Ice POV
Maaga akong gumising, syempre maaga kami aalis ng kuya Elias ko.
"Kuya Elias!!!!"
"Ice naman. Wag yun. Chalie diba Chalie. Not Elias ok. Ano bang problema mo ?"
"Mas gusto ko ang Elias kaya yun ang itatawag sayo. Hahaha. Excited na ako. San ba kasi tayo pupunta?"
"Bahala ka. Si mommy kasi e. Excited saan ?"
"Sa bakasyon natin o iba ang gagawin natin?"
"Sinong maysabing magbabakasyon tayo?"
"Sabi ko na nga ba e. Kuya Elias naman ee. Sabi mo sasama ako sayo."
"Oo nga sasama ka nga sa kin hindi para magbakasyon kundi para magtrabaho sa kin. Hahahaha."
"Ehh. Trabahong walang sweldo" bulong ko
"Anong sabi mo?"
"Wala sabi ko tara na para makasimula na."
Akala ko pa naman makakapahinga ako. BADTRIP !!
Ang ganda ganda ng gising ko tapos dili pala ako makakapagbakasyon. Kukunin na naman akong photographer ng kuya ko. Nung nakaraan kinuha din niya kong ganyan ee kapanget naman ng model niya ngayon din kaya ??
"Ice tara na kala ko ba excited ka na sa BAKASYON mo ??"
Hmp. Diinan ba ang salitang yun.
Sumakay kami ng syempre sasakyan niya. Lahat ng gamit namin nandoon. Sa Palawan ang punta namin. Yehey!! Maganda dun ee hahaha.
Mahaba habang byahe ito.
"Ice tulog ka muna. Matagal pa tayo at sinisigurado kong paggising mo nasa Palawan na tayo."
"Okay."
Nagsalpak ako ng earphone at nakinig ng music para makatulog ako.
Kasarap ng tulog ko. Ang lambot naman nitong kama ko. KAMA!!!
Nagbalikwas ako ng gising at nakita kong nasa isang silid ako. Kaganda. Hindi ko na idedescribe basta magandang silid.
"Yuki naman. Ngumiti ka naman."
Nauulinigan ko ang boses ng kuya ko. Siguro nagpipictorial sila. Pictorial na wala ako.
"Ang hirap mong pangitiin. Lahat na ginawa namin."
Ngayon ko lang nadinig si kuya ng ganun. Makalabas na nga.
"Yuki ngiti. Smile."
"Chalie ganito na ako."
Narinig kong sabi nung Yuki. Hindi ko siya matingnan sa mukha. Nakatalikod siya sa kin pero masasabi mong maganda ang tindig nito para sa isang modelo.
"Ice" Nakita ako ng kuya.
"Kuya pasensya na napasarap ng tulog."
"Ayos lang. Nga pala eto si Rain Yukiya Usui. Model ng company natin at siya ang kukuhanan mo. Yuki si Ice kapatid ko."
Nakipagkamay ako. Tiningnan niya lang ito at umalis na. Napakasuplado para sa isang model.
"Hayaan mo na siya Ice ganyan na talaga siya."
"Napakasuplado ng model mo kuya. Tapos dinig ko pa n di un marunong ngumiti me ganon bang modelo. Hmp! Kakairita siya."
"Ice. Magstart na tayo."
At ayon ang una naming pagkikita ng Rain na yun. Ulan.
Nagsimula na din kami.
"Hey, ngiti naman diyan." Sabi ko ke Ulan. Yan na ang tawag ko sa kanya. "Para namang sapo mo ang lahat ng problema dito sa mundo."
Ang hirap niyang pangitiin. Ang ganda ganda ng lugar.
"Kuyaaaaa!!"
"Yuki, magsmile ka na."
Para naman siyang bata. Di na ko nakatiis. Linapitan ko na siya.
"Hoy! Ulan, wala namang mawawala sa iyo kung ngingiti ka. Yun lang naman ang hinihingi ko. Wag mo na akong pahirapan."
Ramdam ko ang bagsik ng tingin niya sa akin nung tinawag ko siyang Ulan. Ha! Di ako matatakot sa kanya kala niya."Anong tinawag mo sa kin?"
"Ahmm...Ulan.." Syempre kakautal naman ang gwapo niyang mukha ayy mali mali erase erase erase.
"Ha! Kung nahihirapan ka na sa pagkuha sa kin kumuha kayo ng ibang modelo." Pagkasabi niya ay umalis na siya.
Syempre papatalo ba ko. "Hoy! Ulan bakit ka ba ganyan umasta. Para ka namang namatayan ng magulang dyan na ikaw ang may gawa."
Bumalik siya at humarap sa kin na nanglilisik ang mata.
"WALA KANG ALAM!! MAGHANAP KAYO NG IBA NIYONG MODELO DAHIL HINDING HINDI NA KO MAGMOMODEL SA INYO.!!!" Sigaw niya.
Parang i hit the bullseye. Kita ko sa mata niya ang sakit. Perstaym kong masigawan ng ganun.
"Ice. Ayos ka lang ba??" Tanong ng kuya.
"A-ayos l-lang ku-kuya." Utal na pagkakasabi ko. "Wag kang mag alala kuya. Aayusin ko to."
Alam ko kasing mahalaga to kay kuya kaya gagawin ko ang lahat para maging modelo ulit ang Ulan na yon.