(Di ko na nilagyan ng prologue para maiba! The story will run in English and Filipino)
2 years ago...
Seven scientists from Innovation Enterprises designed human inspired robotics:
Prof. Oakley Hanson - 29 years old.
Prof. Steven Zeno - 27 years old.
Prof. Albert Simons - 27 years old.
Prof. Martina Delevigne - 26 years old.
Prof. Ryan Pimenova - 28 years old.
Prof. Kramer Steffanina - 29 years old.
Prof. Jasmine Crawford - 27 years old.
In the process, this humanoid robot resulted in good science. They pushed the boundaries of biology, cognitive science, and engineering, generating a mountain of scientific publications in many fields related to humanoid robotics, including: computational neuroscience, A.I, speech recognition, compliant grasping and manipulation, cognitive robotics, robotic navigation, perception, and the integration of these amazing technologies within total humanoids.
With this, the scientists made a very special humanoid; and then Cindy was born. Her name stands for...
Computer Intelligence Navigation Designed for You
"Congratulations guys, nabuo natin si Cindy." sabi ni Prof Oakley na may halong tuwa sa mukha nya. Mahahalata mo kasi sa mukha nya ang puyat at pagod. Pero may isang bagay na talagang nangingibabaw sa kanya. Ang galak. Parang nagliliwanag ang mata nya, hindi dahil sa liwanag na dala ng mga ilaw sa laboratory nila kundi sa determinasyon na syang nagtulak sa kanya at sa mga kapwa nyang scientists na lumikha kay Cindy.
"Pero Prof Oakley, baka naman gusto mong subukan natin si Cindy kung gumagana ang engine nya? Hahahahaha!" pabirong sabi ni Prof. Steven. Kahit sa mukha niya, mahahalata mo ang stress at pagod. Malalaking eyebags ang syang naging basehan kung paano malalamanang estado ng pahinga nya ngayon.
"Sige Prof Steven. Okay Prof Ryan, pwedeng pakitulungan kami sa pag-on kay Cindy?" tanong ni Oakley kay Prof Ryan.
"Sige, wait lang." pumunta si Ryan sa computer kung saan nakaprogram si Cindy. Pumunta sya sa folder ng 'Project: Cindy' kung saan nakasave ang ilang hidden programs ni Cindy na tanging ang kumpanya ang nakaka-alam. Nag-boot ang system ni Cindy pagkatapos ng ginawa ni Prof Ryan. Lumapit sya sa robot at pinindot ang isang switch na may nakalagay na 'Sentry-Mode' at 'Attack-Mode' pero inilagay nya ito sa Sentry-Mode.
Dahil sa may attack-mode si Cindy, idinisenyo din sya para pang depensa o panglaban, pero tanging si Prof. Oakley lang ang nakakaalam ng kalalabasan ng Attack-Mode ni Cindy.
Pagkatapos nun ay naghintay sila ng ilang minuto para mag-on si Cindy. Pero sa kakahintay nila ay parang wala namang nangyari dito.
"Prof Oakley, bat parang wala namang nangyari?" nagtatakang tanong ni Prof Martina kay Oakley. Bumilis ang tibok ng puso ni Oakley. nanlamig sya at namuo ang butil ng pawis nya sa noo kahit malakas naman ang aircon sa laboratory nila. Tanging iling na lamang ang naisagot nya kay Martina tanda na hindi nya alam ang kasagutan sa tanong ni Martina.
"Pero hintayin pa rin natin kung anong kalalabasan. Baka delayed lang yung pagprocess ng system nya sa Sentry-Mode." sabi ni Ryan.
Lumipas muli ang ilang minuto ng paghihintay pero wala pa ring nangyayari. Nawalan na ng pag-asa ang mga scientists na ito dahil sa hindi gumagana si Cindy.
"Tara na. Mukhang failed tayo sa pag-gawa sa kanya. Magpahinga na muna tayo tapos balikan na lang natin sya para malaman kung ano ang problema." mahahalata mo sa boses ni Oakley ang lungkot at pangkadismaya sa hindi pag-gana ng robot at naunang lumabas ng lab na nakayuko.
Dahil sa hindi pa rin makapaniwala si Ryan sa nangyari, huminga sya ng malalim at akmang lalapitan si Cindy nang biglang umilaw ang mga mata nito.
"Prof Oakley, look!" gulat na bulalas ni Prof Jasmine. Napalingon sya sa tawag ni Jasmine at maging sya ay nabigla at nagulat sa kanyang nasaksihan.
Nag-umpisang umilaw ang mga mata ni Cindy at nagumpisa nang gumalaw ang ulo nito pataas. Gumalaw din ang mga kamay nito na parang batang nagko-close-open nang dahan dahan. Ilang sandali pa ay kumurap-kurap ito at may kumurbang matatamis na ngiti sa labi nito.
"Hi. I'm Cindy and I'm your new bestfriend." sabi nito at yumuko para mag-bigay ng pag-galang.
-to be continued-
Heyowyow! New story ko na kapalit ng Stereo Hearts. Sorry maikli sya ngayon kasi binibitin ko kayo sa hindi naman gaanong kagandahang kwento. Ineexplore ko lang ang skills ko para malaman kung marunong ba ako sa science. XD
Pero babawi ako and I'll try to make it even longer and beautiful. At sa mga kokontra sa process na nangyari, niresearch ko lang po yan. Kasalanan ko rin kasi na pumili ng maselang genre. hahahahaha! Thank You ulit! :)
Pls pakisabi sakin kung pangit at magulo ang intro para maayos ko sya. Shalamaaaaat!
-Mr. A
YOU ARE READING
Project: Cindy
Science FictionIn the name of Science and fame, they created her. It succeeded, it made amusement among people. BUT, they didn't know that this humanoid will also destroy them.