Chapter 13 - Coffee shop 2

20 3 0
                                    



Bailey




nasa sasakyan kami ni xylk dahil pinahiram ito saamin, malapit kase sa airport ang company na pinag ta-trabahuhan nito. Nag offer ulit sya ng tulong saamin para daw maka less kami ng pamasahe papuntang airport, ipapahiram nya sasakyan nya para ihatid ito sa building nila tapos lalakarin namin ang papuntang airport. 3PM pa naman ang aming flight kaya inagahan talaga namin. ipinark ko ang sasakyan sa sinabi nyang parking-an at bumaba na kami, hindi kami nagdala ng maraming bagahe, tangin tiwala lang ang dala dala namin para sa operasyon kay Lester.


"pre mag tanghalian muna tayo dahil nakaka gutom na" pag aaya ni grey.

"ayokong kumain, busog pako eh, gusto ko nalang ng frappe" sabi ni lester. 

"sigeh, pupunta muna kami ni grey sa malapit na fast food restaurant then samahan mo si lester sa coffee shop sa labas neto. may nakita kase ako eh" sabi ni Alfredo.

"saka ibabalik ko susi ni Xylk noh!" sabi ko habang pinapaikot ang susi sa aking daliri. isang susi na may nakasabit na minion at banana, ang kyut naman.


nauna na kami ni lester maglakad at ginagabayan syang mabuti. pumasok kami ni Lester sa isang coffee shop at pinaupo ko sya sa table dito. nag order ako ng dalawang frappe at isang cake bago ko iniwan si lester. 

"Pre ibalik mo na yung susi, dito lang ako mag aantay" sabi ni Lester.

"sure ka? " pag aalinlangan kong tanong

"oo sigeh na, hahanapin mo pa yung Xylk dito sa building na may 24th floor" sabi ni lester

"huh!? pano mo nalamang 24th floor? nakita mo?" tanong ko, diba bulag sya? nakapag tataka naman.

"pre! bulag lang ako hindi bingi! narinig ko mga pinag uusapan nyo ni Xylk nung nasa bahay sya" medyo napakamot ako ng ulo hahahah medyo tanga rin ako dun?

tinapik ko ang balikat ni Lester at nag paalam na babalik din agad agad.

sa pag mamadali ko, nakayuko akong mabilis na nag lalakad kaya naka bangga ako ng balikat ng isang babae. hindi ko napansin ang mukha nya sa pag mamadali at humingi nalang ng sorry at tinahak na ang daan para hanapin si Xylk.


Chelsea


after ilabas ang babaeng nanabunot saakin, tumingin ako sa paligid, wala ng bakanteng upuan. at dahil bad trip ako sa babaeng yun. napag pasyahan kong mag order ulit ng frappe. may nakita akong nag iisang bakanteng upuan sa bandang dulo at napag pasyahan kong umupo na muna. sa pag lalakad ko, nasanggi ako ng isang matangkad na lalaki sa balikat at nag sorry agad. nag mamadali ata kase naka yuko at mabilis na nag lalakad.


uupo na sana ako sa upuan pero may nakaupo rin pala sa harap nito. isang gwapong lalaking naka shades. matanos ang ilong nito at...


natulala ako sa mukha nya at napapalunok ako, mabilis rin ang pag tibok ng puso ko. napaka strange. inilayo ko ang aking tingin sa lalaki at umiling. 

"okay lang ba na tumabi ako?" tanong ko dito. hindi sya kumibo at naka tingin parin saakin, im not sure kung naka tingin saakin o may tinititigan sa likod ko. tumingin ako sa likod at wala naman akong nakitang sign ng taong may katitigan sya.

nakalipas pa ang 3 mins ng nakatingin sya saakin at naiilang ako. pero anlakas ng tibok ng puso ko. parang inlove na inlove eh, dinaig pa tumakbo ng isang kilometro.


"uhm, excuse me? would you please stop staring at me? hindi ako comportable eh" hindi na napigilan ng bibig ko at nakapag salita na ako.


"bakit ka tumabi?" walang emosyon na sagot nito at cold lang.

"tinatanong kita diba? tapos  hindi moko sinasagot, kala ko kase silence means yes" sabi ko naman.

" wala akong paki sa nararamdaman ng isang manang na nasa harapan ko' sabi nito at nag cross hand. how dare he to call me manang? maganda ko! isa akong model! haggard na ba ako?

kinuha ko ang phone ko at pasimpleng nag salamin sa ilalim ng table, hindi naman ako haggard ah?

"hoy lalaki! mas wala akong pakialam sa nararamdaman mo! ikaw nga jan ang baduy! naka sunglass sa loob ng coffee shop? mataas ang araw? " pilosopo kong tanong dito.

"style ko baket? " sabi nito. napa tikom nalang ako dahil awkward, hindi ko na maisip yung susunod kong sasabihin.


buti nalang dumating na ang isang nag se serve.


"sir, eto na pa yung banana split mocha frappe, caramel cuppuccino frappe at ang strawberry shortcake " sabi ng isang lalaki.

"Mr. Dasovtch right?" sabi ng nag se serve, tumungo ito at nilagay na sa table ang pagkain nito. tumungo sin saakin ang lalaking ito at isinerve ang frappe ko. ang weird, parehas kami ng order.

"Ms. Dela Cruz right?" tumungo ako at tumayo para kunin ito, wala na akong balak pang mag stay, mauurat lang ako sa lalaking to, kala mo kung sinong gwapo para tawagin akong manang.

"oh xylk! mabuti at dumating ka? umalis na nga tayo! nai-inbyerna lang ako dito" pang a-aya ko agad kay xylk.

"oh, teka, umihi lang yung kasama ko eh." sabi nito. lumingon ako sa lalaking naka shades dahil nagsalita ito.

"Xylk, nag kita na ba kayo ni Bailey?" tanong nito, ang lalim ng boses nya.

"oo nag CR lang sya, mauna na ako Charles, nag mamadali kase si Chelsea eh" sabi ni Xylk. wow mag kakilala pala sila? grabe liit ng mundo ahh.

"ah sigeh salamat pala Xylk. sigeh sasabihin ko nalang kay bailey na nauna ka na, salamat ulit sa offer ah" sabi ng lalaking naka shades. hinila ko na si Xylk palabas ng coffee shop dahil nauurat na ako sa lalaking yun.


"oh? bat nag mamadali ka?" tanong ni Xylk ng makalabas na kami ng coffee shop.

"uhm, wala naman. gutom na ako, ililibre mo ako diba?" tanong ko, ayoko na pag usapan ang lalaking yun dahil nauurat lang ako.

"ahh sigeh, sa malapit na fast food na restaurant nalang tayo" pang aaya nito. hindi na kami nag pa tumpik tumpik pa at tinahak ang nag iisang fast food restaurant dito.


nag order sa counter si xylk at habang ako nag paalam na pupunta muna ng comfort room. pumasok ako at ini-lock ito. tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin at napa titig sa itsura ko.

"hay!, mukha ba talaga akong manang sa simpleng dress lang?" tanong ko sa salamin.

"hindi naman ako mukhang manang, UUGGHH!!! nakaka ineesss!!!" napa taas ang boses ko sa salamin. kinuha ko ang suklay ko, foundation at lipstick sa bag at nag suklay ng buhok.

hindi naman magulo buhok ko!

nilagay ko ang lipstick sa labi ko.

ayan! maayos na

nalagay ako ng foundation sa mukha, manipis lang kase naka make up pa ako, nag retouch lang naman ako.

hindi nako mukhang manang diba!? DIBA!?


Reminiscing Memories TNIAG 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon