Chapter 1 - What You Might Have

22 1 0
                                    

" Puñeta! "

Nagising si Riley na may masakit na ulo. Inaalala niya ang lahat ng nangyari kagabi at hindi na niya namalayan na nagpakalunod silang tatlo sa alak, for the last straw. "Kaya siguro masakit ang ulo ko." bulong niya sa kanyang sarili.

Bumangon siya sa kanyang pinaghihigaan at dumeretso sa salas para hanapin ang Fallen Comrades na si James at Alfie. 

"Jaime at Alfonso gumising na kayo, magliligpit pa kayo ng bote. Bilisan niyo baka may dumating akong bisita!." sigaw ni Riley at yumanig ang buong bahay.

Hindi pa rin na-iingli ang dalawa. Kumuha ng pentel pen si Riley at sinulatan ang noo ni James 'TAE AKO'  at ginurihan ang mukha ni Alfie at nilagyan ng bigote.

"Bahala kayo dyan. Liligo na muna ako." Iniwanan ni Riley ang dalawa at dumeretso sa banyo para lumigo.

Binuksan ni Riley ang shower at simulang naligo. Tumayo lang siya sa harap ng shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan niya. Unti-unting pumatak ang mga luha galing sa kanyang mga mata na sinabayan ng tubig galing sa shower. Lagi niya itong ginagawa, because crying remained just an illusion. Ayaw na niya kasing umiyak sa harapan ng mga kaibigan niya at makitang sobra siyang nasasaktan.

Umupo siya sa sahig at patuloy na umiyak. Nakita niya sa tabi ng sabon ang laging humahaplos sa kanyang balat. She saw and she knew, that she wanted to cut again. Tiningnan niya ang mga bakas ng mga sugat niya. Her body insists, but her mind refuses. "Mali to." inisip niya ang mga kaibigan niya na pinapatawa siya at lahat ng mga pinagsamahan nila. Pinilit niyang tumayo at tinuloy na niya ang pagliligo at sa labas ay may biglang sumigaw. "RILEY! PATAY KA SAKING TALANDI KA!". 

Humagalpak ng tawa si Riley at nahulog ang sabon na ginagamit niya."Shet, nagising na sila! Haha!"

Malakas na kumatok ng pintuan si Alfie. "Hayup ka Ri! Buksan mo to maghuhugas pa ko ng mukha! May lakad pa kami ni Kath mamaya!" lalong lumakas ang pagkatok ni Alfie sa pintuan.

"Oo lalabas na ko, ang breezy niyo kasi, ang kukupad, ayaw agad bumangon." Agad niyang binalot ang katawan ng bath towel at lumabas ng banyo. "Gusto mo lang kasi makita akong hubad, landi mo beh." Pabirong kinindatan ni Riley at natawa no'ng nakita ang bigote na ginurihan sa mukha nito. 

"Riley. Reindeer ka ba?" seryosong tanong ni Alfie. 

"Tapos na ang pasko, pero O sige, Bakit? " sagot ni Riley.

 "Gusto mo isleigh kita dyan?! Tumabi ka nga dyan maghihilamos ako, tangina." Dali-daling pumasok ng banyo at binagsak ang pintuan.

"Hayup ka Alfie!" sigaw ni Riley. "Ikaw baboy! tugon ni Alfie.

Napailing na lang si Riley at dumeretso sa kwarto para magbihis. Nang kukuha na siya ang damit ay biglang bumukas ang pinto na hindi namalayan ni Riley, nakalimutan niya itong sarhan. Narinig niya na naglock ang pinto sa loob. "Wag kang magsasalita, Riley."

"James! Anong ginagawa mo dito? Nagbibihis ako! Lumabas ka nga." bumilis ang tibok ng puso ni Riley at ang tanging suot niya lang ay towel na nakabalot sa kanyang katawan.

"Riley, matagal ko nang gustong gawin to, pero hindi kasi tayo mapag-isa." pabulong na sinabi ni James ang mga salitang yon. Natatakot at nababalisa si Riley dahil ang kaibigan niyang may nakalagay sa noong 'TAE AKO' ay may maaring masamang balak na gawin sa kanya. "James, pwede naman natin 'tong pag-usapan, please? Alam kong may gusto ko sakin matagal na pero wag James, maawa ka." papatak na ang mga luha ni Riley ng biglang hinawakan ni James ang braso ni Riley at sinapak ito gamit ang sariling palad. 

"Gaga. May itatanong ako sayo tungkol sa pag-shift mo sa Psychology! Baka kasi marinig ni Alfie, hindi niya pa alam. Hindi kita rerape-in umagang umaga! Joke lang, feelingera ka naman di kita gusto!" humagalpak ng tawa si James at dali-dali itong piningot ni Riley sa tenga. "Aray! Riley masakit!" sigaw ni James.

"Kaunti na lang ililibing na kita James, gusto mo sa ospital ka mag-spend ng Bagong Taon? papuputukan kita dyan ng armalite, gusto mo?" at sabay binitawan ni Riley ito sa tainga.

"Doon ka sa sulok at tumalikod ka." utos ni Riley kay James at ginawa naman nito. "Kailangan kong sundin ang gusto ng magulang ko, naaawa na ako sa kanila, pati na rin sa sarili ko, puro na lang kabiguan ang binigay ko sa kanila, tutal, gusto ko talaga ng med. course, I wanna get out of my comfort zone. The last thing I want to do is disappoint my family. Lalo na si.."

"Shh..baka marinig tayo ni Alfie maiyak pa yun pag nalaman niya, saka mo na lang sabihin pag March na. Mami-miss ka talaga namin." sumimangot at nagpout ng lips si James ng isipin niya na ang matalik nilang kaibigan ay lilipat na ng ibang University.

Nagmadaling nagsuot ng damit si Riley. "Bibisita naman ako sa inyo, tamana nga ang drama, James, magkikita pa rin naman tayo. Smile ka na dyan." Tinapik ni Riley si James para ipaalam na bihis na ito. Saka naman kumatok si Alfie sa kwarto niya. "Hoy anong ginagawa niyo dyan? Buksan niyo to kukunin ko ang bag ko, pucha kung di ka lang tibo Riley, pag-iisipan ko may ginagawa na kayo dyan!"

"Gusto mo sipain kita sa Jingle Balls mo Alf? Eto na." sagot ni Riley kay Alfie at binuksan ang pinto.

"Pampasko rin banat mo ah. Siya sige na guys, kailangan ko na rin umuwi, magkita na lang tayo mamaya, its the freaking New Year! 2015 na later on. Let's celebrate alright?" nagkaroon sila ng mini group hug at saka nagpaalam kay Riley bago umuwi sa kani-kanilang bahay.


I Want To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon