Chapter 2

16 1 0
                                    

"JA gising na. Yuhoo lahu lahu"

Argh. Ang aga aga e. Para namang mga panis.

"Hoy Lexi! umayos ka nga. Para kang nalalaog dyan e."

"Kesa naman sa tulo laway. Ewww"

Ang ingay naman nila! Dumapa nalang ako tapos nilagay ko yung unan sa tenga ko.

"JA gusto mo magbilang kami? Hihihi" sabi ni Kuya Lexi habang nahagikhik. Tch. Kahit irecite nyo pa ang periodic table of elements.

"Kuya Axel! Kuhanin mo nga ang flat iron!" Sigaw ni Kuya Lexi kahit nasa tabi nya lang ito for sure.

Wag naman ang plantsa! T^T

"San ba nakalagay Lexi?!"

"Bobo ka ba? E di hanapin mo!"

"Ay andito pala sa may table. Hi JA!"

Bigla akong bumalikwas ng bangon kase nararamdaman ko na yung lamig sa mga binti ko.

"ANO BA?! ANG HIHINA NAMAN NG KOKOTE NYO! DI BA KAYO MAKAINTINDI NA MAY NATUTULOG?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Ang baho pa naman ng hininga ko tapos sumigaw ako ng ganon. Pwe.

"Goodmorning din! Luto na ang almusal. Tumayo kana dyan sa kama mong ang baho baho. Pwe" bigla ng umalis si Kuya Axe pagkatapos nyang sabihin yun.

"Oh? Anong tinitingin tingin mo dyan?!" Ang wirdo kasing makatingin netong si Lexing balugs.

"Lakas ng loob magsando e wala namang bra. Sa susunod, kung wala kang bra, itape mo nalang yan okay? Bakat e." Sabay takbo ni Kuya Lexi.

"Atleast yung akin may pakinabang! E yang sayo? Anong pakinabang nyan? Wala!"

WT?! Manyak manyak talaga nun.Paki nya ba e hindi kaya komportable na nakabra habang natutulog. Diga nga mga babaeng higad? Charing. Labyou! (Pwe.) Maniniwala ba kayo pag sinabi kong kambal kami ni Kuya Lexi? Hindi diba? E di hindi ko nalang sasabihin!

Nagbra na agad ako kasi nakakahiya naman sa mga kapatid kong may dede. Pagpunta ko sa kusina, nakaupo na silang lahat habang nakatingin saken.

"Oh ano na namang problema nyo? Nagbra lang ako nanibago na agad kayo. Ay grabe oh." Umupo na ako sa tabi ni mama para makakain na kami.

"This is our last day here in Batangas so I'm planning na bumili tayo mamaya ng souvenirs. Isn't it amazing?!" Tuwang tuwa sabi ni mama.

"Di ako makakasama Mameh. Masakit pa binti ko." Sabihin mo Alexia, tinatamad ka lang.

"Eh? Baka mabored ka dito?"

"Naku hindi Mameh. Magiging exciting to. Pramis." tapos tumingin ako kina Kuya Lexi at Kuya Axel sabay ngiti ng sobrang sweet. Humanda yang damitan nyo mamaya saken.

"Naku, Mameh. Parang may LBM ata ako. Di ako makakasama" dahilan ni Kuya Lex. Asus.

"Nako Kuya. Wag kang ganyan. Alam naming araw araw kang naglalabas ng sama ng loob kaya luma na sa amin yang palusot mo." tumawa sina mama pagkatapos kong sabihin yan.

"Move faster guys. We need to rush because we will buy many souvenirs for our relatives." Nag alien na naman si Dadeh. Malimit nga lang magsalita, yung tipong di ko pa maintindihan. Haynakoooo.

"So who will clean this the dishes?". sabi ni Kuya Axe tapos bigla nalang silang tumingin saken habang maligaya akong nakain.

"Ano na naman ba?" sabi ko sa kanila habang nanguya nguya.

The Language of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon