#OWYFive"Sino ka?"
'Yan ang mga katagang gumunaw sa mundo ko.
"Hehe. 'Wag mo na ako lokohin, bakla." Sinabi ko sa kanya at kinumbinsi ang sarili ko na niloloko lang ako ni Neo.
"Sorry, Miss. Una, hindi ako bakla. Pangalawa, hindi kita kilala."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi na siya bakla o maiiyak kasi hindi niya ako kilala.
"Kuya, sino siya? Kaibigan mo ba yan?" tanong ni Neo baby kay Kuya niya.
Nag smirk lang si Kuya. Tsk. Siya may kasalanan nitong lahat eh. Kung hindi siya malandi, hindi sila mapapaaway nang ganito eh.
"Nasan si Farrah?" tanong na naman ni Neo. Grabe ang manly na niya. Ugh.
"Sino si Farrah?" Bulong ko kay Kuya.
"Long time crush lang naman ni Neo." He emphasized it then shrugged his shoulders.
Para ako binuhusan ng malamig na tubig with yelo. Hindi na uso ang ice bucket challenge! Tama na!
Lumabas muna ako para magpahangin. Ang drama ko ba? Tsk.
Habang naglalakad lakad ako, may nakita akong lalaki. May kasamang dachshund. Ang cute!
Hindi nakatali yung puppy, karga niya lang. Nagulat ako nang biglang lumapit ito sa akin.
"Ay! Sorry, Miss."
"No, it's okay." I said as I petted the cute creature.
"Sa'yo na lang yan."
"Huh? Ayaw mo ba sa kanya? Eh mukhang bagong bili palang nito." Inirapan ko nga 'yung lalaki. Tss, badtrip ako ha! Wag niya akong inaano. Anuhin ko siya ng ano eh.
Pilit ko siyang tinatarayan pero nagulat na lang ako nakita ko ang mga sarili namin sa kama nakahubad. Joke! Sa park malapit sa ospital. Nag uusap na kami. Mukha naman siyang mabait.
Nasabi niya pa sa akin na para sa ate niya 'yung aso. Peace offering daw! Sosyal siya mag apologize no?
"So, sinong na-ospital?"
"Yung crush ko.."
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas pagkatapos ko mag kwento tungkol kay Neo at sa nangyari sa kanya.
"Hoy!"
"Aray ko!" Binatukan ko sumubsob siya sa mesa ng park.
"Bakit mo ako tinatawanan?!"
Nakita ko na naman siyang nagpipigil ng tawa pero nag salita naman siya.
"Eh kasi, sa taray mong yan, nagkagusto ka sa isang beki. Na ngayon ay nasa ospital dahil nakalimutan niyang bakla siya! Hahahaha! Sorry, sorry! Hahahaah__aray ko! Hahahaha!"
Tsk tuwang tuwa. Tatayo na sana ako nang biglang pumalakpak yung tainga ko sa sinabi niya.
"Sorry na, tara libre kita theme park."
Sabi na nga ba galante to eh! May sasakyan pala siyang dala at wow talaga as in dahil sa theme park ang naisip niyang pang-apologize sa akin. Nilibre niya talaga ako at nakakatuwa. Kasi kahit papaano, gumaan ang loob ko.
"Teka muna sandali, sa buong araw na 'to, di ko pa alam pangalan mo." Sabi niya agad habang inaalalayan ako pababa ng uber sa taas na roller coaster.
"Reese." Nginitian ko siya at ngumiti din siya.
"Ano ka, tsokolate?"
"Well, that's my favorite, tho."
"Anyway, I'm Cliff."
"Nice to meet you, Cliff. Thank you."
Papunta na kami sa horror house nang biglang nag ring 'yung cellphone ko at para na naman akong na-Ice Bucket Challenge nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.
"Asan ka ba?! Kanina pa kita hinahanap!"
DEDICATED TO YOU KASI FEELING KO NAG-EENJOY KA DITO! THANK YOU!!!

BINABASA MO ANG
Obsessed with You
Подростковая литератураA love story of a lady and a gay. (charot) - Sprayberry