Chapter 03

4.5K 147 4
                                    

Sapphire PoV

*tok tok tok*

"Sino yan?"

"Tita ako po ito si sapphire"

"Oh pamangkin!ang tagal na nating hindi nagkita.Pasok ka"sabi ni tita

"Maupo ka muna diyan at hahandaan kita ng meryenda"sabi ni tita tapos pumunta sa kusina

Habang nasa kusina si tita,hindi ko lubos maisip.

Bakit si tita kilala ako pero si insan hindi ako kilala.
Pagbalik ni tita may dala siyang tinapay at juice.

"Oh pamangkin kamusta?"

"Okay lang po ako"sabi ko sabay ngiti

"Ah tita may tanong po ako"paninimula ko

"Ano yun?"tanong niya

"Bakit po hindi ako kilala ni insan?"tanong ko

"Ha?"tanging nasabi ni tita tapos natahimik

Duxeen PoV

2 pm

Malapit na ako sa bahay namin.
Hmmmm...ano kaya maganda i-cosplay?

Tok tok

"Oh anak ang aga mo ata?"tanong ni mama tapos pinapasok ako sa loob

Pagpasok ko,nakita ko yung babae kanina ba niyakap ako at sinabing insan niya daw ako.

"Mama,bakit siya nandito?"tanong ko kay mama

"Anak kilala mo ba siya?"tanong ni mama sakin

Ano ba naman 'to si mama.Tinanong ko,tanong din ang ibinigay sa akin.

"Hindi ma.Hindi ko siya kilala eh"sabi ko

"Eh mama bakit siya nandito?"tanong ko kay mama

Medyo nagulat kasi siya eh.

"Pinsan mo siya at totoo ang sinasabi niya anak"paliwanag ni mama sakin

"Talaga po?"tanong ko

Nakatingin lang sakin yung babae.
Medyo magkamukha kami.Pareho din kami ng mata.

Pure black.

"Ah nice to meet you insan"sabi ko sa kanya

"Ma akyat po muna ako"sabi ko kay mama tapos umakyat na sa hagdan at pumunta sa kwarto ko.

Sa Kwarto....

Nandito ako ngayon sa tapat ng study table.Nakaupo ako dahil gumagawa ako ng assignment.

Anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan ko.
3:15 na pala?eh?
Parang ang bilis ng oras ah.

Naligo ako at nagbihis.Pupunta akong mall dahil bibili na ako ng pangcosplay na damit.

Pagbaba ko ng sala,nakita ko si mama at insan na nag-uusap.

"Mama aalis muna ako.Punta akong mall"sabi ko kay mama habang nagsusuklay.

"Anong gagawain mo sa mall anak?"tanong ni mama sakin

"Bibili lang po ng damit pang-cosplay"sabi ko kay mama

"Ah pwede ba ako sumama?"tanong ni insan

"Sige tara"sabi ko kay insan

Nagpaalam na kami kay mama at umalis na

My Demon BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon