LIA'S POV
Kring! Kring! Kring!
"Psh. Gigising nanamannnnn! Kabwiset." Sigaw ko.
I'M NOT REALLY A MORNING PERSON.
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko. Baka kutusan pa ako ni mommy. Pumunta nako sa baba.
"Good morning anak!" Sabi ni mommy.
"Good morning mommy!" Sabi ko. "Nasaan po si Daddy?"
"Ah, anak, di siya umuwi kagabi. Sa trabaho daw." Sabi ni mommy na nakangiting pilit, halatang hirap na hirap na siya. Palagi kasing gabi na umuuwi yun si daddy. Minsan nga di na siya umuuwi. Di naman ako close sa kanya eh. Kaya pinapabayaan ko nalang.
"Ah ok po mommy, ah nga pala mommy, aalis po kami nila Jc and Andrea pati yung iba pang mga katropa ko, mag bbonding lang kami."
"Anong bonding bonding? eh araw araw nga kayong magkasama. Eh pero sige. Dito lang naman ako sa bahay. Pero baka pumunta tita Kris mo dito."
"Yay! thanks mom! mwa!"
"Punta na po ako sa taas, Liligo na ako, baka po kasi mapaaga nanaman po sila Jc dito eh." sabi ko.
"Di ka man lang ba kakain?" tanong ni mommy.
"Di na po busong po ako." sagot ko kahit di naman.
" Oh sige bilisan mo." sabi ni mommy.
Pumunta na ako sa taas para magasikaso. Pagkatapos ko maligo. Tumingin ako sa salamin, pinagmasdan ko yung sarili ko. Maganda naman ako ah, makinis ang mukha, maganda yung buhok,matalino,mabait at mapagmahal bakit kaya kami nag break ni Ma---, teka? bat ko ba iniisip yung walang kwentang taong yun.
Pagtapos ko magsuklay. Umupo ako sa kama ko habang hinihintay sila Jc.
Bored na ko kaya naisip ko muna na icheck yung messenger ko.
Sa pangalawa. May pangalang "Matt Espinosa" ex boyfriend ko nga pala. Binalikan ko yung mga chat namin.
Nakita ko yung mga i love you's, i miss you's, at yung mga time na puyat na kami pero chat parin kami ng chat.
BIGLANG TUMULO YUNG LUHA KO.
Di ko alam kung bakit, Siguro sa ginawa niya sakin na sobrang sakit, hindi ko alam na may mas sasakit pa don. Kaya mula noon, natuto nako.
*Biglang kumalabong yung pinto*
"Oy Liaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" narinig kong tawag nila Jc and Andrea.
Pinunasan ko muna yung luha ko kasi baka makita nila. Magiging botomline nanaman.
*Binuksan na yung pinto*
"Hello! Lia bahoooooo!" sabay pa nilang sabi.
"Oy! di ako mabaho. Kakaligo ko nga lang eh. Kapal ng mga pagmumukha niyo! haha" sabi ko.
"Oh halika na. Alis na tayerrrr!" sabi ni Andrea.
ANDREA'S POV
"Oh san ba punta natin?" tanong ni Lia.
"Basta, Halika na, kami bahala sayo." sabi ko.
" Baka kalokohan nanaman to ah." sabi ni Lia na ang babaw babaw ng
boses. Siguro umiyak nanaman to."Uy! alam mo namang di kami ganong klaseng tao ah. Tiwala lang!" Sabi ni Jc na proud na proud.
Bumaba na kami sa kwarto ni Lia di na kami magtatagal sa bahay nila kasi kakadating lang ng tita Kris ni Lia.
Pumunta na kami sa car ni Jc. Alam kong 4th Year High school palang kami, pero may kotse na siya, sa aming tatlo kasi siya ang pinakamayaman.
Nag drive na si Jc papunta sa isang Event Center.
LIA'S POV
"Guys parang alam ko tong pupuntahan natin ah? sa Event Center ba to?" tanong ko.
"Ah, oo Lia, ssurprise ko kasi yung mama ko, anniversary kasi nila ni dad. Inisip ko na kahit wala na si Dad, dapat na icelebrate parin yung importanteng araw nilang dalawa."
Huh? anniversary? ano ba kailangan pag aatend ka ng event? regalo, oh? nasan yung regalo ko? wala!? wala akong regalo! paktay!
"Oy Jc! Wala akong regalo, di mo kasi sinabi sakin agad! Letse ka!" sigaw ko.
"Wag kang mag alala Lia. May regalo ka na ibibigay don sa likod ng Kotse ni Jc" sabi ni Andrea.
"Haaaaaaaaay! thank you andrea." sabi ko habang humihingang maluwag.
"Oy! ako bumili niyan!" sabi ni Jc na payabang.
"Edi thank you narin!" sabi kong pasigaw.