Chapter 6

16 1 0
                                    

"I heard the River of Life is back to the way it was. How come?" nagtatakang tanong ni Wayne sa amin. Maski ako ay hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinabi sa akin ni Kulas tungkol sa River of Life. Dahil hindi ko naman alam ang tungkol doon kahit noon pa man. Ang paliwanang ni Kulas tungkol doon ay hindi sapat para iyon ay aking paniwalaan.

Kung pati si Wayne ay alam ang bagay na ito, kung ganoon ay totoo nga ang tungkol sa River of Life. Na bumalik ito sa dati nitong buhay at maayos at magandang anyong tubig mula sa patay at tuyong ilog. Kung totoo nga ito, paano nangyari na bumalik ito sa dati? Nakakasakit sa ulo ang problema ng mga taong ito. Naisip ko tuloy kung tama ba na sumama ako sa kanila. Ngayon tuloy ay isa na ako sa namo'mroblema. Nadagdagan pa ang isipin ko.

"How did you know that?" tanong ni Kulas.

"I have my 'keneksyens'."

"How come that your oh-so-called 'keneksyens' did not tell you why?" sabat ni Ara sa sarkastikong tinig.

"You have a point there." tumango tango lamang ito.

"What a weak connections." sabay irap ni Ara sa kanya. Sumimsim ito sa hawak na baso at inilapag sa lamesa.

"Still the same Tamara when it comes to me. Kay Nicholas ka lang talaga mabait? So... unfair." Pang'aasar ni Wayne kay Ara at umiling iling.

Ngayon ko lang naisip na magkakakilala sila. They seem knew each other very well. I feel an outcast in here. Ano ba ang papel ko sa kanila? I can't see any significance of having me here. Sa tingin ko ay kailangan ko ng bumukod. At sa susunod na araw na pag'alis namin ay hihiwalay na ako sa kanila. But, I have to know more. Arggh! This is so frustrating.

Napansin ni Wayne na ubos na ang isang bote ng alak ay naglabas pa siya ng dalawa pa. Makahulugan itong tumingin at ngumiti sa akin na parang nagsasabi ng 'I know you want more, so drink more.' Napangiti ako sa sinabi niya. Nakaka'ilang shot na ako, dahil unang pagkakataon ko lang ito, pakiramdam ko ay umiikot ang bahay. Mabigat ang pakiramdam ko. And now, I am feeling emotional.

"I am happy for the gnomes who are living in there. Mababakas sa kanilang mga mukha ang galak at saya." Wala sa sarili na sabi ko. Napahawak ako sa kwintas na ibinigay sa akin ni Lolo Azrael. Dahil sa kabaitan na ipinakita nila sa akin ay binigyan pa nila ako ng munting regalo. Iingatan ko ito at aalagaan.

"You were there?" nagtatakang tanong ni Wayne. Tumingin ako kay Kulas na ngayon ay nakatitig na rin sa akin.

"Yes. Kasama ko si Kulas." tumango tango lamang ito sa sagot ko. Nagsalin ulit ako sa aking baso ng alak at ininom iyon.

Napansin kong nakatitig sa akin si Wayne. Bumaba ang tingin niya sa aking kwintas at bumalik sa aking mukha. Kumunot ang noo ko katulad ng pagkunot ng noo niya na halatang malalim ang iniisip.

"What's wrong?" hindi ko napigilan ang magtanong.

"Your necklace. Where did you get that?"

"Aah, bigay sakin ni Lolo Azrael." sabi ko na hindi pa rin binibitiwan ang pagkakahawak dito.

"It's cute on you." Seriously? Yun lang ang sasabihin niya? The way he looks at my necklace, I know there's something more. But, I can't figure it out. Mabilis nagbago ang topic, madami pa silang pinag'usapan.

Natahimik ang lahat. Mukhang may malalim silang iniisip. Ako, iniisip ko kung kaya ko bang ubusin ang dalawang bote na nasa harap ko ngayon. It might be my first... and will be the last.

"Kung nabuhay muli ang pula at asul na isda sa ilog, ibig sabihin ay may posibilidad na buhay ang World Balancer. Pero bakit ngayon lang? Hindi kaya ay kakasilang pa lang sa kanya?" takang tanong ni Wayne.

The Unbreakable Bond (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon