Chapter 9

15 1 0
                                    

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Itinago ko ang kahon sa aking bag. Mabuti na lamang ay hindi nila napansin iyon kanina. Dahil kung sakaling magtanong sila ay hindi ko alam ang isasagot ko.

Nakarating kami sa dulo ng isla. Wala na masyadong tao rito. Tahimik at madaming puno sa paligid.

Huminto ako nang mapagtantong napapaligiran kami ng isang puting usok. Pakapal ito ng pakapal. Umurong ako para makawala sa usok. Ngunit tumama ang aking likod sa isang matigas na bagay. Hinipo ko ito. Madulas ito at makinis. Isang salamin. Nakakulong kami sa isang salamin.

"Relax, guys. It's just a smoke scanner." Vin said

"A smoke for a scanner huh? I wonder who's the master mind of this." napaisip na sabi ni Wayne.

Unti unti nang kumakapal ang usok. Bahagya akong inubo at napahawak sa aking bibig. Ganun din ang nangyari sa kanila.

"Oh, how I hate smoke!" galit na sabi ni Wayne. "

"Para saan ba ang smoke scanner." Umubo pa ulit ako ng ilang beses. Kapag nagtagal pa ito ay baka mamatay kami sa kakulangan ng hangin.

"Para malaman kung sino ang malakas ang loob na pumunta dito sa dulo ng isla. Dahil ito lang ang daan patungo sa Cage." Paliwanag ni Vin.

"She's the only one who can do this, Wayne." sabi ni Ara na umuubo rin.

"S-she?" Utas ko.

"She knows we're here." ang huli kong narinig sa kanila.

Mas lalong kumapal ang usok. Hindi ko na sila makita dahil dito. Hindi na ko makahinga. Napaupo na ako at hinahabol ang aking hininga. At ilang saglit pa ay may naramdaman akong mga bisig na sumalo sa akin bago ako mawalan ng malay.

---

"Poor little girl..." sabi ng isang tinig ng babae.

"Bakit mo ba ginawa yun? Papatayin mo ba kami?" asik ng isang lalaking tinig.

"Just doin' my job bro'."

"At kelan ka pa pumayag na alilain ka? Ang alam ko ayaw mo ng inuutusan ka."

"That's how you talk to your big sister now, huh?" nag'iba ang tono ng boses nito.

"Pero, ate kasi... Alam mo naman na may kasama kaming normal na tao. You're being careless."

"I don't think so."

"Enough of that. Ang ingay niyo." isang baritong tinig ang nakapag patahimik sa dalawa.

Ilang minuto na akong gising. Ngunit hindi ko maimulat ang aking mata dahil sa hapdi. Umubo ako ng bahagya at humawak sa aking bibig.

"May malay na siya." boses ni Nicholas ang aking narinig.

May naramdaman akong likido na pumatak sa aking mga mata.

"You can open your eyes now." sabi ni Kulas.

"Get her food to eat." Utos ng boses babae.

Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nasa isang kwarto ako, nakahiga sa isang malambot na kama. Umupo ako at nakita ang dalawang babae na malapit sa akin.

"How are you feeling?" tanong ng isang magandang babae. Matangkad siya at maganda ang hubog ng katawan. Makinis at maputi ang balat nito. Maganda ang kanyang bilugang mata at matangos na ilong. May tamang kapal ang kanyang mapulang labi.

"I'm fine. Where are we?"

"Nasa bahay ko." Ngumiti ito ng bahagya. Tumalikod ito at umupo sa malapit na sofa.

The Unbreakable Bond (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon