Ikalimang Kabanata

28 0 0
                                    

Sasagot na sana si Putanella ngunit nagmessage ulit ang binata at itinanong kung Okay na daw ba yon para sa nililigawan niya. Putangina. Ang cool. Dinaig pa niya si Miss Columbia na kahit saglit lang ay naranasan maging isang Miss Universe.

Hindi lang na-double kill si Putanella. Triple kill yun.

Buong akala ni Putanella ay mapapasakanya na ang kanyang pinakamamahal. Dahil matapos ang lahat ng kalandiang ginawa nila, PUTANGINA, teka lang... nasasaktan ako para kay Putanella.

Ang buong akala ni Putanella ay mahal din siya ng binata. Assumera kasi siya.

Ayun. 

Back to present time.

Napagusapan ulit nila ang nakaraan. Ang putanginang mensahe, mga ganon.

Sa buong akala ni Putanella ay kinalimutan na ng binata ang mensaheng iyon.

Nagtawanan sila. Pero sa totoo lang, sakit talaga ang tunay na nararamdaman ni Putanella dahil hanggang nagyon, nasasakta pa rin siya. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya ma-amin-amin ang kanyang lihim na pagtingin sa binata. Ang cool naman.

Nang mapag-usapan nila ang tungkol sa mensahe, nagulat si Putanella ng biglang tinanong ng binata kung "Paano kung seryoso ako noon, paano kung natakot lang ako dahil ang tagal mong magreply?".

Eh putangina pala. Ang cool naman.

Muling nagtanong ang binata, "paano kung seryoso ako ngayon?".

Ito naman ay sinagot ni Putanella ng "seryoso ka ba talaga?".  At tinawanan na lang niya nag binata.

Ang cool ni Putanella. Ang bobo niya. Bakit niya tinawanan? Paano kung totoo pala? Paano kung hindi yun Joke? Paano kung yun na pala ang nag-iisang pagkakataon para umamin na siya, or makaamin na ang isa? Ang cool naman.

Pero naiintindihan ko si Putanella. Masakit na din kase magtiwala lalo na kung yung sa una, sinaktan ka na ng sobra.

Pero bakit hanggang ngayon kahit na ayaw na niya magtiwala ay patuloy pa rin siyang umaasa. Paano kung sa bandang huli sila pala talaga yung itinadhana? Bakit sa dinami-rami ng taon na lumipas tila hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ni Putanella sa Maginoong binata? At bakit sa tinagal-tagal ng panahon na sila'y nagkalayo . tila wala pa ring babae ang nakakasungkit sa pagtingin at pagmamahal ng Maginoong binata.


Abangan sa susunod na kabanata.


The Adventures of PutanellaWhere stories live. Discover now