CHAPTER 4 KALA KO ?!?

3 0 0
                                    

Ice's POV

Pagmulat ko ng mata, puting kisame, ramdam ko ang malambot na hinihigaan ko. Nilibot ko ang paligid. Nasa kwarto na ulit ako, yung kwartong pinagpahingaan ko kanina nung kami ay dumating.

Napabalikwas ako ng tayo. Teka, ano bang nangyari. Ang alam ko nag uusap kami ng ulan na yun tapos nagsuggest ako ng ----

"ahhhhhhhhhhh" sigaw ko ng maalala ang nangyari.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nun si kuya Elias.

" Danielle, anong nangyari sayo? Bakit ka sumisigaw?"

" Ku-kuya, tinulak ako ni Ulan !!! Waaaaahhhhh!!"

" Tinulak? Anong tinulak? Siya pa nga ang nagdala sayo dito sa kwarto. Nang tinanong ko siya kung bakit ka niya buhat, ang sabi niya sa akin hinimatay ka daw."

"kuya naniniwala ka sa kanya. Tinulak niya ako. Napakasama ng ugali niyang modelo mo. Ayoko na!"

" Danielle Ice Hart, wag kang mambintang. Di tayo tinuruan ng ganyan ni Mamu."

" Pero kuya! Totoo naman yun ee. Tinulak niya ko. Ang sama ni---"

" Bago ka magsabi ng kung ano ano alamin mo muna ang tunay na nangyari." sabay kaming napalingon ni kuya sa taong nagsalita.

Ang mga matang yun. Nakakatakot. Nakakahina. Kinakabahan ako sa tuwing napapatitig ako sa kanyang mga mata.

" Elias, magsimula na tayo." Tipid niyang sabi sa kuya ko.

" Sige. Danielle, mag ayos ka. Sisimulan na ulit natin ang photoshoot. Mukang malamig na ang ulo nitong bestfriend ko hahahaha." sabay akbay kay Ulan. Eto namang si Ulan inaalis ang kamay ni kuya na nakaakbay sabay alis.

Samantalang ako, di makapaniwala. Ano ba talagang nangyari? Di ba niya ako tinulak? Parang lumalabas na ako ang masama. Nakakainis na siya!!

-----------
Natapos din ng matiwasay ang photoshoot ni kuya. Pwede na kaming maggala dito. Yes! Excited na ko.

Tutal sila sila naman ang magkakakilala, gagala na lang ako mag isa.

Naglalakad ako sa may dalampasigan nang makita ko siya. Doon ulit sa pwestong iyon. Ako naman si tanga nilapitan ko pa.

"Nandito ka na naman. Ano na namang kailangan mo?"

"Ahmm .. Ka-kasi gusto ko lang malaman yung totoo."

"Bakit? Maniniwala ka ba?"

"Hmm .. Ikwento mo para malaman mo kung maniniwala ako."

"Tsk." rinig ko. Naupo na ko sa tabi niya at sabay naming pinagmasdan ang paglubog na araw.

Walang nagsasalita. Nang basagin niya ang tahimik na lugar.

"Hinimatay ka."

"Huh?"

"Sabi ko hinimatay ka."

"Bakit?"

"Hindi ko alam. Basta ka lang nawalan ng malay. Lalapitan lamang kita ngunit hinimatay ka na. Di ako kasing sama ng iniisip mo."

" Pero kasi sabi mo. Tsaka kala ko tinulak mo ko."

"Tsk. Dani, maraming namamatay sa maling akala."

"Dani? Sino si Dani?"

"Tsk. Slow ka? Bumalik na tayo sa loob. Lumalamig na. Baka magkasakit ka." sabay tayo niya.

" Slow ka diyan. Te-teka intayin mo ko."

Naiinis pa din ako sa kanya. Napaka cold pa din niya. Pero atleast sinabi niya ung totoo. Maniniwala ba ako? Tsaka sino si Dani? Ako ba yun? Ughh.. Sumasakit ang ulo ko sayo Ulan.

His smile that worth a million pesosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon