Chapter 2

33 0 0
                                    

Kramer's POV

(Still 2 years ago...)

"Hi. I'm Cindy, and I'm your new bestfriend." sabi ni Cindy gamit ang isang malamig pero matamis na tinig. 


Sa unang dinig, aakalain mong recorded lamang ang mensahe na iyon sa isang cellphone. Pero hindi. Aktwal talagang nagsasalita ang isang babae--mali--isang robot na mukha talagang babae na nasa harapan ko ngayon. Maging ako ay nagulat sa nakita ko. Kahit kasama ako sa grupong bumuo sa kanya ay hindi mo pa rin maiaalis sa akin ang mamangha sa ganda at galing ng imbensyon namin. 


Makikita mo kay Cindy ang ganda na parang isang tao. Mahahabang buhok na galing sa wig na in-order ni Jasmine. Brown ang mga mata nya na umiilaw kapag naka-on sya. Matangos ang ilong nya at mapupula din ang mga labi nya. 


Naku! Kung di ko lang alam na robot 'to, siguro may gusto na ako dito. Matangkad sya, pero mas matangkad pa rin naman ako. Balita ko, may attack mode daw 'to, pero tanging si Prof Oakley lang ang nakaka-alam ng kalalabasan nito.


Speaking of Prof Oakley, nakita ko sya kaninang palabas na nang laboratory nang bigla syang huminto nang tinawag sya ni Jasmine kasi gumana na si Cindy.


 Asan na kaya yun? Ah! Ayun. Nakita ko syang papalapit kay Cindy...na nakangiti. Mahahalata mo naman sa mukha nya na sobrang saya nya kasi habang nakangiti sya, umiiyak din sya at the same time. Tears of Joy. Di ko naman sya masisi kung ganyan ang iaakto nya. Pare-parehas namin syang binuo at pare-parehas kaming napagod para dito.


Ako nga muntik nang maiyak kanina eh, pinigilan ko lang. Mahirap magpigil, akala nyo lang madali, pero hindi. Masyadong masakit ang magkimkim ng isang bagay na hindi mo naman dapat talagang kimkimin. OHAAA! Hugot na hugot. Hahahaha! To all the readers, pasensya na kasi di ako palahugot. Scientist ako, hindi love guru. XD


"Hi Cindy.I am Oakley Hanson. I am your creator." sabi ni Oakley. Anu daw? He is the creator? Aba loko 'to ah!


"Excuse me Prof Oakley, parang di naman yata tama na sabihin mo kay Cindy na ikaw ang creator nyan! Tandaan mo, may voice recognition yan! Tulong tulong tayo di'ba?" sigaw ko sa kanya. Gago pala sya eh! Baka isipin ni Cindy na sya talaga ang creator.


"Oakley Hanson, creator. Copy." sabi ni Cindy. A devilish grin formed in Oakley's mouth.  Di ko na napigilan pa ang sarili ko at dinamba ko si Oakley at pinaulanan ng suntok.


"Pare-parehas tayong nagpaka-pagod! Wag kang unfair!" sigaw ko kay Oakley habang sinusuntok ko sya at nanlalaban din sya.


"Stop it Kramer! Pag napanood tayo ni Cindy, baka masave yun sa memory nya! Tandaan mo, may camera ang lens ng mata nya!" at pansamantala, napatigil ako sa ginagawa ko. Napadako ang tingin ko kay Cindy at tila isa syang bata na nakatingin sa amin. Isang walang muang na bata na wari'y pilit na inaalam nya kung ano ang ginagawa amin. 


Dumako ang tingin nya sa labi ni Oakley na kasalukuyang dumudugo dala ng malakas na pagkakasuntok ko sa kanya. Saglit nyang pinagmasdan si Oakley tapos dumako ang tingin ya sa kamay ko. Tiningnan ko ang likod ng kamay ko at napansin kong may dugo ito. 


Nawala ang pagka-lito sa mukha ni Cindy at napalitan ito ng ngiti. Isang ngiti nasyang nagpataas ng balahibo ko sa katawan. 


Mali! Mali ang ginagawa ko. Natututo na sya. Pero ang pagkatutong iyon ay dala ng kagagawan namin. Kagagawan ko. Mukhang nasave na sa memory nya ang mga nasaksihan nya kanina. 


"Kita mo na? Nakasave na ngayon yung mga nakita nya kanina sa memory nya. Alam mo bang may nilagay akong orb sa loob ng ulo nya na nagsisilbing utak nya? Dito nase-save yung mga data na naga-gather ng lens ng mata nya. At wala pa tayong nalalaman kung paano buburahin ang mga nakasave doon." nangangaral na turan sa akin ni Oakley. 


In some other point, mukhang tama sya. Pagkasabi nun ni Oakley ay hinubad na nya ang lab coat nya at lumabas na nga ng laboratory.


"Magpahinga ka na. Kailangan nating lahat ng pahinga. Ang kelangan nating gawin ay itago muna si Cindy at pag-aralan natin sya. Perhaps, we need to make a manual on this humanoid." sabi ni Jasmine sakin habang hinahagod ang likod ko na parang kino-comfort ako. Sumang-ayon ang lahat sa sinabing iyon ni Jasmine.


Pumunta na ako sa may hook stand at sinabit doon ang lab coat ko pagkatapos ay umalis na ako.

---

3rd person's POV


Pagka-alis ni Kramer, nagpasya na ang iba na itago muna si Cindy. Mayroong isang glass cage na ginawa sila Ryan para doon muna itago si Cindy. Password protected ito at hindi pinapasok ng oxygen o kahit na anong hangin kaya talagang nakadisenyo ito para kay Cindy at sa iba pa nyang kagayang robot.


"Grabe. Ang bigat naman nito. Tulungan  nyo naman ako dito" bulalas ni Steven nang tangkain nyang buhatin si Cindy. Syempre, mahihirapan talaga sya nyan kasi metal ang bubuhatin nya.


Tinulungan sya ng ibang boys na ipasok si Cindy sa glass cage at inenter ang passcode para malock ito. Umalis na ang mga scientists sa laboratory pero may isang bagay ang nangyari...


Nang tumalikod na ang mga scientists, nakalimutan nilang i-off si Cindy.


"Hi. I'm Cindy, and I'm your new nightmare. Hihihi." and with that, namuo ang isang nakakalokong ngiti at kusang namatay ang ilaw sa mata nya.



-to be continued...-






Project: CindyWhere stories live. Discover now