mangyari ang out break isa lang kaming mga normal na teenagers kung titignan.. Pero kung aalamin niyo ang kwento ng buhay naming tatlo.. Kakaiba ito sa mga sinasabi niyong normal na pamumuhay ng isang teenagers..
Lumaki kami sa isang bahay ampunan.. Hindi namin alam kung ano ang mga pangalan at kung sino ang tunay naming mga magulang.. Isang Pari ang nagbigay samin ng pangalan at mga madre naman ang nag alaga at gumabay samin upang maging isang mabubuting kabataan..
Hanggang sa pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ampunan.. Pitong taon lang ako nun, si crow naman ay 5 at si stan ay 3.. Masiyado pa kaming bata noon para masaksihan ang mga karumaldumal na pangyayari.. Pinatay nila lahat ng nasa bahay ampunan.. Isang madre ang tumulong sa amin para makatakas..
Ngunit habang papalapit na kami sa labas ay tinamaan siya ng barin.. "Tumakbo na kayo.. Wag kayong titigil sa pagtagpo.. Pumunta kayo sa malayong nalayong lugar Sige na!!" at tulad ng sinabi niya ay tumakbo kaming tatlo kahit sobrang Pagod na kami ay Hindi kami tumigil sa pag takbo..
Hanggang sa napadpad kami sa isang abandonadong factory.. Dito kami nagpalipas ng isang araw at hindi namin inaasahan na sa pag gising namin ay nasa isang kwarto na kami.. Wala kaming kaalam alam noon na masasama pala sila.. Maganda ang pakikitungo nila sa amin sa umpisa.. Pinaliguan nila kami, binihisan at pinakain.. Ang akala namin noon ay nakahanap na kami ng panibagong pamilya pero nagkamali kami ng inakala.. Pagkalipas ng ilang araw.. Ginising kami nung katulong nila at hinatid kami papunta sa sasakyan.. Ang akala namin noon ay ipapasiyal nila kami ngunit laking gulat namin ng makarating kami sa lugar na kung saan ay may napakaraming bata na katulad namin.. Ipinakilala nila kami sa lahat ng bata na nandoon at ipinakilala nila samin si Ryan, sa labing limang taong gulang.. Siya ang namumuno at nagbabantay sa lahat ng bata.. Naging malupit ang pakikitungo niya sa amin at pinaliwanag niya na simula ngayon ay pag aari na kami ng isang napakayaman at makapangyarihan na sindikato..
Ginagamit nila kami upang mamalimos, magnakaw at mag deliver ng mga illegal na baril at droga.. dalawang taon kaming nagtiis sa mala impiyernong lugar na iyon hanggang sa naisipan na naming tumakas.. Sikreto kaming nag ipon ng pera at nag biyahe kami papunta pa sa mas malayong lugar.. Hanggang sa mapadpad kami dito sa siyudad na kung saan ay mas naging mailap sa amin ang swerte.

BINABASA MO ANG
Zombie Invasion
HorrorAno kaya ang gagawin mo kung yung bagay na nuon ay mukhang imposible ay mangyari? Noon ay sa mga video and online games mo lang nalalaro tapos hindi akalain na magagawa mo pala ng totoo? Pipiliin mo ba na lumaban at mabuhay o ikaw na mismo ang mag b...