Rina's POV
Everything is going quite well between me and Kurt. Kahit hindi pa officially kami pinakilala niya na ako sa family niya as his "special someone". Same goes to my family, nag video chat kami nila mommy at doon ko siya pinakilala as my suitor. Itong si Tiffany balak pa ata akong agawan dahil sinabi niya na crush niya si Kurt. Ang tagal na niya naghihintay kaya minsan nagi-guilty ako. Tuwing mag da-drama ako lagi ko siya sinasabihan na tumigil na pero buti na lang love niya talaga ako at hindi siya tumigil sa pag hintay sa akin.
At long last dumating na rin yung araw na sigurado na ako sa feelings ko para sa kanya. I was sure that I love Kurt. I wanted to surprise him kaya nag plano ako ng surprise visit mamaya sa bar kung saan sila tumutugtog pagkatapos ng gig nila. I can't wait to tell him that I love him.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kurt's POV
Kanina pa ako nag tetext kay Rina pero hindi siya nag rereply. Ok lang kaya siya? Hindi naman ako makaalis dito sa bar dahil sa rehearsals namin para sa gig maya maya. I hope she's ok. Tinawag na uli ako ng bandmate ko dahil magpa-practice na daw uli kami. Kailangan namin galingan ang performance namin mamaya dahil sinabihan kami ng may ari ng bar na may dadating na talent scout from a recording agency to hear us play. Pag nagkataon ito na yung big break na hinihintay namin. Pag katapos ng practice kinuha ko uli yung phone ko para mag text kay Rina, nagulat ako ng may nag takip sa mata ko. Siguro si Rina to, kaya pala di nagtetext kasi isusupresa niya ako.
"Nagulat ako sa surpr---" di ko tinuloy sinabi ko ng tanggalin niya kamay niya at nakita ko kung sino ito. Si Aira, yung ex ko. Agad ako lumayo sa kanya dahil mamaya kung ano isipin ng mga ka banda ko lalo na't close na sila kay Rina.
"Did you missed me baby?" sabi niya at yumakap uli sa akin
"What are you doing here? Ang naaalala ko nakipaghiwalay ka na sakin a year ago." irita kong sinabi sa kanya
"Well, I missed you. That's why I want you back." she said in a seductive way.
"You're unbelievable! Umalis ka na." pumasok na muna ako sa staff lounge dahil ayoko makita ang babaeng yun.
Tinanong ko si Tonton, isa sa mga bandmates ko, kung umalis na ba si Aira. Hindi pa daw, buti na lang wala dito si Rina.
9:00 pm. Nag umpisa na kami tumugtog at nakita na rin namin yung talent scout na dapat namin maimpress. The audience loved our performance that night, as well as the talent scout dahil sabi ng may ari nagustuhan niya daw kami at pinapapunta kami sa office niya pag may free time kami. Every one was celebrating maya maya lumapit na naman si Aira.
"Congrats baby!" bati niya at niyakap ako.
"Pwede ba lumayo ka s--." Di ko natuloy sasabihin ko dahil bigla niya ako hinalikan, tinulak ko siya agad. Pero mas nagulat ako nasa harap na namin si Rina. There was hurt and anger in her eyes.
---------------------------------------------
Rina's POV
"Sino siya baby?" tanong ng babae kay Kurt samantalang siya tulala pa rin. sasagot na sana ako pero naunahan niya.
"Ah fan niya kasi ako, hihingi lang ako ng autograph." nanginginig ang boses ko dahil pinipigilan ko yung luha ko.
"Paano ka mag papa autograph wala ka namang papel at ballpen." natatawang sinabi ng babae.
"ah oo nga, sige next time na lang siguro." nagpipigil pa rin ako. Nang aalis na ako hinawakan ako ni Kurt sa kamay pero di pa rin siya nag sasalita. He was just looking at me with he's It's-not-what-you-think-it-is pero bumitaw ako saka ako hinila ni Tonton. Nakita ko kung paano kumapit ang babae sa kanya. How kissed him. Habang nag lalakad kami palayo ni Tonton pinapaliwanag niya na huwag muna ako maniwala sa nakita ko hayaan ko daw mag paliwanag ang kaibigan niya pero hindi ko siya iniintindi dahil i was feeling hurt and betrayed. It was like Arman all over again. So much for a surprise, mukhang ako pa na surprise sa pag punta. Hinintay ni Tonton na makasakay ako ng taxi pauwi.
---------------------------------------------
Kurt's POV
Alam kong pinipigilan niya lang ang luha niya. Paano ko hinayaan na masaktan siya, ako, na nangako na poprotektahan ko siya at di hahayaan na masaktan. Ako pa ang nakasakit sa kanya. Hahabulin ko na sana si Tonton at Rina pero pinigilan na naman ako ni Aira.
"Saan ka ba pupunta?" Irita niyang tinanong
"Hahabulin ko sila Rina." sabay kumalas ako sa hawak niya.
"Rina? The fan?"
"She's not my fan, she's my girl." nagulat siya sa sinabi ko
"How can you like a girl like that?"
"Because she's not like you." pag katapos nun iniwan ko na siya pag labas ko ng bar nakita ko si Tonton pabalik sa loob.
"Pre si Rina?" tanong ko
"Nakasakay na ng taxi pauwi sa kanila." sagot niya
"Sige pre salamat." paalam ko sa kanya. Agad ako sumakay sa sasakyan at pumunta kila Rina. Tinatawagan ko siya pero di niya sinasagot.
After an hour dumating na ako sa labas ng bahay niya.
"Rina!" Sigaw ko "Rina kausapin mo naman ako!"
Nakita ko siyang sumilip sa bintana ng kwarto niya. Pero hindi siya lumabas. Inabot na ng umaga ang pag hihintay ko sa kanya, hindi rin siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Nasasaktan ako tuwing maiisip ko dahil sa akin kaya siya nag kakaganyan.
It's been weeks since the incident at hanggang ngayon di niya pa rin ako kinakausap pero lagi ko siya sinusundan at binabantayan. I miss her so much. I'll do everything to makes thing better again.