Epilogue

48 2 0
                                    


"Kung susuntukin ko ba ang sarili ko at nasaktan ako, ibig sabihan ba non, malakas ba 'ko o mahina?"

Tanong ni Riley sa kaibigan niyang si Ben na karamay niya sa pag-inom at paghihinakit dahil kakabreak lang ni Riley at ang kanyang girlfriend na taga-Roma.

"Ugh. Girl, ikaw ang manghihina dyan sa ini-inom mo, tama na yan! Itulog mo na lang yan, lasing ka na, kung ano-ano na sinasabi mo! " Hinagpis ni Ben dahil may trabaho pa ito kinabukasan at hindi pa rin tinitigilan ni Riley ang alak sa lamesa.

" Tangina bes, ang sakit, two years wasted." sabay deretsong inom ng Red Horse na nay halong gin na bilog ni Riley. Kanina pang balisa si Ben dahil ngayon lang nag-inom si Riley ng ganitong kadami.

"Ano bang ginawa ko para ganitohin niya ko? Nang-iwan sa ere. Dahil ba sa babae niya? Hindi naman ako nagkulang! Nagkulang ba 'ko? Sabihin mo sakin Ben, pupuntahan ko siya ngayon!"

Umiling si Ben. "Ungas! Nasa Roma yun, nandito ka. Simula pa noong una, ramdam ko na ang ugali ng babaeng yun. Bakit? Porke maganda siya, kawalan na? Tumingin ka naman sa ugali, niloko ka na, babalikan mo pa? Kung magkakaparada ang mga tanga, sigurado, ikaw ang nasa una! "

Binagsak ni Riley ang baso sa lamesa. " Gago ka talaga bakla, sa halip na damayan mo ko, tinatanga mo pa ko? Batukan kita dyan! " sigaw ni Riley ng biglang may dumating na motor sa labas ng bahay nila at nakita nila si James at Alfie na kaklase ni Riley.

"Guys! Eto na yung yelo tsaka crispy pata na pinabili niyo sa'min." malakas na kumatok sa gate si James para tawagin ang mga kabarkada.

Lumapit si Ben at pinapasok si James at Alfie sa loob ng bahay.

"James, Alfie, salamat at nandito na rin kayo. Iwan ko muna sa inyo tong si Pabebe girl Riley sa inyo, may trabaho pa ako bukas, pagsabihan niyo yan ng huminay-hinay sa pag-inom baka mamura tayo ng Tita pag pinabayaan yan." pakiusap ni Ben sa dalawang kaibigan at nagpaalam si Ben kay Riley at nakipagbeso ito rito. "Riley, matulog ka ng maaga, babae lang yan, marami pang iba. Wag shonga. Bye girl, bukas na lang ulit."

"Ingat ka Ben! "binaba ni Alfie ang dalang pulutan at yelo at inihatid ni Alfie si Ben papalabas ng gate at muling pumasok sa loob.

" Ikaw naman kasi Riley, lalake na lang kasi ang syota-in mo, lesbian ka pa dyan e, ang hirap kaya pag babae kinakasama, sakit sa ulo! " reklamo ni Alfie kay Riley.

"You know Alfie, you're such a jerk, isumbong kaya kita kay Kath? Baka gerahin ka nung jowa mo sa computer shop, hayup ka." sagot ni Riley na nay halong inis at pagbibiro.

Sumimangot si Alfie habang kumukuha siya ng baso nila ni James para nagsimulang damayan si Riley sa pag-inom. "Riley, di ka naman mabiro, suggestion lang, alright? Nandito na nga kami para damayan ka kahit New Years Eve bukas." sabay abot ni Riley ng bote ng Red horse sa kanya.

"By the way Riri, New Years tomorrow, anong handa mo bukas? " tanong ni James.

" Handa na akong mag-move on kasi ang sakit-sakit na. " sabay inom ni Riley.

Umiling si James at nagkamot ng ulo. " Haha, gaga ka, hinay-hinay sa pag-inom, pero seryoso. Dadaan kami dito bukas para makapag-paputok tayo. " tinapik ni James si Alfie para paalalahanin ito." Oo nga Ri, dadaan kami ni James bukas, naka-motor naman ako kaya mabilis kami makakarating, may dragon fireworks ako. "

" Bahala kayo guys. " tumango si Riley."Basta, wag kayong magdadala ng babae ha, baka dito pa kayo magpaputok, tayo lang magkakaibigan ang may forever."

"Wala naman akong madadalang babae. " hinakit ni James." Baka etong si Alfie dalhin si Kath. " tumawa si Alfie.

" Ako lang may forever satin! " masayang sinabi ni Alfie.

" Magbe-break din kayo, ugok!" sabay kontra ni Riley.

"Bitter ka lang! Si James na lang kasi i-syota mo Riley. "tahimik na humaghikhik si Alfie.

Nagsindi si James ng yosi at nagtake ng isang drag.
" Di pa nga ako lasing masusuka na ko sa mga banat mo Alfie tamana, New Year ha? "

" Aba, ang kapal naman ng mukha mo James, hindi ako papatol sayo kasi fuckboy ka, don't me! " Humagalpak si Riley at tumayo papalayo para kumuha ng pulutan.

" Aray ko beh. " sabay hawak ni James sa kanyang dibdib.

Hinawakan ni James ang bote ng beer at nakapag-isip, tinitigan niya ang dalawa niyang kaibigan at tinanong sa sarili ng pabulong" Kailan ba magbabago? "

" Ano nanaman ang binubulong mo James? May naaalala ka ba? " tinanong ni Riley na may kasamang pag-aalala.

" Alam niyo guys, " inipit ni James ng kanyang daliri sa ashtray ang yosing ginamit.
" Tutal. New Year na, we should be on a cleanse. We should really comply sa New Year, New Me motto. We should consider na, maging vegetarian, cut off the slack and start going to the gym. Lalo ka na Riley. " sabay buga ng usok ni James.

"You just started drinking and reconsider stopping as soon as possible, kasi we should be clean, itigil na natin tong bisyo na to, we should just travel often, like we always wanted." nakikinig ng mabuti si Alfie habang tinititigan niya ang baso ng Red Horse. "makakaipon pa tayo, kailan ba talaga natin to titigilan." pakiusap ni James sa mga barkada.

Natahimik si Riley at Alfie at nag-isip sa biglaang sermon ni James.

Tama si James, buong taon na lang silang nagsayang oras sa pag-iinom, pagdo-Dota, napabayaan na nila ang pag-aaral at nawalan ng kaibigan dahil sa kalokohan nila.

"Kailan ba talaga tayo titino? Lalo ka na Alfie, tamana ang sugal, Riley, stop wasting your time on a woman who cant cross a puddle for you, heck, the ocean, para makita ka at iexplain sayo kung bakit ka iniwan ng ganyan, we need to get our shit together, guys. " huminga ng malalim si James. " Simula highschool pa tayong ganito. "Look at Ben. He's having a blast with his studies, he's eating healthy and doing really well and even got a scholarship kahit busy with Council duties sa University natin." pinagmalaking sinabi ni James. "Gayahin natin siya."

"Aba bumabanat si Marcelo Santos ang lalim, bro. " pabirong sinabi ni Alfie. " Maaga pa lasing ka na. "

" He's not kidding Alf, tama si James. Ben is good without us, I mean, look at us? We're sore losers who suck the life out of him. He's health and body conscious and I feel like he doesn't even want to hang out with us, cause, we're trouble. " areglo ni Riley.

"Medyo sober pa rin ako, at kahit lasing man ako, makakaagree ako sa sinabi James, new life na, guys. Lets get real! " tumingin si Riley kay Alfie. "What do you say guys?"

Kumuha ng balat ng crispy pata si Alfie at kinain. "I swear to you guys, this is gonna be my last crispy pata, I'm gonna be starting a diet."

Natuwang tinaas ni James ang kanyang baso para magdiwang "So, lets have our first promise as bros, this is gonna be our last drinking session, no more random inumans, lets drink occasionally and responsibly, game?"

"Masakit pakinggan pero kailangan natin 'to, game ka na ba Alf? Bagong buhay? " tinaas si Riley ang baso.

" Tagay guys! CHEERS! Kampai! To the new gang, Jesus Christ, lets get our shits together!" *clink* tumagay sila sa kanilang pangakong magkakaibigan at nangako na magbabago na sila sa susunod na taon.

Naginum sila magdamag at nagblackout silang lahat.

To be continued...

I Want To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon