Chapter 4

10 2 3
                                    



Kramer

(Present time...)

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakatulala sa kisame't kawalan pero walang permanenteng iniisip. Ang sarap sa pakiramdam na walang inaalalang kahit na anong problema, nakahiga ka lang, malamig ang silid dala ng aircon... nakakarelax na sya para sa akin.

Napabangon ako sa kama dala ng kung anumang nararamdaman ko na kahit sino sa atin ay hindi kayang kalabanin at iresist. Ang gutom. Bumaba ako sa first floor para kumuha ng makakain sa fridge pero sa kasamaang palad, tanging cup noodles at canned beer ang laman ng ref namin.

Nakakasawa na.

Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa labas para makahanap ng makakain. Kinuha ko ang jacket ko at sinuot ito para hindi ako mahamugan at sipunin pag-labas ko. Tiningnan ko ang relo ko para alamin ang oras, 7:26 pm na. Maaga pa naman kaya lumabas na ako ng bahay.

Habang naglalakad ako, napansin kong maraming tao ngayon sa park. Mga bata, matatanda, mga magsyota, mga street vendors, kahit mga pulubi, nandun din. Ang sasaya nilang lahat, ang sigla-sigla nilang tingnan. Pero ang pinakaumagaw ng atesyon ko ay ang stage doon na parang may grand gala na gaganapin.

Anong meron ngayong araw?

Sa pagkakaalam ko hindi naman pasko, new year at campaign period ng mga kandidato ngayon. Mas lalong hindi valentine's day kasi malayo pa ang February. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka wala namang maitutulong ito sa akin. Dumire-diretso na lang ako ng lakad kasi kumakalam na ang sikmura ko.

May nakita akong coffee shop sa unahan kaya pumasok ako para doon na lang kumain. Familiar sakin 'tong coffee shop na 'to kasi dito kami kumakain ng girlfriend ko. Favorite ko na nga rin 'to dahil sa relaxing ambiance nito na naifeature ko na sa instagram at twitter account ko.

Umorder na ako dun sa miss ng isang cappuccino at cake. Dahil medyo matagal pa naman, napagdesisyunan kong mag-online muna ako sa Facebook para naman malibang ako kesa naman sa maghintay ako nang maghintay.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko kasama na rin ang pocket wifi ko. Binuksan ko ito para syempre makapag-internet ako, pagka-on ko nito ay pinindot ko na ang Facebook app ko para makita ko kung ano ang nasa news feed ko.

May ibang posts na tungkol sa kung anong kadramahan nila sa buhay, mga hugot, may mga nagpapalit din ng mga relationship status na It's Complicated na di ko alam kung bakit kelangan pa nilang ibroadcast sa social media. Bash me if you want pero sa tingin ko, di naman nila ikakaunlad ang pagpopost ng mga hugot nila sa social media.

(A/N: Sorry for the harsh comments for those people who are netizens here at ginagawa rin ang mga yun. Nilagay ko lang yan para sa point of view ni Kramer. In fact ganyan din ako, puro kadramahan ang laman ng wall at timeline hahahahaha! So once again, sorry po talaga.)

Di naman lahat ng tao may pake sa kanila at may itutulong sa kung anumang pinagdaraanan nila so why do they need to announce it in social media?

"Tss. Drama." Bulong ko sa sarili ko at pinagpatuloy ang pag-scroll ng screen ng phone ko.

"Well,you hate dramas?" sabi ng isang babae na nasa harap ko ngayon. Umupo sya sa harap ng upuan ko at di ko makita ang mukha nya kasi di ko pa sya hinaharap. Inangat ko ang paningin ko para masilayan kung sino sya at laking tuwa ko ng makita ko sya. Si Jasmine, ang girlfriend ko.

Tumango ako, "Definitely, yes." Sabi ko na syang kinatawa nya.

"Ayaw mo ng mga drama pero grabe nga ang pagkadepressed mo nung di kita sinagot after mabuo si Cindy eh. Hahaha!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Project: CindyWhere stories live. Discover now