Chapter 2 - Intro

20 1 0
                                    

Riley's POV

  Anong oras na? Alas tres na ng umaga di pa rin ako nakakatulog, may exam pa ako mamaya. Di bale na, gagalingan ko na lang sa mga subjects na make-credit ko sa Psychology, tutal, finals na to so last na. Ang hirap ng ganitong pakiramdam, bakit ang sakit? I'm waiting for her to call me even though I know na wala na kami. Bakit ang earthquake may drill, ang break-up,wala? Kailangan ko na talagang matulog, ang sakit na ng mata ko.

After 4 hours...

"Makikisuyo po ng bayad."

"Ilan sa bente?" tanong ng driver kay Riley.

"Dalawa po sana kaso iniwan niya po ako."

"Ayy." tugon ng driver.

Dumating na si Riley sa classroom at sumalubong sa kanya si James , pati na rin ang mga kaklase niya. 

"Ri! Ano nangyari sa mata mo? Pugto yata?" tanong ng isang kaklase niya.

"Hindi ako nakatulog be, sakit sa ulo ng programming."

"Sigurado ka bang programming yan? O hinihintay mo ang tawag ng ex mo? Get real Riley." biglang sumagot si Alfie na nakaupo sa likod ng classroom.

"Wag kang gagaya sa exams mamaya." dinuro ni Riley si Alfie na napapatawa.

"Biro lang! Kidding! " Nilapitan ni Alfie si Riley at niyakap sa likod at ginulo ang buhok nito. "Tabi tayo last nanaman to, alam ko naman magshi-shift ka na.."

Nalipat ang atensyon ni Riley kay James at tinanong ito. "Alam na ni Alfie?" Di ba sabi ko bring it to him gently?" Nakataas ang kilay ni RIley ng kinausap si James.

"Okay lang,ano ka ba? Medyo nahahalata ko na rin ang paglipat mo, kaya nung naginuman tayo, at nalasing tong si James, natanong ko sa kanya, lilipat ka pala ng Psychology?" malungkot na tinanong ni Alfie.

"Sorry talaga Alf, sasabihin ko sana sayo nung New Year's Eve pa lang, naudlot lang kasi medyo marami na akong pinagdadaanan at ayokong madisappoint ka kasi, pangarap natin to simula highschool, gagawa tayong gaming house, sariling kumpanya.."

"Gagawa pa tayo ng pinakasikat na videogame and we're gonna own Steam Inc! Hay, pero di naman kita mapipigilan,Ok lang Riley! Kahit hindi ka Computer Programmer pwede ka naman sa HR management! Grabe ma-mimiss ka namin." ginulo muli ni Alfie ang buhok ni Riley.


"Eto naman wag yung buhok ko! Ungas, mamimiss ko din kayong lahat, seryoso." binunyag ni Riley.

"Siguro kaya ka lilipat ng Psycho kasi maraming chicks?" sabi ni Zeke na isa sa kaklase ni Riley.

Nangalumbaba si Riley at habang nakatulala ay tumugon "Ui hindi ah, hindi lang yon haha, i heard it's a really great program, why not give it a shot?" 

"Well good luck sayo Riley. Nandito lang kami, o! andyan na si Sir!" tumakbo si James at nagsi-ayos na sila ng mga silya para magsimula ng exam.

After 3 hours...

"Hay salamat! Natapos na din yung exams natin, time to celebrate, sa tambayan na tayo guys!" nagyaya si James sa mga barkada at tinawag nila itong lahat.

"Wala na yung Chevy ko guys, sorry lakad na lang tayo don, nagrounded kasi ako for one month." pinaalalahanan ni Riley ang kanyang mga barkada sa nakumpiska niyang sasakyan.

Alfie tried to cheer her up."Alin Ri, yung pick-up truck mo? Swabe sana kompleto ang barkada. Pero hayaan mo na okay lang naman na maglakad kami. Iiwan ko na nga muna motor ko. Malapit lang yun, kain lang muna tayo." 

Lumabas bigla sa kawalan ang kaibigan nilang si Zeke at nag-alala."Hala? Kakain? Seryoso? Di ba tayo mag-iinom, ikaw James? Di ka na nagyoyosi. Gumugunaw na ba ang mundo?"

Binatukan ni Riley ang Zeke na magaslaw. 

"Di ba sabi ko sayo we're on a cleanse, no more, masakit isipin pero kailangan, mag-boboodle fight tayo kaya wag ka ng patanga-tanga diyan!" hinila ni Riley ang kanyang mga barkada at dali-dali silang tumakbo patungo sa kainan o tinatawag na tambayan nila.

After the scrumptious meal, they parted ways.

Alfie held Riley's shoulders, faced her and confessed his longing anytime soon when she leaves. "Riley, eto na talaga, chat-chat na lang tayo, magiingat ka ha? Wag ka ng magpapakatanga sa mga babae, baka may makita kang mas gwapo sakin dun, it's not too late."

Sinampal ni Riley si Alfie lightly sa pisngi. "Is it too soon for you to say this? Kahit hindi ka lasing, ungas ka pa rin, pero kaibigan pa rin kita. Bestfriends forever?" at nagpinky-swear pose si Riley.

Inangat ni Alfie ang kanyang pinky and he wrapped it around Riley's. Sabay nilang sinabi.. "ANG CORNY!" at saka sila tumawa ng malakas.

"Guys gabi na! no time to be corny, I'm gonna miss you Riri!" aakbayan sana ni James si Riley pero dinakma ni Riley ang braso nito at  pinulupot- lupot.

"Araaaaaaay!!!."


I Want To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon