Tuesday 06:45 pm
Steven's POV
San ba kasi yung bahay ni Jimie. Alam ko nakapunta na kami sa bahay nila. E kasalanan ko bang makalilimutin ako?
Sabi kasi ni Boss-abos Niel eh papatulong siya sa plate. Papatulong? Papatulong o papagawa kay Jamie?
Habang nag lalakad ako ..natapat ako sa abandoned house.
Tsk. Kala niyo matatakot ako no? Hah. Matakot? Di ko alam yung salitang yon mga pards
Habang naglalakad ako...langya. M-m-may babae..nakayuko siya. Nakatalikod pero halatang natatakpan yung mukha ng buhok. Umiiyak. Alam kona to eh. Yung pag linapitan ko to biglang pag harap puro dugo ang mukha. Tae. Kinikilabutan ako sa mga pinag iisip ko. Ah alam kona. Frank siguro to. Siguro may hidden camera nilagay dito.
Ano kaba Steven natatanga kana sa pinag iisip mo. Malay mo chicks yan. Nilapitan ko yung babae. Pag harap....
Woooooooah.
"May matutulong ba ako miss?" Tanong ko. Sheet of paper. Ang ganda niya. Mahaba buhok niya kaya pala siya nakayuko inaayos niya ata yung phone niya
"A-a-ahh.. E kasi..." Sabi niya tas bigla akong niyakap. Oy oy rapist! Rapist! Na babae.
"B-bakit miss?" Tanong ko sakanya. Nakayakap parin siya sakin
"Kanina pa kasi a-ako dito..n-nung paalis nako ayaw gumana ng sasakyan ko. Ayaw mag start n-nung tatawagan ko si Kuya ..di niya sinasqgot hanggang malowbat ang cellphone ko" sabi niya
"Maaari ko bang malaman ang iyong magandang pangalan binibini?" Tanong ko. Wahaha makata ang peg. Syempre. Ako pa. E ako Ang super hero niya eh
"E?" Mukhang natulala to sa tanong ko
"O..eto cellphone ko..tawagan mo na Kuya mo" sabi ko sabay abot ng cellphone ko
Habang dina-dial niya yung number ng Kuya niya . in interview ko na siya. Siya pala si Ayesha Yvette Santiago. Dun daw siya nakatira dati sa abandoned house .
"Sabi ni Kuya mamaya pa daw niya ako masusundo. May shooting daw siya ngayon" sabi niya. Wayne Santiago naman daw ang pangalan ng Kuya niya. Model daw
"Ah. Kung ganon samahan mo nalang muna ako hanapin ang bahay ni Lola ay este bahay ni Jamie" sabi ko
"Do you know Jamie?" Tanong niya
"Yeah. Kilala mo rin siya?" Tanong ko naman. Kung kilala niya si Jamie the brutal queen Edi Hindi nako mahihirapan maghanap ng bahay nun
"Yeah but sa kwento lang ni Kuya" she said
Ayesha Yvette's POV
hi..hello.. I am Ayesha Yvette Santiago. 20 y o. Kapatid ni Wayne Santiago ang pinaka gwapong nilalang na kilala ko. Pero kala ko lang yon kasi ngayon yung nasa harap ko eh ang gwapo gwapo gwapo gwapo >/////////<
"Yeah but sa kwento lang ni Kuya"sabi ko sakanya. Palagi kinukwento ni Kuya yung Jamie na yon. Siguro na love at first sight Kay Jamie. E Ito? Bat niya naman hinahanap yung bahay ni Jamie? Wag niyong sabihing liligawan niya yung Jamie na yun
"Ah" sabi niya lang tas naglakad na siya. Sinundan ko naman siya
"Bakit mo hinahanap yung bahay ni Jamie?" Tanong ko sakanya
"Hmm..kasi yung kapatid ko. Magpapatulong siya Kay Jamie para gumawa ng plate" sabi niya. Ibigsabihin ba neto. ..yeeees! Walang sila ni Jamie its means pwede magkaroon ng kami wahahaha
Habang naglalakad ako bigla siyang sumayaw. Yung kamay niya parang Alon sa magkabilang gilid. Tas sa harap din. Teka. Dancer din siya?
"Ocean..motion" sabi ko pero bulong lang
BINABASA MO ANG
Scott Brothers
Novela Juvenilmabait naman talaga ako eh ^_______^v promise. hihihi..alam mo ba..kayang kaya kong dukutin ang mata mo.. kaya ko ring putulin lahat ng pwedeng putulin sayo at isabit ang bangkay mo sa ring ng basketball court hihihi...ganyan ako kabait eh...can w...