OWY Four

12 0 0
                                    

Something went wrong ata sa 3rd chapter. Sorry!

#OWYFour

Neo (POV)

A way to a man's heart is through his stomach.

Mga bakla, naniniwala ako diyan. Kaya eto ako ngayon, kumakain ng luto ni Reese. Ano ba 'yan. Ang sarap eh.

"Oh kain ka pa." sabi niya tapos nilagyan ng kanin 'yung plato ko.

"Paborito mo ba 'yan?"

"Oo, paborito ko talaga laing. Tapos ang sarap pa ng partner na liempo!"

"Hahaha! Matakaw ka." sabi niya pagtapos uminom ng juice.

Reese (POV)

Ako na. Ako na talaga. Ako na pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Kasi naman oh. Nasarapan sa luto ko si Neo.

"TAO PO!"

"Anak ng kabayong istorbo naman oh. SINO YAN?!" sigaw ko pabalik.

"Hoy Teresita! Buksan mo 'to."

Nye. Therese kaya. Sus talaga 'tong mga kaibigan ko.

"Ano?" bulyaw ko kay Rei.

"Bigla ka na lang kaya nawala." sabi ni Fei. Tapos dumeretso sila sa dining at nagulat.

"Hi." sabi ni Neo habang nakain.

"Whut iz da meaning of diz?" nag hahallucinate na sabi ni Vernice.

"Can you stop? Si Charlie 'yan." sabi ko at ipinakilala naman ang mga kaibigan ko. "Eto si Fei, kakambal niya si Rei na member din ng dance troupe, eto naman si Vernice."

Binati nila si Neo. Well, 'yung mata ni Rei naghihingi ng eksplenasyon.

Umupo na din sila at nakikain.

"Eh bakit nga kayo andito? Ano, naamoy niyo ba hanggang school 'yung ulam?" tanong ko sa kanila.

"Oo, girl. Hahaha! Anyway, ibibigay lang namin 'to. May nagpapaabot."

Tinignan ko 'yung box na maliit. Galing 'to kay Chester, alam ko. Kasi, araw araw siya nagbibigay ng ganito. Kahit pa takasan ko siya, ipapaabot niya padin.

Itinabi ko na 'yun nang makita ko 'yung laman. May letter tsaka iba't ibang kisses.

"Penge nyan!" sabi ni Rei.

Di ko siya pinansin. Nilagay ko na lahat sa ref.

"So, sinong ka-date niyo sa Christmas Ball?" tanong ni Vernice. Nagpaalam muna si Neo na mag ccr.

"Gusto ko si Neo." bulong ko.

"Bakla?!" walang boses na sabi ni Vernice. Napanguso naman ako.

"Uh, Reese. Kailangan ko na umuwi. May nakaaway daw si Kuya eh. Nanggugulo sa bahay. I'll text you, maybe?" sabi niya nang nakangiti oh my gosh. Obsessed na ako.

"Sure, sige. Ingat ha!"

"Oo naman, kahit ano mangyari." kumindat pa oh. Ano ba yan.

Pag-alis ni Neo, agad naman akong hot seat ng mga lokarets.

"So, type mo siya? Paano kung 'di ka type? Can you please use your large brain?" - Fei.

"Stop, stop. Hindi ko naman balak na magustuhan niya ako. Pero gusto ko lang talaga siya. That's it."

"Pero, friend, bakla siya. Hindi tomboy." - Vernice.

"WHATEVER!"

"Bahala ka. Masasaktan ka dyan. I know." - Rei

Bahala na talaga. Kasi totoo naman.

Nag usap usap pa kami hanggang sa mapunta sa isang chismis 'yung topic.

"Paano naman kayo nakakasiguro dyan?! Sasapakin na kita, Rei."

Kasi naman! Si Neo daw 'yung rumored "girlfriend" ni Chester.

"Ano ka ba! Diba nga ikinahihiya niya." sagot naman ni Rei.

"Gago ka ba?! Lalaking lalaki si Neo."

"Bakla, gago." sagot sa akin ni Vernice.

"Puta, 'di naman siya totally bakla! Alam ko may story behind."

Kinwento kanina ni Neo kung ano nangyari 2 years ago.

Isang araw daw, may babae siyang nagustuhan. Lalaki pa siya nun. As in straight. But 'the thing' happened. Nakita niyang may ka-boomboompow yung girl. Sa CR ng school. Syempre na-turn off siya. Sobrang nasaktan hanggang sa magising daw siya na pumipilantik ang mga daliri sa paa.

"Hahahaha! Grabe! Hahahaha!" Natawa naman sila sa munting kwento ni Neo. Pero totoo! 'Yun talaga kwento niya. Kaya alam kong may chance pang maging straight siya ulit.

"Eh kung hindi tumalab? Sus." sabi naman ni Vernice.

Di daw tatalab 'yung maattract ko si Neo. Ang sama ng mga kaibigan ko. Mamaya kakalbuhin ko 'to.

"Uy, may natawag." Sabi ni Fei tapos tinuro 'yung cellphone ko.

Kinikilig agad ako kahit number lang naman 'yun. Eh kashi naman. Shi Neo palang naman kumuha ng number ko. Ahihihi.

Mag hehello pa lang sana ako nang parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig kong sinabi ni Clyde.





















"Si Charlie! Nadisgrasya!"

Obsessed with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon