Chapter 12

2.2K 70 1
                                    

Duxeen's PoV

Nang makauwi kami,dinala kaagad ako ni sebastian dito sa kwarto.
Magpahinga daw muna ako.

Seriously? Magpapahinga hindi pa ng ako nakakalamon?

"Sebastian pwede pengeng pagkain?gutom na ako eh."

"Wait." sabi niya tapos lumabas ng kwarto

Humiga muna ako sa kama dahil pagod na pagod na ako.

Tumitig lang ako sa kisame dahil ang lalim ng iniisip ko.

Sa totoo lang,simula nung makilala ko si sebastian noon sa school puro panganib na ang inabot ko.

Lalo pa nung makarating ako dito sa mundo niya halos mamatay na ako.

Hayyysss......

At simula nung nangyari noon sa isang palasyo hindi ko na nakita pa sila mama at insan.Ayaw kasi ako papuntahin ni sebastian sa mundo namin eh.

Sabagay, diba nandoon yun sa contract?

Pero parang hindi lang yun ordinaryong contract eh kasi lifetime na yun.

"BOO!haha!"

"Ay baboy!ano ba wraith!"

Ano ba naman ito nanggugulat!

"Natandaan mo na ko?"

"Nagsasalita ka naman pala ng tagalog eh."

"Oo naman."

At isa sa mga nakilala ko dito sa mundo ni sebastian ay ito si wraith.

Maharot,malandi,chansing at minsan lang yata ito nagseryoso.

"Here's your food."

"Yiiieeeee!!!" sigaw ni wraith tapos hinampas pa ako sa balikat

"Ba-aflshjdsk!!!"

Bigla ba naman sinalaksak ni sebastian yung kalahating cake sa bibig ko.

"Sebastian take it easy."

Nilunok ko na yung cake pagkatapos kong manguya lahat.

"Grabe ka naman sebastian magpakain.Nilalahat mo." sabi ko

Mangiyak-iyak pa ako kanina nung sinubo niya yung cake.

"Here's the last piece." sabi niya

"Ayoko na." sabi ko

Tapos tumalon sa bintana.

Hehe gusto ko sa garden pumunta.

Dumeretso ako kung saan nandoon yung monitor.Namiss ko 'to dahil araw-araw akong tumitingin dito eh.

Hindi ko na nga nakikita sila mama eh kapag tumitingin ako dito.

Pero ngayon biglang umilaw.
Tapos pinapakita dito ngayon ay

Wait lang....

Bakit ang daming tao dito sa gate ng bahay?

Hinawakan ko yung tubig para nakita yung iba pa.

Hindi ko inaasahan yung nakikita ko ngayon.

*sniff sniff*

Sila mama at insan.Nakahandusay lang sa lapag tapos puro dugo yung katawan.Ang gulo ng bahay at may mga pulis na nagbabalot ng katawan nila mama at insan.

"Mama.....*sniff*insan...."

Hindi ko na ito kaya.
Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko.

"Bakit ka umiiyak?" pambungad ni wraith nung pagbukas ko ng pinto

"Wala lang." sabi ko

"Bakit nga?" pamimilit ni wraith

"Why?" sabay na tanong ni sebastian at raleigh

"Bakit nga?/Why?"

Tumungo lang ako at hindi na nag-salita.

"Huy duxeen bakit nga?" tanong na naman ni wraith

"Check mo na lang sa monitor." sabi ko

Tumakbo ulit ako palabas ng kwarto at pumunta sa gubat.

Alam ko pagabi na,super delikado daw sa lugar na ito pero hindi ko yon inisip.

Gusto ko mapagisa pag malungkot ako.

Pero sino naman kaya ang gumawa nun kila mama at insan?

Hindi kaya si sebastian?
Tinuloy niya kaya yung pananakot niya sakin noon?

Pero hindi naman siya pumupunta sa mundo nila mama.Lagi nga niya akong kasama eh.

Gabi na pero nakaupo pa din ako dito sa ilalim ng pinakamalaking puno dito sa gubat.

Hawak-hawak ko yung picture namin ni mama.

Yung kay insan wala akong kuha na picture sa kanya.
Pero natatandaan ko yung mga araw na magkasama kami.

Nung hindi ko pa nga nakilala siya eh.

Habang nage-emote ako dito may narinig akong nagagalaw ng damo.

"Sino yan?" tanong ko kahit hindi ko alam kung tao ba ito o halimaw o kung ano.

"Ano ba yan?" tanong ko ulit

"Woooaaa! OUCH!" sabi nung bumagsak sa tabi ko

Tinignan ko lang siya hanggang sa makatayo siya.

"Sino ka? Anong gingawa mo dito sa gubat?" tanong niya

"Ako si Duxeen. Ikaw?"

"Ako si Parvatti.Naligaw ako dito sa gubat." paliwanag niya

"Tara doon tayo sa palasyo namin." sabi ko tapos tumayo

Nilagay ko na yung picture namin ni mama sa bulsa ko at saka binuhat itong si Parvatti.

"Ilang taon ka na?" tanong ko kay Parvatti

"11." sabi niya

"Tara na." sabi ko tapos tumakbo pabalik sa palasyo

Sa Palasyo....

Pagbukas ko ng pinto nakita ko kaagad sina sebastian, wraith at raleigh na kumakain na ng hapunan

"Where have you been?" tanong ni sebastian sakin

"At sino yang kasama mong bata?" tanong ni wraith

Pinaupo ko si Parvatti sa upuan.

"Si Parvatti." sabi ko na lang

"Duxeen anong pangalan niyan?" Tanong niya tapos tinuro si sebastian

"Siya si Sebastian." sabi ko

Nilapitan ni parvatti si sebastian tapos hinawakan yung kamay niya.

"Ikaw pala si tito sebastian." sabi niya tapos ngumiti kay sebastian

"Ha?" sabay-sabay naming banggit

"Oo kapatid siya ni papa Sirius." sabi niya

A/N:

Hello to all!

Mayroon akong ilalabas na story pag natapos ko na itong My Demon Boyfriend.

And balak ko sanang gawan ng season 2 itong first story ko kung may mag co-comment okay lang.

Check out na lang sa news feed kung na published ko na yung bago kong story.

Sunod-sunod na ang labas ng new characters bawat chapter.

-SebastianMichealis22

Advance Happy New Year to All!

Read Please!!

My Demon BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon