Prologue

10 0 0
                                    

Nandito ako ngayon. Naghihintay kay Oliver.
Ang tagal niya. Sabi niya kasi sa akin kagabi, magkita raw kami dito sa Lobby ng School. Di ko alam kung bakit.

3 years ko ng boyfriend si Oliver. Mahal namin ang isa't isa. Siguro. Kasi yun yung pinapaniwalaan ko. Oo. Ewan ko lang sa kanya. Pero sana mahal niya talaga ako. Mahal niya ako. Ang gulo no? Pwes, wala ka nang pake.

"Kath.." iba ang tono ng boses niya. Di ko maintindihan. Parang may ibig sabihin yung kakaibang pagtawag niya sa akin na iyon.

"Babe?" Tugon ko na lang.

"Tara, dun tayo sa upuan." Nauna na siyang maglakad. Sumunod ako. Iba talaga yung nararamdaman ko. Parang may mangyayaring masama.

"May sasabihin ako." Iba yung tono ng pananalita niya. Hindi ko gusto. At hinding hindi ko gugustuhin. Kahit ikaw. "Masaya ka pa ba? Kasi ako, hindi na." Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko maintindihan. Matagal bago nag-sink-in sa utak ko yung mga katagang sinabi niya. Gulong gulo na ako. Saan siya hindi masaya? Sa akin? The fuck! "I want to break up with you. I'm not happy with this relationship! I bet you do, too. Mas mahal ko si Katherine. Ang kambal mo. Pasensya na. Pero, ginamit lang talaga kita para mapalapit ako sa kanya. Pasen---

"Pasensya?! How dare you! Sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit ang kambal ko pa?! Walang hiya ka! Ginago mo lang ako! Ang kapal ng mukha mo! Lahat ng gusto mo sa akin, binigay ko. Lahat lahat! Tapos ito lang yung igaganti mo sa akin?! Magsama kayo ng kambal ko! Makikita mo! Makikita niyo! Ipapakita ko sa inyo na mali kayo! Makikita niyo!" Huling sigaw ko. At ang huling natandaan ko na lang ay nanhina na ang mga tuhod ko't umiiyak na sa kawalan.

Masyadong masakit ang nangyari sa akin ngayon. Hindi ko na kaya.

*black*

Getting Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon