CHAPTER 5 FRIENDS!?

1 0 0
                                    

ICE POV

Matapos ang madamdaming pag uusap .. charot .. matatawag ba yung madamdaming pag uusap. Maniniwala ba ko sa kanya?. Wala namang mawawala kung maniniwala ako diba. Ah basta.

Masulit na ang bakasyon ko. Pede na kong maggala.

"At last, I'm fre---"

"Hep hep! anong sabi mo?" kuya Elias

"Makakagala na ako ng mag isa."

"Sinong nagsabi? Wala naman akong sinabing magagala ka mag isa diba." kuya Elias

"Eh pero kuya--"

"Hep. Isama mo si Yuki."

"What?? no. I dont want. Kuya naman ee. Di nga kami naguusap ng Ulan na yun e."

"Mamili ka, maggala ng kasama siya o maiwan ka dito? Choose."

"KUYA NAMAN ee."

"CHOOSE!"

"Oo na. Sasama na ko sa kanya".

"Good Girl. hahahah".

No choice. Tsk. Nasan ba ung Ulan na yun. Anong manyayari sa bakasyon ko. HMP.

"Dani, Let's go." 

"AY PALAKA. ano ba, bat ka ba nanggugulat jan?. May lahi ka bang kabute ha." ay grabe kung saan saan sumusulpot tong ulan na to. 

"Lets go. Remind ko lang Elias, I'm not her  bodyguard ok."

"Hahahaha.. Yuki parang ganun na din un. So enjoy you too. Bye!".

WHAT!! im not kid anymore. tsk.

"LETS GO, DANI" at umalis na po siya iniwan niya ko.

"Arghm, dont call me that. Intayin mo ako, Ulan" syempre habol ko na naman sya. Hindi ko alam kung san kami pupunta. But wait, ako dapat ang magdedecide diba, kasama ko lang naman siya eh. ARRRGGGHHH nakakainis talaga.

"Dani, where do you want to go?" tanong niya.

"Talaga? Ako magdedecide? Akala ko kasi susundan lang kita eh." 

"Decide or else ---" 

"Wait. Eto na. I want to go to a cafe here somewhere. Sabi nila masarap daw ang cakes dun and milk tea eh. Ano nga name nun? Hursula's Cafe?"

"There!"

"Owh. Andito nga siya. Andaming tao. Sikat talaga ang cafe shop na to."

"Let's go." at ayun nauna na po ulit siya. Teka, mukang bumait na siya ah. Friends na kaya kami?

"WOW! ang ganda ng place." sabi ko, syempre andito na din ako kuha na ko ng photos.

"Go search for a vacant sit for the two of us. Ako na mag oorder." utos niya.

"Alam mo kung ano ioorder ko?" syempre bago ako maghanap ng uupuan dapat alam ko ioorder niya para sa kin.

"Ano order mo?"

"TSK! Hmm." tiningnan ko menu nila na nasa taas. "Red velvet chocolate cake and strawberry milk tea. That's all." sabay walk out and search for the best seats. hahah

Grabe. Ganda ng place. Balita ko meron din silang iba't ibang branch all over the country. Sikat na sikat nga talaga ang place na to. I choose the one na katabi ng windows. Ang cute naman ng seats and tables. Kelangan ko tong kuhaan ng photos for my page.

"Here!" sabi ko ng matanaw ko na si Ulan na hinahanap ang upuan na napili ko.

"Here. Puro ka sugar. Buti di ka nataba. TSK." 

"Pake mo." tiningnan ko naman ang order niya. Mukang mahilig sa tsaa. 

"Bat di ka umorder ng cake?" tanong ko.

"Lots of sugar." tsk. minsan lang naman mag sugar. "Go eat. Alam kong may gusto ka pang puntahan dito."

"Hmm okay." syempre bago kumain, snap muna. hahaha. perks of being a photographer. After ko mag take ng photos, di ko sinasadyang pagmasdan ang nilalang sa aking harap. Ang ganda ng ayos niya. Gamit ang aking camera ay pasimple ko siyang kinuhanan ng photos, as in photos. Hmm. Collection perhaps?.

"Eat, Dani. Don't just take pictures of someone that is eating silently."

"Opo. Para kang si kuya. Magkaibigan nga talaga kayo. Parehas KJ."

At ayun na naman po ang matalim niya titig na nakakapalambot ng tuhod. Tsk. At inenjoy ko na din ang pagkain. Sarap.

"Nga pala. Pede magtanong?"

"What?"

"Bakit ang sungit mo?" tinitigan niya lang ako at di niya sinagot. "Sorry nga pala."

"For what?"

"Dun sa mga sinabi ko about your parents. I don't know naman kasi. Sinabi lang ni Kuya sa kin. Sorry. Tsaka salamat na din." and his famous look me in the eye lang ang isinagot niya sa mga paliwanag ko.

"You know what, ang daldal mo para sa isang babae. Magkapatid nga kayo ng kuya mo."

"Ehhhh. Tsk."

"*smirk* tapos kana? Lets go."

"Okay na ko. Dalhin ko na lang tong milk tea. Gusto ko ulit mapagmasdan ung sunset. Bihira lang kasi ako makakita ng ganung kagandang sunset." un talaga pinunta ko dito sa lugar na to. Ang sunset sa tabing dagat.

"Okay. Lets go." sabay lahad sa kin ng kamay niya na kinabigla ko naman.

"Hmm okay." ako naman si tanga inabot pa. Shet. Mukang magiging maganda ang araw ko. Mali gabi pala. Hahaha. Yung puso ko ayaw tumigil ng kabog. Okay lang yan heart. Relax lang tayo. Crush ko na ba siya?

"Dani, are you okay? Nanlalamig ang kamay mo."

"Hmm y-yeah. Im o-okay." shet kinakabahan ako. Hahaha. First time.

Nakarating na din kami sa may dalampasigan ang holding hands naming inantay ang papalubog na araw. Di ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ito.

"Sabi nila kapag may kasama kang manuod ng sunset, you two are soulmates and will last forever." litanya ni Ulan.

"Huh? Ta-talaga?" shet. Talaga ba? Crush ko na ba tong ulan na to. Eh ambilis naman. Eto na ba yun? Aaminin ko una ko pa lang siyang nakita, nahook na gad ako sa mata niya. Lumalim na agad?

"Yup."

"So soulmates tayo and we will last forever?"

"Hmm maybe." sabay tingin niya sa kin at binigay niya ang isang ngiti. Ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Ngiting abot tenga. Ngiting lalong nagpabilis ng puso ko at di niya binitawan ang kamay ko habang lumulubog ang araw. And that's what I called his one million smile.

Friends? No I dont think so. For me its love at his first smile.

^#-#^


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His smile that worth a million pesosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon