TPT Special Chapter: [1] The Disappearance of Jill Morie

240K 7.2K 997
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"SIGURADO ba kayong ito yung bahay?" hindi pa rin maitago ang pagkalula nilang walo, nasa harapan sila ng isang malaking gusali, hindi nila masilip ang pinaka-bahay sa loob dahil sa sobrang taas ng mga pader.

"Oo men, ito yung address ng bahay na nakalagay sa yearbook natin eh." Kakamut kamot na pahayag ni Tadeo sa nagtanong na si Baldo habang hawak-hawak ang isang pirasong papel na naglalaman ng adres ng lugar kung nasaan sila ngayon.

"Wala pa ring sumasagot." Naiinip na wika ni Stephen habang pilit na pinipindot ang intercom kahit na kanina pa walang sumasagot sa kabilang linya. Si Penelope nama'y tahimik lang na nag-aalala sa isang tabi, kasama rin sa paghahanap nila sila Sabina, Tamaki at Ireneo na nahihiwagaan din sa mga nangyayari.

Samantalang at si Aya na nakatitig lang sa isang lumang larawan, yung Christmas party picture nila sa rooftop ng school. Sa kanilang walo, si Aya ang pinaka nagugulumihanan sa mga nangyari. Isang taon na ang lumipas magmula ng naka-graduate sila ng White Knights Academy, may kanya-kanya na silang buhay ngayon sa bawat university na pinapasukan nila. Ngunit subalit isang araw ay nagising sila sa isang pangyayari, sa isang iglap biglang nagbalik lahat ng mga naglahong alaala.

Nagulat sila pare-pareho nang bumukas bigla ang automatic sliding gate, wala silang inaksyang pagkakataon at pumasok sa loob.

"T-tao po?" tawag ni Aya nang marating nila ang pinaka-entrada ng malaking bahay.

"Guys, mukhang walang tao sa loob?" nag-aalangang pahayag ni Penelope, hindi maiwasang kagatin ang kuko sa daliri dahil sa tensyon na nararamdaman.

Nanatili lang silang walo na nakatayo hanggang sa lumabas mula sa loob ang isang matandang lalaki, pormal ang suot nito at inakala nila na ito ang may-ari ng bahay, ngunit hindi ito ang taong alam nila na may-ari mismo..

"Ah, magandang hapon po." Magalang na pagbati ni Sabina na sinundan din nila.

"Anong maitutulong ko sa inyo?" nakasalamin ito at namumuti na lahat ng buhok, mababa at malalim ang tono ng boses.

"We just want to confirm kung ito po ba ang home address ni Lily Cortez-Morie?" tanong ni Ireneo na siyang nakadiskubre kung ano ang tunay na koneksyon ni Jill at Lily sa isa't isa, at siya ring may pakana na pumunta sila sa kinaroroonan nila ngayon.

"Dito nga." Mapagkumbabang sagot ng matandang lalaki.

Nagkatinginan silang walo at sinundan iyon ng pahayag ni Stephen, "Mga classmates po kami ni Lily... Pero hindi po siya ang hinahanap namin." May balita sila na nasa America na ang buong pamilya nito, at doon na rin nag-aaral ng college si Lily, pero katulad ng sinabi ni Stephen hindi siya ang hinahanap nila.

"Gusto po naming malaman kung nasaan si Ji..." parang nakalunok ng kung ano si Aya at parang ayaw ituloy ang buong pangalan ng kaibigan―ng kaibigan na matagal niyang nakalimutan.

"Nasaan na si Jill Morie ngayon?" si Tamaki ang naglakas loob na ituloy kung ano ang gustong sabihin ni Aya.

Hindi kaagad nakasagot si Albert, hindi sa hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga batang nasa harapan niya ngayon, pero dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanila kung ano ang ginawa niyang kalupitan sa mga alaala nito.

Naghihintay silang lahat sa isasagot ng matandang lalaki ngunit nabigla sila ng umiling ito at sinabing, "I am sorry but there's no such person lives here."

"P-pero magkapatid sila ni Lily hindi po ba?" si Baldo na natagkukumuyos ang kalooban. "Dito nakatira si Richard Morie na tatay ni Jill!"

"Kung wala na kayong ibang kailangan maaari na kayong umalis." Magalang silang pinaalis ng matandang lalaki, wala silang nagawa at lumisan sila ng lutgar na 'yon.

Naiwan si Albert, tinatanaw ang mga kabataang tinanggalan niya ng mga alaala. Nangako siya kay Jillianne na buburahin niya ang mga alaala nito kung saan kasama siya, ngunit hindi niya iyon tinupad, temporary memory loss ang ginawa niya, isang taon ang lumipas at muli ring bumalik ang ginawa niyang pagbura sa mga alaala nito katulad ng mismong ginawa niya kay Jill noon. Hindi niya kayang burahin ng tuluyan ang bawat importanteng memorya ng isang tao. Alam ni Albert na importante kay Jill ang mga kaibigan niya, pero alam niyang hindi pa rin tama ang desisyon nito na burahin ang mga alaala ng kahapon na ganun lang.

Nagdahilan na lang siya ng ganon kaysa sabihing naglaho ng tuluyan si Jill sapagkat hindi maiintindihan ng mga 'to kung anong klaseng mundo ang meron sila―silang mga Peculiar.

'Ito ang tama.' Wari niya sa isip hanggang sa muli siyang pumasok sa loob ng bahay.




*****




HINDI pa rin sila makapaniwala sa lahat-lahat ng mga nangyayari ngayong kasalukuyan. Naglalakad sila Aya, Baldo, Stephen at Penelope, nauna nang umuwi yung iba nilang kasama dahil may kanya-kanya pang mga lakad.

"Malakas yung kutob ko na nagsisinungaling kanina yung lalaki." Binasag ni Aya ang katahimikan.

"Akala ko ako lang ang nakaramdam," sumunod si Baldo, "Halata naman na hindi totoo yun eh."

"Pero bakit? Bakit kailangang itago si Jill sa'tin?" si Penelope, "H-hindi kaya...iyon yung ginusto ni Jill?" Napatingin silang lahat kay Penelope pero walang inusal, naisip din na tama ang sinabi nito.

Hindi man nila alam kung ano ang nangyari kung paano nila nakalimutan si Jill noong mga panahong magkakasama sila nang papalapit ang graduation, at kung paanong biglang bumalik lahat ng mga alaala. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay malaman kung nasaan si Jill at sa kanya mismo malaman kung ano ang nangyari, ano ang dahilan ng bigla nitong paglaho sa buhay nila.

"Naglaho si Jill dahil merong dahilan." Naglakas loob si Stephen na magsalita, "Alam ko, meron siyang dahilan kung bakit..."

Napahinto sila nang marating nila ang White Knights Academy, ang lugar kung saan sila nagtagpu-tagpo taon na ang lumipas. Nagpaalam sila sa guard na kukuha ng yearbook kahit na ang totoo nakuha na nilang lahat yung kanila, gusto lang nilang pumasok muli sa loob. Papauwi pa lang lahat ng mga estudyante dahil lagpas ala singko na ng hapon.

Dumiretso sila sa dati nilang classroom, wala ng tao sa loob kaya malaya silang nakapasok at umupo sa mga dati nilang pwesto.

"Naalala niyo pa yung first day of class natin kay Miss Karen?" tanong bigla ni Baldo, "Grabe, takut na takot kagad tayo sa kanya kasi ang creepy ng mga sinabi niya. Tungkol sa buhay...tungkol sa future..."

"Oo nga. Lalo na yung ginawa niya sa'tin nung recollection." Si Stephen.

"Hoy, wag niyo na nga ipaalala yung recollection utang na loob." Si Aya na nangingilid yung luha hindi dahil sa pait ng alaala ng recollection, pati na rin mga alaala na iniwan nila sa loob ng apat na sulok ng silid na 'to. Natahimik na naman silang apat, sabay-sabay inalala ang kahapon.

"Maybe―" napatingin sila sa nagsalitang si Penelope, "Maybe Jill did it on purpose...again." Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang mga kasama, "You see...si Jill...siya yung pinaka-cold na tao na maeencounter mo pero... ang totoo... she deeply cares for us. Kaya...naniniwala ako na... ginawa niya 'to sa'tin ng may dahilan."

"Alam mo...tama ka." Si Baldo. Sumang-ayon din sila Aya at Stephen, pagkatapos tumingin sila sa may pisara, iniimagine na nakatayo roon si Miss Karen at nagkaklase sa harapan nila pati na rin ang iba nilang mga kaklase at kaibigan―pati si Jill.




The Peculiars' Tale (UNCUT VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon