Chapter 5: Dinner

112 4 2
                                    

Chapter 5: Dinner

<Cleon’s POV>

“Awww, dahan-dahan naman!!” Napigtad ako ng konti ng talian ni Esurri ang sugat ko. Pinunit nya ang laylayan ng damit nya.

“Huwag ka nga malikot, baka lumala pa yan. Kuhanin muna natin si Chi-Chi at kailangan nating magamot yang sugat mo.” Pagkatapos nun ay hinala na nya ko. Hindi kami nagimikan habang naglalakad. Nakarating kami sa ice cream store, nakaupo lang dun si Chi-Chi na parang malungkot. Ikaw ba naman kasi ang maiwan di ba? (-_-.) \

Akala ko hindi nyo babalikan yang aso nyo eh” Sabi nung matandang security guard.

“Ah, pasensya na po. “ Sabi ko sa sikyu.

“Oh, Miss anong nangyari sa damit mo? Kanina parang nag aaway kayong dalawa kaya naiwan nyo yung aso tapos ngayon naman sira sira yang damit mo.” Habang tinuturo nya ang damit ni Esurri. “Kayo talagang mga bata kayo..” Pagtutuloy nung matandang sikyu.

“Naku, pasensya na po ulet sa abala tsaka maraming salamat po.” Sabi ko dun sa matandang sikyu. Nauna ng maglakad si Esurri habang hawak nya ang leash ni Chi-Chi.

Maglalakad na ko paalis ng biglang tinawag ulet ako nung sikyu. “Ihojo, ang ganda ng girlfriend mo.” Habang siniko nya ako at tinataas nya ang dalawang kilay nya.

“Ahh.. Oo nga po. “ (o///o) \ Hindi na ako tumangi, hehehe..

“Alagaan mo yang girlfried mo ha!! Baka maagaw sayo.” Tatawa-tawa yung matanda habang sinasabi nya yun. Tumango na lamang ako sknya at nagpaalam na ko. Tumakbo ako at sinundan si Esurri na malayo na ang nalalakad. Tss.. Iniwan talaga ako. (=_=’)

 Naabutan ko sila ni Chi-Chi. “Ang bilis nyo naman maglakad ni Chi-Chi.” Lumingon sya sandali at tumingin na ulet sa dinadaanan namin.

“Nakuha mo pang makipagkwentuhan kay Manong Guard eh, tingnan mo nga yang sugat mo, dugong dugo na!!” Naiinis na sabi nya skin.

Hindi ko mapigilang kiligin. (^///^) Kalalaking tao ko, napaka cheesy ko. Hehehe. Napaka tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Nakarating na kami sa bahay.

“Pasok ka muna” Sabi ni Esurri. “Gagamutin ko yang sugat mo” Sabay turo sa braso ko.

“Huwag na mababaw lang to. Malayo sa bituka.”

“Tsss. Huwag nang matigas ang ulo. Halika na dito sa loob.” Hinila nya ako papasok sa bahay nila. Ang hilig manghila ng babaeng ito.

<Esurri’s  POV>

Pinilit ko si Cleon na pumasok sa loob. Wala pa nga pala sina kuya. Pinakawalan ko si Chi-Chi sa loob ng bahay. Hinayaan ko lang sya magtatakbo doon.

“Upo ka.” Sabi ko kay Cleon, Sabay turo sa sofa. “Sandali lang huh.  Kukuhanin ko lang yung first aid kit sa taas.” Umakyat na ko sa taas tapos ay nagpalit na ren ako ng damit. Nakamaong na shorts ako at nagwhite tshirt.

Bumaba na ko at nagtuloy sa living room. “doon na tayo sa garden.” Niyakag ko si Cleon pauntang garden at dun ko na lang gagamutin ang sugat nya. Sumunod naman sya skin.  

“Maganda pala bahay nyo” Tanong nya skin habang nililinis ko ang sugat nya. “Asan nga pala mga kuya mo?”

“Baka nasa shop pa. Uuwe na ren sila maya-maya.” Sagot ko sknya. Nilagyan ko ng alchohol yung sugat nya.

“Awww!!, dahan dahan naman..” daaing skin ni Cleon.

“Sobra makasigaw, masakit sa tenga huh.” Sagot ko sknya.

My Neighbor is a Mafia Boss [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon