Chapter 8 - Old House

35 3 0
                                    


Chelsea



bumalik ako sa bahay para palitan na ang aking damit, tapos na kase yung pa debut ng pinsan ni Mark kaya nag pa party party nalang sila.


nag suot lang ako ng simpleng maiksing short at ng isang croptop. nag pulbos ako ng konti at napa tingin na naman ako sa bintanang nasa kwarto. 


bakit ba sa tuwing titingin ako sa bahay na iyon hinahatak ako ng kaluluwa ko? parang may gustong magpa punta saakin duon. tumayo ako at binuksan ang salamin na bintana para dumungaw sa bahay na iyon. malaki sya,maganda.

hindi ko alam kung anong elemento o kungsino man ang nag tulak saakin para puntahan ito, basta nakita ko nalang ang mga paa ko na lumalabas ng bahay at tinutungo ang bahay na iyon.


wala ng gaanong tao sa labas, at konti nalang din ang naliligo sa dagat. tinignan ko ang bahay na nasa harapan ko at napalunok ako, bakit napaka strange nito? anong meron?

sa bandang left side nito, nakita ko ang isang terrace at biglang nag blink sa utak ko ang isang pangyayari.


kumikirot ang ulo ko ng mag flashback sa isip ko yung pangyayaring yon. may lalaking kasama ako sa terrace habang nadungaw, may dala akong wine ay may dala din sya. blurred na naman ang mukha nya at may tattoo sya sa dibdib na isang mga linyang bulate, kung di ako nag kakamali isang steno writting yon?



teka? nag iilusyon na naman ba ako? ano ba meron?


niyugyog ko ang ulo ko sa pamamagitan ng pag iling. nag lakas loob akong ilakad pa ang paa ko papuntang pinto pero nakita ko ang pader nito sa kaliwa.


may bakas ito ng bala ng baril, butas ito.


lumunok ako at huminga ng malalim, hindi ko alam bakit ang saya saya ng pakiramdam ko ng mahawakan ko ang door knob nito kahit na puno ng alikabok ito.


"bakit napaka dumi ng bahay na ito? sayang naman ang ganda ganda. punong puno ng sapot at ang kakapal ng alikabok." binuksan ko kase ang bahay at bumungad saakin ang amoy ng bahay na lumang kahoy at mga alikabok at ng mga sapot sapot sa bintana. para syang hunted house pero hindi ako natatakot. nagulat nalang ako ng nabasa bigla ang gilid ng pisngi ko.


bakit ako napaiyak? anong meron? 


pinunasan ko ang mata ko ng kaliwa kong kamay at tumigil sa pag luha, bakit ako naiiyak? anong meron ? hindi ko gusto umiyak pero yung puso ko ang lakas ng kabog at umiyak ako ng walang dahilan.  

Reminiscing Memories TNIAG 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon