Kramer
(One Year Ago; the year after the previous chapter)
Isang taon na ang nakalipas magmula noong nabuo namin si Cindy. Nakakatuwang isipin na tayong mga tao pala ay kaya ring lumikha ng mga bagay na magiging kapantay na ng lebel ng mga tao mismo. Tatlong buwan makalipas ng pagsasagawa namin sa kanya, isinapubliko na ng Innovation Enterprises si Cindy.
Nalaman na ng buong Pilipinas na mayroon nanamang mga Pilipino ang nagpamalas ng kakaibang talino at kakayahan pag dating sa Siyensya. Isang beses inimbitahan kami ng pangulo sa Malacanang Palace para rin malaman ng buong Pilipinas at ng mundo kung sino ang mga tao sa likod ng magandang robot na si Cindy.
Nakakatuwa na dahil sa kanya, kaya kami nakilala ng buong bansa. Dahil sa kanya, nakilala kami ng mga iniidolo naming mga personalidad na dati'y pinapangarap naming makita sa personal. At ngayon, nakatanggap kami ng Email mula sa isang International Science Variety Show and Convention sa Tokyo, Japan na maging special guest nila sa gaganaping Techno Gala.
Aired ito worldwide kaya sobra kaming natutuwa dito, lalo na ang big bosses at CEO ng Innovation Enterprises na si Mr.Salvador Zubiri. Magkakaroon na ng pagkakataon ang kumpanya na makilala buong mundo.
Agaw-pansin ang mga kasuotan g mga kasama ko. Sila Jasmine at Martina ay nakasuot ng magarang gown na may motif ng watawat ng Pilipinas. Kaming mga lalaki naman,nakasuot ng tuxedo na parang ga estudyanteng aattend ng JS Prom. Napakapormal na iisipin mong mga personalidad kami na nagmamay-ari ng isang prestihiyosong kumpanya gayong hamak ng scientist lang kami ng mismo naming kumpanya.
Kasalukuyan kaming nasa isang 10-storey hotel sa Japan, nakacheck-in kami sa isang suite sa seventh floor at lahat kami ay handa na para sa Techno Gala. Lahat kami kinakabahan maliban kay Cindy na kalmadong-kalmado na nakangiti habang nakaupo sa isang couch habang nasa kanyang kandungan ang mga kamay niya at hindi nakasandal.
Marahil ang daya nga dahil kami mismong naglikha sa kanya ay kinakabahan at sya namang resulta lang ng trabaho namin ay petiks lang sa isang sulok. Ano nga bang magagawa namin eh likha lang sya sa bakal at hindi nakaprogram para makaramdam ng kahit ano. Siguro kung masisira sya, baka ireprogram namin sya at installan ng kung anu-ano na maaaring magpabago sa kanya at tuluyang magmukhang tao.
"Guys, this is it! Matutupad na ang mga pangarap natin!" litanya ni Martina habang naluluha.
"Hey, babe, wag ka umiyak. Papangit ka nyan eh." Pang-aalo ni Albert sa kanya at saka umakbay kay Martina. Aba, mukhang may galawang breezy dito sa kwarto.
Pinunasan ni Martina ang mga mata nya atsaka tiningnan ng masama si Albert at siniko sa sikmura, "Wag mo akong ibabe-babe jan, di kita syota, manahimik ka!" sabi nya saka inirapan si Albert atsaka naglakad palayo. Natawa naman kaming lahat sa inakto niya.
"You know what, we need to celebrate after this gala. You know, for an achievement." Sabi ni Ryan na sinang-ayunan naming lahat at pansamantala, nawala ang kabang nararamdaman namin. Lahat ng pagod at sakripisyo namin para kay Cindy ay dapat talagang suklian ng salu-salo at kasiyahan. Parang inuman.
Sandali kaming natahimik nang marinig namin na may kumatok sa pinto. Lahat kami ay nagtinginan. Nagatataka kung sino ang kumatok at kung ano ang sadya nito. Lahat kami ay nagsesenyasan kung sino ang magbubukas sa pinto hanggang sa magpagpasyahan kong ako na mismo ang magbubukas.
Habang papalapit ako sa pinto, lalong lumalakas ang mga katok na syang naguudyok sakin na buksan na ang pinto para makilala ang ato sa likod nito. Pinihit ko na ang door knob na kanina'y gumagalaw dala ng pagpihit dito sa kabila. Binuksan ko na ang pinto at tumambad sa akin ang likod ng isang lalaki na nakasuot din ng coat at may tattoo sa batok. Saka ko lang sya namukhaan noong humarap na sya sa akin.
YOU ARE READING
Project: Cindy
Science FictionIn the name of Science and fame, they created her. It succeeded, it made amusement among people. BUT, they didn't know that this humanoid will also destroy them.