WARNING: Bad words. Ps, sorry!#OWYTwo
Putang ina...
Kasi naman, paglingon ko, saktong mukha niya 'yung nakita ko. Nasa likod ko siya naka-upo.
Hindi ko na tuloy nagawang tarayan 'yung mga tumatawa sa likod.
"Ay. Diba ikaw yung judge kanina, be?"
Damn! Ang gwapo niya.
"Ah haha. Oo." Okay, I know that was lame pero I don't care.
Humarap na ulit ako sa board. Third week na ng klase pero bakit ngayon ko lang siya napansin?
Pagdating ng prof ko, parang narinig niya 'yung tanong ko sa utak ko.
"Okay, class. Mr. Salazar here is a transferee. Well, obviously. Pero, lumipat lang siya ng section. Section C siya dati. Nagkamali ng register."
Halata kong wala naman masyadong interesado. Ako lang ata.
"Well, as usual, lahat ng bago dapat nagpapakilala. Come on, Mr. Salazar."
Agad namang tumayo si ano, siya, si Salazar.
"Uh. *ehem* My name is Charlie Neo Salazar. My friends call me Charlie."
Hmmm. Charlie. Pero parang mas manly 'yung Neo.
"Thank you, Charlie. Now let us proceed to our discussion."
Hala, CHARLIE daw. Friends sila. lol
Economics na. 3rd subject. Excused kasi ako sa mga time na natamaan nung audition. Kami ni Rei.
Pero sila Vernice at Fei, ayun nag cutting.
Nag start mag discuss si Ma'am pero hindi ako mapakali. Ayaw makinig ng sistema ko, kasi naman eh. Nasa likod ko lang si Charlie.
Pangalan ng aso namin dati 'yung Charlie kaya parang mas gusto kong Neo ang itawag sa kanya.
At dahil hindi ako mapakali, todo paikot ako sa ballpen ko gamit mga daliri ko.
"Ang galing mo naman, girl."
Nabitawan ko 'yung ballpen. Nagulat kasi ako kay Neo. Ano ba 'yan.
Kasama na ata ng puso ko 'yung pagkalaglag ng ballpen ko.
"Girl, oh. Sorry nagulat ka ata. Hehe."
Inabot sa akim ni Neo 'yung ballpen.
"Okay lang." Simple kong sagot at nakangiti na nag aalangan.
Nanahimik na ulit ako pero pinagpapawisan ata ako kahit air conditioned 'tong room.
May sinulat si Ma'am sa board kaya medyo naging busy ako. Kinopya ko 'yun sa phone ko.
Pagtapos nun ay kinuha ko 'yung notebook ko na pang-doodle at nagsimulang mag sulat ng kung ano.
Naisip kong i-doodle 'yung pangalan niya.
Sinimulan ko munang isulat syempre 'yung C.
Busy na ako sa pagdesign ng letter C nang bigla na naman siyang nagsalita.
"Ang galing mo naman. Bakit C?"
Omg. Shit.
Bakit ba 'to lagi nagmamasid?

BINABASA MO ANG
Obsessed with You
Teen FictionA love story of a lady and a gay. (charot) - Sprayberry