Nagising ako dahil sa tunog ng doorbell. Tinignan ko kung anong oras na. Napabalikwas ako ng makita kong 7:30 na.
"Oh my! 7:30 na!" sigaw ko. Tinignan ko yung phone ko ang daming missed call galing kay Jaera. Maya maya narinig ko na may taong sumisigaw sa labas.
"Rina! Anong petsa na!" sigaw niya
lumabas ako para pag buksan siya ng gate.
"I'm sorry bestie, maliligo lang ako. If you want anything feel free to go to the kitchen. Help yourself muna. mag mamadali na ako. " natataranta kong sinabi sakanya pag katapos niya makaupo sa sofa
"Ok lang, sige bilisan mo na. On the way na lang tayo mag breakfast. " pag katapos nun umakyat na ako papunta sa kwarto para maligo.
after 20 mins. natapos na ako maligo at mag bihis. Agad ko kinuha ko yung maleta ko at bumaba.
"So let's go?" tanong ko sakanya
"Ang bilis ha." natatawa niyang sinabi tsaka siya tumayo.
"Siymepre ayokong pag hintayin ka ng matagal, tara na." nakangiti kong sagot.
Nag drive thru lang kami sa isang fast food chain para bumili ng breakfast after that pumunta na kami ng airport. Dumating kami ng airport ng mga 10:30 at nag depart ng saktong 11:00. dumating kami ng Amanpulo after an hour at doon sinalubong agad kami ng pinsan ni Ben na si Drake.
"Good afternoon, ladies you must be Jaera and Rina." bati niya sa amin.
"Yes, I'm Jaera and this is my friend Rina, and you must Ben's cousin Drake." sagot ng bestfriend ko
"Oo ako nga, so let me take your room." sabi niya sabay pinauna niya kami sa pag lalakad. Kinuha na ng mga attendant yung gamit namin kaya wala kaming bitbit.
Grabe ang ganda ng room namin ni Jaera. Tig-isa kaming kwarto na malapit sa tabi ng shore. Nakakarelax ang ambience. maya maya pa ay pumasok si Jaera sa kwarto ko.
"Bestie tara, sa kwarto dinala yung lunch natin." excited niyang sinabi sabay hila sa akin.
"Wow!!" tili ko. tumambad ba naman sa harap ko yung mga paborito kong pag kain.
"Oh my gosh! Ngayon lang uli ako makakakain ng korean cuisine, last na ata yung nung college pa tayo." kita ko na natakam din si Jaera sa pag kain.
"Tara kain na tayo!" pagyayaya ko sakanya.
Grabe namiss ko tuloy ang luto ni mommy lalo yung bibimbap niya. Simula kasi ng makabalik sila mommy sa Seoul. bumibili na lang ako ng food, paminsan minsan nag luluto rin pero di ko kaya gayahin ang luto ni mommy. Maya maya ay may kumatok sa pinto, si Drake.
"So did you like the food?" tanong niya
"Yes we did, complements to the chef." sagot ni Jaera
"Matanong ko lang, who ordered this? Kasi I asked Jaera kung siya ba umorder pero hindi daw siya." tanong ko kay Drake.
"Well Ben told me to. He also said to treat the two of you as VIPs here at the resort." pag papaliwanag niya.
"Oh I see. Thank you again Drake." pag papasalamat ko sakanya
"Your welcome. I know both of you are tired, so just take a rest for today and let's just start preparing tomorrow." nakangiti niyang sinabi
"Ok, Thank you uli." sagot ni Jaera
"If there's anything you need just call room service. " sabi niya sabay labas ng kwarto.
"Bestie?" sabi ni Jaera habang nakatitig sakin.
"Bakit Jaera?"
"Mukhang may tama pa rin sayo si Ben."
"May tama?" nag tataka kong tanong
"Ano ka ba di mo ba alam na may gusto si Ben sayo nung college pa tayo? Naunahan lang ni Arman kaya di na nag sabi sayo."
"Ano ka ba? San mo naman napulot yang chismis mo na yan?"
"Di yun chismis noh. totoo sinasabi ko siya pa mismo nag kwento sakin dati. kala ko naman alam mo na. "
"Ngayon ko lang nalaman yun." mahina kong sagot. Kaya pala nung naging kami ni Arman dati nag umpisa na siya umiwas sa amin ni Jaera.
pag katapos namin kumain bumalik na ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko, pagkatapos ay agad ako umupo sa isang bench sa veranda ng kwarto ko. Ang sarap ng feeling ng wala kang iniintindi kundi paano mag relax. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa sa mukha ko.
Tama si Ms. Carrie, I really needed a vacation.