Part 6

5.7K 76 0
                                    

Part 6

Ilang buwan ang nakalipas at nagpaplano na ng kasal si Ryan at Valerie. Gusto ni Valerie na kumpleto ang mga kaibigan para sa kasal nila pero wala naman sila magawa dahil wala si Stella.

She decided to log on sa skype para magsend ng message sa kaibigan.

*Hey Stell, kumusta na? I have news for you girl. Ikakasal na kami ni Ryan, ang saya sana kung kumpleto tayo. Kelan ba uwi nyo ni Ethan? Sana nandito kayo mag-ina para sa kasal namin. And nga pala I need some of your motherhood tips, yes you heard me right motherhood tips kasi I'm preggy na four months na turning five. Please message me naman. Ingat I miss you*

She sighed after sending that message. Hindi na yata sila makukumpleto ulit. Miss na miss na nya ang kaibigan.

Nadinig nya ang pagbukas ng pinto at napatingin sya dito, nakita nya si Ryan na may bitbit na isang box ng donuts. Sinalubong nya agad ito.

"Hi, how's your day babe?" bati nya dito sabay halik sa pisngi nito.

Niyakap sya ni Ryan bago ito yumuko para halikan ang tyan nya. "I'm great, kumusta ang mag-ina ko?" hinaplos haplos pa nito ang tyan nya at kinausap na parang kaharap na ang baby nila. "Kumusta ang baby ni Daddy, hang in there sa tummy ni moomy ha. I have something for you and your mom, donuts!" itinapat pa nito ang box ng donut s tyan nya.

"Para kang timang Ry. Bigyan ba ng donuts ang baby." Tinampal nya ang braso ng binata. "I'm bored babe. Natapos na lahat ng need sa kasal natin, tapos ayaw ko naman gumala kasi ang bilis ko mapagod."

Inalalayan sya  ni Ryan pabalik sa couch. Saktong pag upo nila ay tumunog ang laptop na sign na may tumatawag sa kanya sa skype.

"It's Stell!" Agad nya itong sinagot. "Girl!!!"

"Hi sa inyo. Kababasa ko lang ng message mo, Congratulations sa inyo ni Ryan. Sa upcoming wedding at sa baby na din. Yung motherhood tips next week ko na sasabihin sayo. Dalawin mo ako kila Jesse dun na tayo magkwentuhan."

"Kila Jesse? Next week? Uuwi ka na, kayo ni Ethan?" tanong nya dito.

"Guess who's here para iuwi kaming mag-ina..." di pa man tapos magsalita si Stella ay sumulpot sa screen si Jesse na karga si Ethan.

"Hello lovebirds!" Bati ni Jesse sa kanila. "Bago ko pa naibalita kay Stella about sa kasal at baby nyo eh nagmessage ka na, surprise ko pa naman sana sa kasal nyo eto mag-ina."

Natawa sya sa mukha ni Jesse na nakasimangot while nilalaro ni Ethan ang buhok ng una. "Cute-cute talaga ni Ethan."

"Hoy wag mo paglihian ang baby ko, bruha ka." Biro ni Stella sa kanya. 'Nasaan nga pala si Ryan?"

"Nagbihis lang kauuwi lang kasi." Naalala nya bigla ang donut na nasa tabi ng laptop. "Kain tayo, pasalubong ng lolo nyo sakin."

"Pag-uwi namin dapat may ganyan din." Hirit naman ni Jesse. "Stell nagpacake sila nung ini-announce nila na buntis sya."

"Grabe nagpa-cake, galante ang lolo ko. Nasan ang cake namin ni Ethan ha!?"

"Pag-uwi nyo sige, ilan ba gusto mo?" sagot naman nya sa kaibigan.

"Isang buo pwede na samin mag-ina." Sagot naman ni Stella.

"Ry,  isang buong cake daw para kay Stella at Ethan ha." Sigaw nya kay Ryan na agad lumapit sa kanya at tumabi.

"Hindi lang kay para sayo Stell, papacheese burger pa ako umuwi ka lang sa kasal namin." Hirit naman ni Ryan.

"Ayan ha settled na, umuwi lang kayo magpapakain kami ni Ryan. Gusto namin kumpleto tayo sa kasal namin." Paliwanag naman nya.

Natawa si Stella sa pangungulit nila. " Oo nga uuwi kami mag-ina, andito na din sundo namin eh. Anyway Ry, Val aalis muna kami nila Jesse, mamimili kami ng pasalubong sa inyo. Ingat kayo lagi. See you soon!" kumakaway pa na paalam ni Stella at Jesse.

"Bye, ingat at see you soon din." Yun lang at pinatay na nila ang tawag. "Excited na ako sa pag-uwi nila."


That Secret Agent is My Bed BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon