chapter 4: FIRST MOVE

38 6 1
                                    

Elvin's POV

"T*ng ina tol. Sa susunod di na talaga ko papayag dito sa kagaguhan mong to" sabi ko kay Niel. T*ng ina!! p*ta!! Langya! Napapamura tuloy ako sa kalokohang naisip ni Niel eh

Paano ba naman kasi gusto niya na daw manligaw kay Jamie para matapos na. At ang naisip niya? Langya. Pasuotin ba naman kami ng clown costume. Tas my make up pa langya. Kanina pa nangangati tong mukha ko.

"Wag ka nalang umangal Elvin" sabi sakin ni Niel

"langya sure ka talaga na tutuloy tayong hospital ng nakaganto?" Tanong naman ni Steven

"Bat? Sino bang nagsabing sa main door ng hospital tayo dadaan?" Melvin asked. Yan nanaman yang si Melvin. Nakakainis din yan eh. Sobrang updated sa lahat kaya minsan kung ano ano pumapasok sa utak

"Eh san tayo dadaan?" Sabay na tanong ni kevin tsaka ni Alvin

Binigyan lang kami ni Niel at ni Melvin ng isang nakakalokong ngiti.

"Langya. Kilabutan nga kayo sa mga ngiti niyo! Mga mukha kayong papatay eh" sabi naman ni kuya Denver

******([Fast Forward])******

"Waaaaaaah! Omaygas ayaw kona!!!" Sigaw ni Alvin na mukhang konti nalang eh susuka na

"Waaaaaaah akoo rin ayaw kona!! Lintik ka talaga Melvin!!" Sigaw ko naman.

"Hoy!!! Wag nga kayong maingay!! Pag tayo nahuli langya ipapasalvage ko kayo kay Jamie!!" Sigaw ni Melvin

"Wag maingay pero ikaw yung sumisigaw!" Sabi ni Kuya Denver

"Aaackk.. m-masusuka na ata ko" sabi ni Steven

"Sh*t! Sh*t! Sh*t langya pigilan mo!!" Sabi ni Melvin

"T*ng ina manahimik nga kayo! Hoy Steven kung kinakailangan lunukin yan lunukin mo!! Malapit na tayo aayaw pa kayo!" Sigaw ni Niel na dahilan ng pagkatahik naming lahat. Kaya tumuloy nalang kami sa pag akyat. Nasan kami? T*ng ina nandito umaakyat sa ospital. Di sa loob ng ospital ah sa labas ng holpital. Hanggang fourth floor lang tong hospital kaya bago kami umuwi at mag ayos ng bihis clown eh nag tali ng pitong lubid si melvin para aakyatan namin ngayon. At ngayon umaakyat na kami. Konti nalang malapit na kami sa kwarto ni Jamie ..yes konti nalang

"Sshh! Shh! Shhh! May tao teka.. move! Move! Move!" Pabulong na sigaw ni Melvin. Lam niyo yun? Yung bumubulong pero parang sigaw kasi parang galit. Basta ganon. Kaya binilisan namin ng akyat.

At last. Nandito na rin. Pumasok na kami sa bintana..

"Jami---" 0_0 biglang nanlaki yung mata namin dahil maling kwarto ang napasukan namin. Kwarto ng batang lalaki. Buti nalang mag isa siya kundi. Hays.. binigyan lang ni Niel yung bata ng lobo para di matakot tas lumabas na kami sa pinto. Katabing kwarto pala yun ni Jamie.

Andaya ni Niel -_- siya yung manliligaw pero siya yung di naka clown? Pero sabagay .. san ka ba naman nakakita ng clown na nag gigitara at nanliligaw diba?

Kumatok si Alvin sa pinto ng kwarto ni Jamie. Wala naman nagbukas kaya siya nalang nagbukas... pag bukas ng pinto ni Alvin...

"Uwaaaaaaaaaaah!!!!" Umalingaw ngaw agad yung matinis na sigaw ni Jamie. Langya. Kahit iba matatakot samin no. Makakita ka ba naman ng 6 na clown eh. Diba? Pero daig pa ng bata kanina eh yung bata di natakot nung nakita kami

Takot na takot si Jamie. Bwahahaha mukhang umurong ang kabrutalan nito ahh..pinag pipindot ni Jamie yung mga emergency button tas habang palapit kami ng palapit sakanya. Lumalayo siya. Wahahaha di niya pa kasi nakikita si Niel eh. Tsaka di niya kami mamukhaan.

Scott BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon