Chapter 19

2K 65 0
                                    

Duxeen's PoV

Tumuloy na ako doon sa loob ng lumang tower.

Palakad-lakad lang ako sa loob. Walang tao. Kahit maliwanag sa labas ang dilim dilim naman dito.

"Hello? may tao ba dito?" tanong ko sa loob

Wala namang sumasagot. Wala nga sigurong tao.

Gusto ko na lumabas. Pero parang may nagsasabi saking tumuloy pa ako sa pinakaloob.

Nakakatakot. Tumuloy pa ako sa loob. Sa bandang dining area na nakita ko, may babaeng nakaupo.

Tinititigan ko lang siya habang naglalakad ako. Tapos biglang siyang tumingin sakin..

At...At.... WALA SYANG MUKHA!

"AHHHHHHHHHHH!" sigaw ko sabay takbo ng mabilis.

Hindi ko na alam kung saan na ako pumupunta basta takbo lang ako ng takbo.

Sa bagay, parang one way lang yata itong tower na pinasukan ko. Walang liku-liko way.

Sumandal muna ako sa pader. Nakakapagod. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong lalaki na nakatingin sa bintana.

Tinitigan ko ulit siya. Pagtingin....

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Yung lalaki.... Wala siyang........AYOKO NANG SABIHIN!

Tumakbo ulit ako. Pagod na pagod na talaga ako. Ang plano ko, hanapin si Sebastian. Hindi makakita ng kung anong maligno dito sa tower na 'to.

"SEBASTIAN! nandito ka ba?" sigaw ko sa loob.

Naglakad pa ako ng naglakad. Hanggang sa makarating ako dito sa gitna ng tower.

May malaking bilog sa gitna. Kulay pula ito. Nakapinta sa bilog.

Plain lang. Walang kahit anong nakasulat. Lumapit ako doon sa bilog. Nung hinawakan ko ito, naging swimming pool ng dugo ang dating. Umupo ako doon sa tabi ng swimming pool.

Nilagay ko yung kamay ko doon sa swimming pool. Super lamig. Akala mo nasa loob ng freezer yung kamay mo.

Tumayo ako ulit. Tapos nung palakad na ako, bigla parang may tumulak sakin tapos nahulog ako doon sa swimming pool.

Nakapikit lang ako habang nasa ilalim ng blood pool. As in nasa flooring ako ng pool.

Hindi ko mai-angat ang sarili ko. Naka-stay lang ako doon sa blood pool.

Minulat ko sandali yung mga mata ko. Tapos nakita ko si Sebastian.

"Kanina pa kita hinahanap." sabi ko na mukhang hindi naman niya yata naririnig.

Nag sign siya ng wag daw akong maingay. Habang unti-unti siyang nawawala sa paningin ko.

Ipinikit ko yung mata ko, pagmulat ko, tuluyan nang nawala si Sebastian sa paningin ko.

Naka-stay lang ako dito sa flooring ng pool. Hindi ko mai-angat yung katawan ko.

Bakit ganun? Pero nakakahinga pa rin ako ng maayos. Parang ngang wala ako sa tubig eh.

Pilit kong inaangat yung katawan ko, pero ayaw. Parang naka-glue yung katawan ko sa flooring ng pool.

Sinubukan kong i-sideward yung katawan ko. Ayaw din. Lahat ng position kapag nakahiga hindi ko magawa. Talagang nandito lang ako naka-stay sa isang position.

My Demon BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon