Part 5

6.9K 85 0
                                    

Part 5

Dahil sa halo halong emosyon ay hindi masyadong nakatulog si Valerie, 5 am pa lang any nagdesisyon na syang bumangon at pumunta sa kusina. Kumuha lang sya ng tubig at umupo na sa dining habang nagiisip kung magtetest na ba sya.

"Babe?"

Narinig nya ang pagtawag sa kanya ng bagong gising na si Ryan.

"Dining po..." sagot nya dito na agad namang sumunod sa kanya.

Ryan sat beside her. "Ang aga pa ah, madilim pa nga sa labas. Nagtest ka na?"

Pinakita nya kay Ryan ang hawak nya na pregnancy test. "Hindi pa po, I'm taking my time."

Natawa ng mahina sa kanya si Ryan. "Ayaw mo bang malaman na agad natin? Ako, honestly super excited na."

"Magbreakfast na kaya muna tayo? I'll prepare coffee, wait lang." Sagot nya kay Ryan.

"Hep magandang girlfriend ko, bawal ang coffee. Milk ka na lang muna." Paalala ni Ryan sa kanya.

"We're not even sure if buntis na nga ako eh."

"Believe me buntis ka. Alam ko yan, ako daddy eh." Nakangising sagot ng binata.

"Alam ko naman ikaw daddy, wag mo na ipaalala." Sinabayan nya pa ng panggigigil sa ilong ng boyfriend. "Sige, how 'bout ihanda mo ang breakfast natin at magtetest na ako?"

"Sure thing, missy!" sinabayan pa nito ng pagkindat sa kanya.

Iniwan nya sa kusina si Ryan at bumalik sa kwarto, naisip nya na pagkatapos magtest ay didiretso na sya ng ligo bago nya tignan ang resulta. Hinanda na nya ang mga gamit na kailangan nya pagkatapos maligo bago pumasok sa bathroom.

She read the instruction na nakasulat sa box at sinunod ito pagkatapos ay inilapag muna na sya gilid ng sink at naligo muna.

Pagkatapos nyang maligo ay nagbihis na sya at nag-ayos bago tinignan ang resulta. Hindi nya mai-explain ang nararamdaman sa nakita nya. Lumabas na sya ng kwarto at pumunta sa kusina, inabutan nya si Ryan na inaayos ang lamesa.

"Ang galling, akala ko magluluto ka. Umasa ka na naman sa delivery." Sita nya dito.

"Ang bango ng babe ko. Ano na?" excited na tanong ni Ryan.

Iniabot nya dito ang instruction at pinabayaan itong basahin iyon. "Negative po."

Nakita nyang unti-unting kumunot ang noo ni Ryan na tuloy pa din ang pagbabasa. Inilapag nya sa harap ni Ryan ang pregnancy test na ginamit nya.

"Sabi dito one line negative, pag dalawa positive..." Napatingin si Ryan sa test na nasa harap nya. "Sayang akala ko pa naman magkakababy na----" nagulat ito ng ma-realize kung ano ang nasaharap nya at napatingin ito kay Valerie na natatawa. "Oh my... Oh my!!!" sinugod nito ang dalaga ng yakap.

"Yes babe... Daddy ka na!"

"Akala ko negative... pinagtripan mo pa ako!" Bigla sya nitong binuhat habang tawa lang ito ng tawa. "I love you, Valerie."

"I love you din, Ry."

"Excited na akong sabihin sa barkada!" Sabi pa ni Ryan na agad nagdial sa cellphone. Agad namang may sumagot sa kabilang linya.

Ryan- Cous!!!! Magiging daddy na ako!!!
Danny- (Bagong gising) Ha? Paano ka magiging Danny? Ano ka papabinyag ulit?
Ryan- gags ka talaga!!! Magiging daddy, buntis si Valerie!!!
Danny- Ha paanong nangyari yun?
Ryan- tatadyakan kita! Nag pitik bulag kami kaya magiging daddy na ako. Sige na nga wala kang kwenta kausap.
Danny- Aga-aga mo maingay. Pero anyway, congrats cous! Pa-cake ka naman sa bakeshop ni Nat! tetext ko yung iba ha, 3pm sharp. Papa-cake kayo!

Ayun lang at binabaan si Ryan ng cellphone ni Danny.

"Ano sabi ni Danny?" natatawang tanong ni Valerie sa binata.

"mamaya daw sa sweet surrender pa-cake daw tayo." Iling iling na sagot ni Ryan

"Magpinsan talaga kayo, parehong baliw."

"Wait lang babe ha, maliligo lng ako papacheck up ka na para mamaya sa sweet surrender na tayo."

"Breakfast na muna tayo bago ka maligo." Yaya nya sa boyfriend.

Dahil maaga silang nakapagpacheck up ay nagyaya muna si Valerie na mag punta sa mall.

"Ry, gusto ko ng mayonnaise." Paglalambing nya sa boyfriend.

"Mayo? Cravings?" natatawang tanong nito.

"I think so, basta bili na lang tayo."

"Saan nga pala tayo maglulunch?"
Nag-isip sya saglit bago sumagot dito. "Pizza hut."

"Pizza hut it is."

Habang kumakain sila ay nagpaalam si Ryan na may bibilhin saglit. Pagbalik nito ay agad itong umupo sa tabi nya.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong nito.

Tumango sya dito. "Masarap lagyan ng mayo ang pizza. Anyway saan ka ba galing?"

"May pinatignan lang sakin si Danny boy. You ready to go?"

"Yup? I was just waiting for you. Tagal mo eh." Reklamo nya sa binata.

"Sorry, Importante lang talaga eh. Tara na." inalalayan na sya nitong tumayo.

Pagdating nila Sweet Surrender ay nandun na ang lahat ng kaibigan nila at naghihintay sa kanila.

"Hey guys!" bati nya sa mga ito.

"Hello! Bakit magpapacake daw kayo? Di pa naman ako nalulugi ah." Biro ni Natalia.

"Mamaya na, ilabas muna ang cake. Bahala na kayo kung alin gusto nyo ha basta it's all on me." Sabi pa ni Ryan.

"Babe, I want caramel cake." Lambing nya kay Ryan na agad umorder ng cake para sa kanya sa counter.

"Grabe makasugod para sa hinihingi mo." Sabi ni Callie sa kanya na nakasunod ng tingin kay Ryan na pabalik na dala ang hiningi nyang cake.

"Here you go babe." Inilapag nito sa lamesa ang cake. Inilabas naman nya mula sa bag ang mayonaise na kanina nya pa nilalantakan. Nilagyan nya ng mayo ang ibabaw ng cake na ikinatingin ng mga kaibigan nila.

"Bakit ganyan kayo makatingin? Ngayon lang kayo nakakita ng ganito?" Masungit na tanong nya sa mga kaibigan.

"Guys pagpasensyahan nyo na ha, naglilihi kasi ang babe ko." Pasimpleng paliwanag ni Ryan na ikinagulat ng lahat.

"Surprise!!!" natatawang biro nya sa mga kaibigan na nagkanya kanya ng sugod ng pagbati at yakap sa kanila ni Ryan.

"Kaya pala nagpa-cake." Kantyaw ni Jesse.

"Cake na lang kasi di muna pwedeng uminom si Valerie dude." Sabi naman ni Ryan. "Alam nyo It's good thing na din na kumpleto tayo ngayon kasi I really want all of you witness what I'm about to do."

Sumipol si Danny bago tumatawang kinantyawan si Ryan. "Tado! Dami alam!" na ikinatawa ng mga kaibigan nila.

Lumapit si Ryan kay Valerie. "Val alam ko na hindi ako ang perfect na guy for you, we started sa weird na sitwasyon pero never ako nagsisi sa desisyon na yun. You're my heart and soul, babe. I will be nothing without you by my side. Bago pa natin nalaman ang about sa baby natin pinaplano ko na eto eh, di lang ako makahanap ng maganda moment. Babe I love you so Damn much so please will you be my wife?" At inilahad nya ang singsing sa harap ng girlfriend.

Hindi nakapagsalita si Valerie sa pagpopropose ni Ryan. Namalayan na lang nya na tumatango sya habang umiiyak. "Yes, yes, yes! I'll marry you, Ry!"

Isinuot ni Ryan sa kanya ang singsing. Sinugod sya ng yakap ni Ryan habang ang mga kaibigan nila at iba pang tao sa bakeshop ay napapalakpakan.

That Secret Agent is My Bed BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon