Tonya's Pov.
It's Friday night. Ang bilis ng panahon. Nung nakaraan lang nasa hospital ako, ngayon andito na ko sa kwarto ko! Super alaga ako ni couz.
Couz inom na ng gamot
Oh couz baka mapagod ka ako na jan.
Couz ano ba wag ka nga makulet
Couz ito kainin mo.Hayy naku! Kabisado ko na lahat sinasabi nya haha.
"Couz! 8pm na mamayang 9pm tulog na!" sigaw ni couz mula sa kabilang kwarto.
"Opo!" sigaw ko pabalik.
Nakaupo ako ngayon sa kama at nagla-laptap. Pumunta ako sa dairy folder ko.
Kaya ko ba?
Ilang buwan o araw o baka ng bukas gising na sya? Kaya ko ba?
~TL-Flashback-
"Hoy" sabi nya sabay hihip nya sa plastik ng mallows ko!
"Ugh! Pasaway na multo!" Pinulot yung mallows ko sa baba.
"Di naman masarap yan!" sabi nya tapos humiga sa kama ko.
Oo humihiga sa kama ang mga multo. Nasanay na ko na parang anjan lang sya.
"Di ka lang marunong umappreciate ng masarap na pagkaen" sagot ko tuloy pa din sa pag lalaro sa laptop ko.
"Ano bang masarap jan? Para namang wala" sabi nya.
Tumingin ako sa kanya at he's wearing his so famous poker face -.- Umiling nalang ako.
"Masarap to! period!"
"Boooooo!" Ginulat nya ko kaya nahulog yung mallows ko.
"Tinginan mo!! tinginan mo ginawa ko!!! Nahulog na yung nga babies ko -.- tss!!"
Buti nalang tatlong piraso lang yung nahulog. Kalokohan kasi e -.-
"Hindi ka ba kumakaen ng ibang pagkaen?"
"Kumakaen!" galit kong sagot.
"Tulad ng ano?" Tanong nya. Ang dame naman nitong tanong -.-
"Oreo at Ice cream" sagot ko
"Tss puro matatamis yan! Hindi ba nasaket ngipin mo?!" tanong nya ulet.
Ano ba nasa Ms. Universe ba ako? Q and A ang ganap nito!!
"Hindi! Infact buhay na ako dun, pag meron ako ng tatlong yun masaya na ko busog na ko pwede na kong mabuhay" sagot ko.
Siguro naman sapat na yan. Di ako makapag focus e!
"Tama na ang pagkaen mo ng mallows, oreo at ice cream. Simula ngayon healty foods kakainin mo. Mag kanin at gulay ka!"
Napatayo ako sa sinabi nya.
"No way! Over kerropi's dead body! Paki alaman mo na lahat wag lang ang mallows ko"
"No more buts!" Tumayo na din sya.
"Bahala ka sa buhay! Bakit ba ko susunod sayo!!!" tapos umupo na ulit ako.
Biglang tumahimik. Siguro na inis umalis na. Haha xD bahala sya -.-
"Hoy ikaw ano bang meron ka mas gwapo naman ako sayo, mas yummy, kaya ko din naman buhayin si louise ah, kaya ko din naman pasayahin sya?! Ano bang meron ka ha!! Aken lang si louise!!! So back off! Hindi mo sya maagaw saken!!!!!Fvcking mallows"
Napatingin ako sa kanya! Nabaliw na yung multo! Kinakausap nya yung kawawang mallows. Siguro kung nahahawakan nya yun. Nagutay na nya yun. Parang sira talaga! Kitang kita mo kasi sa muka nya yung inis.
Kawawang mallows -.- RIP!
-end of flashback-
Hahaha nakakatawa sya noon.
Pero hanggang memories nalang ang lahat. At masaya ako sa mga memories na yun :)Kaylangan ko ng harapin yung reality na magigising na sya at makakalimutan na nya ako. Dapat masanay ako na ako ng ganto. Wala sya :(.
This is how reality hurt people -.- this is how truth made us cry T.T
"Gagawin ko ang lahat para di ka makalimutan louise"
Ang boses na yun. Sya lang tumatawag saken ng louise. Lumingon ako pero walang ni anino ni Lexus.
Wala naman talaga syang anino. Bukas dadalawin ko sya. For the last time :(
Lexus's Pov.
"Gagawin ko ang lahat para di ka makalimutan louise"
Pag kasabi ko yan agad akong umalis. Sabi ni scheduler this week or next week magigising na ko. May mangyayare daw, magigising na daw ako. Sa pamamagitan ng isang true love kiss? Baliw talaga yung scheduler na yun. True love kiss -.- tss! Ano ako nasa fairytale? Sino nga yun? Yung hinalikan para magising. Tss!
Atska araw araw akong kinikiss ni Iljin di naman ako nagigising -.- kalokohan ng scheduler na yun!
"Mahal mo na sya?"
Mahal ko na nga ba si louise? Pero si Iljin ang mahal ko. Tama sya! Sya lang. Nililto lang ako ni louise.
"At iniisip mo na sya ngayon. At ang unang tao pumasok sa isip mo. Sya ang laman ng puso mo"
"Manahimik ka na nga scheduler. Hindi ko mahal si louise"
"Wala akong sinabi na kahit anong pangalan"
Tapos umalis na sya. Kalokohan to! Kalokohan -.-
Nakaupo ako ngayon dito sa sebastian park. Gabi na, sobrang dameng stars sa langit. Ngayon ko lang narealize na ang ganda nila.
Lumabas ang muka ni Louise sa mga stars.
Ano ba talaga?!
"Princessssssss! Tara dali saglet lang to!!"
"Teka saan ba tayo pupunta? Dahan dahan prince. Sige ka baka madala na naman ako sa hospital"
"Oo nga pala"
Tapos bumaba sya parang sinasabi nya na mag piggy back ride si louise sa kanya.
"I just need to show you something princess. Hold on tight"
Tss! Pag nagising ako sisiguraduhin kong magbabayad ka. Namumuro ka na travis.
She's mine! And now I know. I'm really falling inlove with her
~LHA/N: (Official theme song of MGB) - Fallen by Janno Gibs
Pag may sweet moments try nyo isabay yung song. Lalo na yung chorus. Mas feel yung story na try ko na e!
Keep reading! Enjoy :)
-Unnica_hija