#OWYSix"Bakit mo ako hinahanap?" Salubong ko agad sa kanya pagkapasok ko ng room.
"Anong hinahanap?" 'Di ko lubos maintidihan 'yung reaksyon niya. Naiirita ba siya?
"Oh andyan ka na pala." Napalingon ako.
"Oh what's with the face? Sabi na assuming ka rin minsan eh." Patuloy lang si Kuya Clyde sa pang-aasar.
So, siya pala yung tumawag. Peste naman talaga.
Iniwan ko pa si Cliff, imbes na nag eenjoy na lang ako.
"Tsaka, ano ba, Kuya? Si Farrah asan na?" Pssh Farrah, Farrah amputa.
Di na ako nagpaalam. Lumabas na ako ng ospital. Uuwi na lang ako.
"Hey," napalingon ako. "You forgot the dog." Saad ni Cliff nang nakangiti.
Shoot! Oo nga pala, yung aso.
"Ay, sorry. Teka gusto mo sama ka muna sa akin? Kain muna tayo. Sagot ko naman ngayon." I offered him. Pakunswelo na lang.
"Hindi na. Busog pa--" Di niya natuloy yung sasabihin niya kasi tumunog yung tyan niya.
"Busog pala ha?" I emphasized the word 'busog'.
Wala na siyang nagawa kundi matawa tapos sumama na lang din sa akin. Nasa sasakyan ko ako, siya rin. Sumunod lang siya.
Sa condo unit ko ako dumeretso. Hindi agad ako lumabas ng sasakyan. I checked my phone first.
May mga text sila Rei pero nireplyan ko nalang sila na mag usap na lang kami mamaya.
Tapos, tinawagan ko si Ate.
"Tigilan mo muna ako."
Ayan na naman sila.
"Hello, Ate? Sa condo ako mag-stay ngayon."
"Tawagan mo rin si Bunsoy. Meron daw silang group project at male-late siya ng uwi baka daw umaga na. Tignan mo talaga yang batang yan eh."
"Ako na kakausap."
Binaba ko na rin agad bago pa ako mabungangaan.
I decided na sa taas ko nalang tatawagan si Bunsoy kasi kanina pa nag aantay si Cliff kasama si Gunther. Gunther ang naisip kong pangalan sa aso.
"Sorry, tinawagan ko si Ate." nginitian lang ako ni Cliff.
"May unit ka talaga dito?" Tanong niya habang nasa elevator kami.
"Oo, bakit?"
"We own this condo."
Napanganga naman ako. Kaya pala hindi siya nahirapang sundan ako kanina.
BINABASA MO ANG
Obsessed with You
Teen FictionA love story of a lady and a gay. (charot) - Sprayberry