Ikalawang Kabanata

37 0 0
                                    

Naging magkaklase si Putanella at ang Maginoong Binata sa highschool.

At tila sila ay sadyang pinaglalapit ng tadhana, naging magkatabi pa ito sa kanilang silid-aralan.

Hindi maitago ang saya na idinulot nito kay Putanella. Lumipas ang panahon at sila ay naging matalik na magkaibigan.

Kaibigang nakikinig sa mga problema, sa mga kwentong pag-ibig pati na rin sa mga sikretong malupit.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang umalis ng bansa si Putanella. Kinailangan niyang iwanan ang binatang nagpatibok ng kanyang puso para sa kanyang kinabukasan.

Umalis siya nang hindi man lamang nakapagpaalam ng maayos...

at hindi man lamang nabigyan ng pagkakataon masabi ang pag-ibig na pilit na itinatago.

The Adventures of PutanellaWhere stories live. Discover now