Chapter 01

14 1 1
                                        

Althea's POV:


Tulala akong naglakad ng walang patutunguhan. Halos hindi ko na marinig ang boses ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko na rin maunawaan ang dapat kong unawain. Wala ng ibang tumatakbo pa sa isip ko kundi ang mga posibilidad na hindi ko alam kung ano.


"Bakit ako?" Mahina kong sabi sa sarili.


Sa dinami-dami ng tao dito sa Earth bakit ako pa?


"Dear Lord! I haven't found the right person yet." Sigaw ko nalang bigla sabay yuko. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao dito. Hindi naman nila alam ang kwento ko.


Palubog na ang araw pero wala pa rin akong imik. Pawala na rin ang mga tao dito sa park. Ako na naman ang maiiwan. Di bale na, sanay na ako.


I take a look at my wrist watch to see what time is it. It is almost 7 in the evening. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom or pagkainip.


"For so many people here in this world, why does it have to be me?" Paulit-ulit kong tanong sa sarili.


Bigla kong naalala ang laging sinasabi sakin ni Gab. Kapag may gusto syang makalimutan kahit saglit man lang, dinadaan nya ito sa pag-inom. So I decided to go on a club and have a drink even just a little.


So, ganito pala dito? Ang dilim!


Yes. Its my first time to be in this kind of a place. On my twenty five years of existence here on Earth, never pang sumagi sa isip ko ang magpunta sa ganitong klaseng lugar. Pero sa pagkakataon na to, gusto ko munang lumimot.


"Miss, can I help you?" Bati sakin ng lalaki na siguro worker dito dahil halata na rin sa pananamit nya.


"Is there a place in here where I can be alone, away from the crowd?" Sinabayan ko ng tingin sa paligid ang pagsasalita ko. Ayokong makihalubilo sa mga taong nagsasayawan dito at ang iba naman may dala pang alak sa dance floor.


"There is Miss, but you have to pay an additional." Sagot naman nya.


"Lead the way." Marahan kong sabi.


I'm starting to gain everyone's attention. Mali ba ang magpunta sa club ng naka office attire? Hindi naman diba?


Nasa taas ako ngayon at dito tanaw ko ang mga kababalaghang nangyayari sa dance floor pati na rin sa ibang table sa baba.


How can Gab withstand this happenings?


Kahit gusto ko mang maglasing ngayon parang hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sa akin na hindi ko maunawaan sa pagkatao ko.


"Okay. Just one shot and you're done Althea."


Diretso kong ininom ang isang wine shot glass. Napapikit ako sa tapang ng alak na to.


"Miss?" Napatingin ako sa waiter na nag-assist sakin kanina. "Its your first time, right?"


"Halata ba?"


"By the way, I'm just here to give you this."


Inilagay nya sa table ang isang well-plated slice of fruits. Sinundan ko sya ng tingin. Bakit may prutas?


"Para po yan sa tolerance ng alak sa inyo. Para mabawasan at hindi kayo agad malasing."


"Ganon ba? Salamat ha."


Umalis na si kuyang waiter na sa tingin ko halos magkasing-edad lang kami.


Muli akong uminom at sa pagkakataong ito parang may iba? Parang unti-unting nawawala yung pait, tapang at sama ng lasa?


The Last AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon