Someone's POV
Summer here I come !!!
"Ayssss!!!"
"Ano?!"
"Summer na .. Anong balak mo ..?"
"A--"
"Alam ko na .. Pupunta ka na naman sa magagandang lugar at doon magbabakasyon tapos bitbit mo na naman ang dslr mo at kukuha ka na naman ng litrato. Tama ko noh.."
Ayt .. Tatanong pa alam naman ang sasagot.
"Nagtanong ka pa. Actually, kasama ko si kuya Elias na pupunta sa lugar na yun. Di na ko makahintay hahaha."
Nga pala di pa ko nagpapakilala. Ako nga pala si Danielle Ice Hart. Ang pamilyang Hart ay sikat, mayaman ngunit mababait hindi katulad nung iba dyan, at may napakaraming business.
College na ko. Kurso? Wag na lang basta ang hobby ko ay ang kumuha ng mga magagandang litrato. Yun na yun!!
Beeep! Beeep!
"Lee, yan na sundo ko. Alis na ko. Paalam. Hanggang sa muli nating pagkikita."
"Aysss, mamimiss kita." Sabay yakap sa kin ni Lee na parang di na magkikita haha.
"Sige na mamimiss din kita Lee."
Sumakay na din ako sa kotse namin at nagwave ng kamay sa matalik kong kaibigan.
Bakasyon na !!
...
Someone's POV
"Young master Yukiya, handa na po ang hapag."
Hindi ako sumagot. Alam na nila ang sagot ko. Palagi namang ganito simula ng mawala sila. Ako ang dahilan ng aksidenteng iyon. Dapat...
Argghh!! Ang hirap ng mag isa. Sana isinama na lang nila ako. Di sana ako nahihirapan ng mamuhay ng mag isa.
"Young maste--?"
"Lubayan niyo ko. Bababa din ako!!"
Pagkatapos nun wala na.
Ako si Rain Yukiya Usui. Sa murang edad ako na ang nagpapatakbo ng business namin simula nang mangyari yun.
Di ako palangiti at ako lang ang nakakaalam kung bakit ako ganun.
At ang pinaka ayaw ko ang bakasyon na ito. Its hard to smile.
Maliban sa may ari ng business na to model din ako. Yan!!
Kring! Kring!
"Yukiya, napagpasyahan naming bigyan ka ng bakasyon. Napagpasyahan namin dalhin ka kun saan sigurado naming mapapangi-"
"Tumigil ka. Di na ko ngingiti. Saan ba yang lugar na yan?"
"Haha sinasabi mo lang yan, about sa lugar, txt ko na lang sayo kung saan. Sana mag enjoy ka!"
"Tsk!"
I hang up. Siya ang manager ko. Ewan ko ba sa Chalie Elias Hart na yun. Kung ano ano naiisip.
Saan nga kaya yun..
...