Lumipas ang maraming taon, mahigit walong taon. Maraming nang nagbago sa buhay ni Putanella. Naranasan niyang umibig, masaktan at maging masaya sa mga panahong iyon.
Ngunit sa di maipaliwanag na rason, tila'y may bumabagabag sa kanyang isipan.
At dahil 2015 na, uso na ang Internet at Chat.
Ayun, si Ate, Minessage si Kuya.
Sa tinagal-tagal ng panahon na hinahanap niya ang kulang sa buhay niya, isang simpleng mensahe lang pala ang katapat.
Isang "Hello" galing sa Maginoong binata na kanyang inibig simula pa nung Ikalimang baitang.
Ilang taon na rin ang nakalipas ng sila'y nagkausap.
Simula non' ay wari di na mapigil ang dalawa sa pag-uusap.
Umaga, tanghali, gabi at maging hating-gabi, ay sila'y magkausap.
Sa tinagal-tagal ng panahon, wala pa rin nagbabago sa nararamdaman ni Putanella para sa Maginoong Binata.
At sa tinagal-tagal din ng panahon ay tila hindi pa rin ito nakakakuha ng lakas ng loob na umamin sa kanyang tunay na nararamdaman para sa binata.
Ano bang himala ang hinihintay ni Putanella?
Kung ako sa kanya, tangina. Aaminin ko na... pero...
YOU ARE READING
The Adventures of Putanella
Short StoryA story about love, heartbreaks and second chances. Ang kwentong ito ang magpapamukha sa inyo na WALA TALAGANG FOREVER. Si Putanella ay isang hamak na ordinaryong tao lamang. Hindi siya espesyal, hindi rin siya kagandahan, hindi siya ganong' katalin...