Part 2

13.7K 118 0
                                    

Part 2

After that night ay hindi na ulit nagkita si Ryan at Valerie, nalaman na lang ng dalaga na sobrang busy ang mga kaibigan nilang may kakaibang trabaho. Nalaman na ng mga magulang nila Eric ang trabaho nila ni Lindsay. She heard from Natalia na pinatawag naman ng chief ng mga ito ang buong team ni Eric at muntik na silang nasuspindi lahat dahilsa pagkakalantad ng cover ni Jelo at Callie. Namukhaan pala ang dalawa nung mga oras na nasa bar sila.

Napabuntong hininga si Valerie habang walang tigil sa paghalo ng latte nya ng hapon na iyon habang nakaupo sya sa isang sulok sa sweet surrender. Kanina pa nabablanko ang utak nya, parang nung umaga lang ay sunod sunod ang idea nya, ngayon naman ay wala talagang pumasok.

"Val, kung yang buntong hininga mo eh nabebenta, malamang super yaman ka na! Kanina pa yan ah, unli lang?" Sabi ni Natalia na hindi nya namalayan na nakalapit na sa kanya.

"Hay nako girl! Nga-nga as in super nga-nga! Ayaw gumana ni Brainie."

Inabutan sya ni Natalia ng isang slice ng caramel cake. "O, chill ka muna dyan, minsan ka lang naman magpahinga edi enjoy mo na lang. Saka wala ka namang hinahabol na deadline para magpakamatay dyan."

"OA ha girl, pakamatay agad!? Di pwede ma-depress muna bago magsuicide!?"

"Ay ayaw ko ng mga ganyang topic Val, nakaka-gloom ng mundo. Dapat lagi positive para shinning bright shinning through your eyes ang peg ng life natin!"

"Ewan ko sayo Nat! Naging kayo lang ni Jelo nabaliw ka na!" Natatawang sabi ni Valerie. "Uy ang yummy nitong cake na'to ha, bago?"

"Jelo taught me that! Galing noh?" Kinikilig na sabi ni Natalia. "He said recipe ng mom nya yan."

"May kilig kailangan everytime babanggitin si Jelo, pleaseeeeee...!"

Kinurot ni Natalia si Valerie. "Gaga inggit ka lang, maglovelife ka na kasi. Ay speaking of lovelife alam mo ba na inireklamo ng ibang team sa agency ang team nila kuya, pinapaporan daw kasi ng sponsor kaya hindi nasuspinde, ayun para matigil ang gulo suspendido silang lahat."

"Epal much naman yun! Anyway iisipin talaga ng iba yun lalo at sila Adam ang main benefactor ng agency. Teka kung suspindido ang mga yun bakit ang tahimik dito?"

"Maya-maya nandito na yung mga yun kasi magpapakain sina Lindsay at Danny, one year na yun dalawa. Mamaya daw kasi may dinner silang dalawa lang kaya magpapameryenda ang mga loko."

Natawa si Valerie ng maalala ang dalawa sa kaibigan. "Magwawala na naman si Eric nyan!"

"Engot yun si Kuya eh, hindi matanggap na may lovelife na kami ni bunso, palibhasa sya kasi nga-nga pa din."

Ng may isang boses na sumingit. "Hindi nga-nga ang lovelife ni Eric, ano pala papel ko?" singit ni Callie sa kanila habang nasa likod nito si Jelo.

"May kayo pala ni kuya?" Pang-aasar ni Natalia na agad nilapitan ni Jelo.

"May papel ka kay Eric don't worry girl, yung bondpaper!" Hirit naman ni
Valerie.

"Ganda ko kaya, sorry sya pag pinakawalan pa nya ako." mayabang na sagot ni Callie. "Andito na din pala yung iba." turo pa ni Callie sa mga kaibigan nilang papasok pa lang ng bakeshop.

Napatingin si Valerie kay Ryan na kasama ng ibang lalaking barkada nila.

"Wala pa din yung dalawa?" Nakasimangot na tanong ni Eric.

"Pabayaan mo na, one year na din naman yung dalawa ah, di mo pa din matanggap dude?" Pang-aasar ni Valerie kay Eric

"I'm just messing up, Val. Syempre tanggap ko na lalo pa at si Danny yun. Bestfriend ko since bata pa tayo." paliwanag ni Eric.

Napansin ni Valerie si Ryan na umupo sa tabi nya, nagkunwari syang hindi ito napansin at bumaling ulit kay Eric. "Eh kayo ni Jesse kelan naman may tatanggapin sila Linds at Nat?"

"Kung ikaw ihaharap namin ni Eric sa parents at mga kapatid namin siguradong tanggap agad." sagot naman ni Jesse na ikinatawa ng lahat.

"Yeah, you're such a good girl Val kaya siguradong walang kontra." sagot naman ni Eric.

Naramdaman nya na may pumatong na palad sa hita nya. "Good girl ka nga ba, Val?" tanong ni Ryan na nakapatong ang kamay sa hita nya.

"O-oo naman. Kilala nyo naman akong diba." sagot nya sa pang-aasar ng mga kaibigan.

"Sige, may the best man win na lang kami ni Jesse." lalo syang inasar ni Eric na nakipag-high five pa kay Jesse.

"Callie, si Eric o!" Sumbong nya sa kaibigan.

"Wag nya na akong isali dyan ha." hirit naman ni Callie.

Naramdaman nya na hinahagod ni Ryan ang hita nya. Naisip nya na buti na lang at may mahahabang mantel ang mga lamesa sa bakeshop kung hindi ay malamang nakita na ng mga kaibigan nila ang ginagawa ni Ryan sa kanya.

"Hey peps we're here na!" Malakas na sabi ni Lindsay na ikinagulat ng lahat, pati ang ibang costumer ng bakeshop ay gulat na napatingin sa kanya. "Sorry po." hingi ng paumanhin ni Lindsay.

Lumapit ang dalawa sa lamesa nila na bitbit ang mga pagkain. Inilapag agad ni Danny sa ibabaw ng table ang mga pagkain na inumpisahan ng buksan nila Jesse at Adam.

"Patay gutom!" sabi ni Ryan sa dalawang kaibigan na ikinatawa nilang lahat.

Pagkatapos ng batian at walang katapusang besohan ay hinatidan ng mga staff ni Natalia ng mga gamit na pangkain ang magkakaibigan. Haabng nagsisikain ay wala pa din silang tigil sa pag-aasaran.

Ng matapos ay nagka-ayaan na silang umuwi dahil may date pa si Lindsay at Danny at iniiwasan pa nilang grupo ang magpunta kung saan-saan para magpalamig sa mata ng mga kalaban nila.

Pagdating ni Valerie sa apartment nya ay nakatanggap sya ng text galing kay Ryan.

Ryan- (Bahay ka na? Papunta na ako dyan.)

Nagreply agad sya sa binata. (Yup, maliligo ako. I'll leave the key under my doormat ha.)

Ryan (Alright, see you in a bit.)

Inayos nya muna ang sala bago pumasok sa kwarto nya at dumiretso na sa bathroom.

That Secret Agent is My Bed BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon