Chapter 3

9 0 0
                                    


"JA! Bilisan mo nga! Ang bagal bagal kumilos akala mo kagandahan!" Sigaw ni Lexi na nasa labas.

"Sino ba naman kasing bobo ang nagtago ng sapatos ko?! Sa hudas naman!" Bahala syang mag-intay sakin, di ko naman kasalanan kung saan na napapunta ang sapatos ko!

"Nasa ilalim ng sofa! Dalian mo na!" Tapos sumakay na sya sa kotse nya. OO. Meron sya nun.

Sinuot ko na muna yung sapatos bago ko bungangaan si Lexi. Lexi nalang ang itatawag ko, tutal 5 minuto lang naman ang tanda nya sakin. So eto na nga, enrollment day na kasi ngayon kasabay na din agad ng orientation. Ang saya diba? 10-15 minutes lang daw ang byahe pero pag suswertihin ka at inabot ka ng traffic, 30 minutes ang minimun na chance na makarating ka! Dahil mayabangin ang sasakyan ni Lexi, binibigyang daan sya. Naaaks! ( ̄(エ) ̄)

Andito na kami sa may school pero nagpunta muna kaming parking lot tapos pumasok na kami.

"Lexi anong basa dun? Parang timang ang salita." Tinuro ko yung nakadikit sa may mga hollow blocks na parang welcome sign.

"Beaubaxton University. Ang hina mo naman." Sabay iling iling.

"Ano? Bowba.. Bow..~"

"Boba ka daw." Umuna sya ng paglakad sakin. Ang hirap namang basahin nung university na yun. Ang daming arte.

"WELCOME TO BEAUXBATON UNIVERSITY!" Sabay stretch nung kamay ng babae sa harap namin tapos may hawak na sign na "Welcome!"

"Maybe both of you are new here so this is all the requirements you need to fill up then proceed to the room arranged based on your surname listed below. Have a nice day!" Kumindat muna sya kay Lexi tapos nagpunta na sya sa iba pang mag eenroll.

Agang aga nahihirapan na ako! Ang bilis nyang magpaliwanag! Naintindihan ko lang ay "Have a nice day!"

"Tara na muna dun sa room saka tayo magfill up." Naunang naglalakad si Lexi kasi nagsisintas ako. Pagtayo ko, madami na agad babaeng pinagsasampal ng ilang beses at pinapak ng hantik ang mga nguso sa harapan ko.

"Miss, are you new here?" Tanong sakin nung babaeng nakalimutan bigyan ng donation ng damit.

"Oh?" Kaasar! Hara pa ang mga ito, e hindi ko naman alam ang lugar na'to!

"Kaano ano mo yung lalaki kanina? Pwedeng pahingi ng number?" Nagmala tuta ang mata nung isang babae na pinilit sumiksik sa harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Language of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon